Chapter 3

21 2 0
                                    

Men in Black

"Ano'ng shift, Viana?!"

Halos tumayo ang balahibo ko sa agad niyang pag-sigaw. Tumaas ang tono ng pananalita niya habang nakakunot noong nakatingin sa akin.

Napakagat naman ako ng labi at pinanlakihan ng mata si Brandon, 'yong workmate ko.

Agad naman napasipol si Brandon. "Sorry," paglalabi niya.

Hinawakan ako ni Maria sa braso ko at hinarap sa kaniya. "Ano'ng shift?" pag-uulit niya.

Inikot ko ang paningin ko. Hindi ganoon karami ang tao. Nakakahiya naman kung gagawa kami ng eksena rito. Baka rin maisisante pa ako sa trabaho kong 'to eh.

Eto na nga ba ang sinasabi ko. Ba't kasi lutang ako at hindi ko napansin na pumasok kami rito? Kung bakit kasi nag sinungaling pa ako kay Maria, edi sana hindi siya magagalit sa akin.

"Maria, ganito kasi..." malumanay kong sabi at sinubukang magpaliwanag. Ngunit umiling lamang siya. Sinubukan kong abutin ang kamay niya, pero marahas niya akong binitawan.

May narinig akong napasinghap sa paligid, pero hindi 'yon pinagtuunan ng pansin dahil nakikita ko kung gaano kabigo si Maria habang tinitignan ako. Nakaramdam tuloy ako ng pagkakasala. I shouldn't have lied to her. Best friend ko pa naman siya.

"Ano?! Viana naman!" Ramdam ko ang galit at inis niya. "Hindi ko kailangan ng paliwanag mo!"

Mabilis siyang tumalikod sa akin at tumakbo palabas. Hahabulin ko na sana siya ng tawagin ako ni Brandon. Nasa harap ko na pala siya.

"Uy, Viana, sorry. Nagkagalitan ba kayo ng dahil sa akin?" malumanay na tanong sa akin ni Brandon.

Umiling naman ako at tinapik siya sa balikat niya. Ngumiti ako sabay sabing, "Hindi ah. Kasalanan ko 'yon. U-Uh, mag-oorder sana ako." Tinuro ko ang counter.

Natauhan naman siya at tumango. "Oo nga..." Naglakad na siya papunta sa kabilang dako ng counter habang ako ay lumapit doon.

Tumingala ako at pumili ng makakain. Pagkatapos kong makapag desisyon ay agad ko namang sinabi kay Brandon ang order ko. Agad niya naman 'yon inayos at binigay sa akin. Pagkatapos kong magbayad, ngumiti ako sa kaniya at nagpaalam na.

"Sorry ulit, Viana," sabi niya pa bago ako umalis. Umiling naman ako ay tumawa. "Okay lang, ano ba. Kita na lang tayo sa susunod. Bye!"

Agad naman akong umalis at pumara ng taxi at agad na sinabi ang address namin.

Pagkababa ko ay agad akong nagbayad at nagmamadaling umakyat na. Hindi ko na nabati si Mrs. Martinez sa sobrang bangag ko.

Nang nasa harap na ako ng pinto ng apartment namin, kukunin ko pa sana ang susi namin ngunit pakiramdam ko ay bukas lamang 'yon. Nang sinubukan kong pihitin ang door knob, bukas nga 'yon.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at agad naman akong nakarinig ng mga hikbi.

Sinara ko agad ang pinto at inilapag sa lamesa ang pagkain na binili ko bago naglakad papunta sa kama namin.

Habang mas nalalapit ako sa kama namin, mas lalo namang lumakas ang hikbi na naririnig ko.

Dumungaw ako sa taas at nakitang nakatalikod si Maria at tumataas-taas ang balikat niya.

Inakyat ko ang maliit na hagdan doon at itinaas ang sarili ko sa kama niya. Sinilip niya ako bago tinalukbong ang kumot sa mukha niya.

"Maria..." tawag ko sa kanya at kinalabit siya sa paanan niya.

Glamanour HeightsWhere stories live. Discover now