Prologue

33 3 0
                                    

Isa lamang akong napaka-simpleng babae na nakatira sa Glamanour Heights. Kung gaano ako ka-simple, ganoon din naman ka-bongga ang lugar na aking tinitirahan.

Isa akong working student na nag-aaral sa Canto Academy.

Bongga rin ang paaralan na 'yon!

Isa ako'ng scholar dahil kasali ako sa banda.

Sa totoo lang, noon noong nabubuhay pa ang aking ina ay siya pa iyong nagbabayad ng aking tuition fee. Ngunit, noong namatay siya, malapit na akong paalisin sa eskwelahan, dahil nga hindi ko pa nababayaran ang mga dapat bayaran.

Buti na lang at isang musikera ang aking ina at na-mana ko naman sa kanya ang pagiging musikera kaya nasali ako sa banda at naging isang scholar. Malaking tulong 'yon, lalo na at wala nang mag-tataguyod sa akin.

Ngayon, ay papunta akong music house upang mag bigay ng lessons sa mga kabataang gustong matuto ng mga instrumento.

'Yon ang aking puhunan, 250 pesos ang aking kinikita tuwing isang oras.

Oh, diba? Hindi naman ganoon kasama, kaya kahit na eto lang ang aking ginagawa—ang turuan ang mga kabataan, ay nakakakita pa rin ako ng malaki.

Nang makarating ako sa labas ng hardin ng music house, ay agad kong nakita ang mga batang naglalaro kasama ang kanilang magulang. Siguro ay hinihintay na lamang nila ang kanilang sundo, o hindi kaya ay tapos na sila sa lessons nila at gusto lang na magpalipas oras.

Napangiti naman ako ng malungkot ng may makita akong nanay na tinatalian ang buhok ng kanyang anak.

How I missed my Mother...

Nag patuloy na ako sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa loob.

"Magandang umaga, Viana." Nakangiting bungad sa akin ng head mistress dito.

Tumungo naman ako at sabay sabing, "Magandang umaga rin po!"

"Halika, andito yung tuturuan mo ngayon," aniya at nag simula ng maglakad, kaya sumunod naman ako.

Tiningnan ko ang aking paligid, hindi pa rin ito nagbabago, isang buwan kasi akong nawala para ituon muna ang atensyon ko sa aking pag-aaral. Sapat naman na ang aking pera no'n kaya okay lang.

Ang sahig na gawa sa marmol ay makintab pa rin. Ang dingding naman ay may mga naka-disenyong musika, kung hindi naman, ay mga nota. May mga larawan din ng mga batang nag-aral ng musika simula't noon hanggang ngayon.

Tinitignan ko lang ang paligid nang mahagip ng aking mata ang litrato ng aking nanay.

Dito rin siya nagtratrabaho noon, isa siya sa mga namamahala rito kaya madali lamang akong nakapasok dito.

Haynako! Naalala ko nanaman si Mama! Aish.

Umiling-iling naman ako.

Viana, kailangan hindi ka malungkot, siguradong malulungkot din si Mama!

Napatigil kami sa paglalakad dahil nasa harap na kami ng isang may F-clef na design na pintuan. Pinihit ng head mistress ang door knob kaya ay agad namang bumukas ang pinto.

Pumasok na kami. Nahagip ng aking mata ang babaeng nakatalikod sa amin at nakaharap naman sa grand piano habang naka-upo sa piano bench kung saan kasya ang tatlong tao doon. Ngunit pag may kaunting pagka-lusog ka, dalawa na lamang ang magkakasya doon.

Lumapit kami sa babaeng nakatalikod sa amin. Nakita kong nakatitig siya sa piece na nasa harap niya. Mukhang nagkakaroon siya ng problema sa pagbasa ng mga nota.

Sa totoo lang ay napakadali lang namang mag-basa ng mga nota. Ang mahirap, ay ang kung paano ang tamang pag-galaw ng mga daliri mo.

Lumapit ang head mistress doon sa babae at tinapik ang kanyang balikat, ngunit hindi man lang kumibo ang babae. Kaya lumapit na ako sa kanya, at laking gulat ko, si Lana lang pala 'yon. Iyong classmate ko.

"Lana?" Pagtawag ko sa kanya, dahilan upang lumingon siya sa akin. Ngumiti naman siya at umusog ng kaunti, nagbibigay espasyo para siguro maka-upo ako.

"Upo ka." At tinapik niya ang espasyo sa gilid niya kaya umupo na din ako.

"Sige, maiwan ko na kayo rito," sabi ng head mistress. "Ikaw na'ng bahala sa kanya, Viana. Mukhang magkakilala naman kayo." Nakangiting sabi niya at tiningnan kaming dalawa. Tumango naman ako bilang sagot at umalis na siya.

"Mag simula na tayo?" tanong ko na ikinatango niya.

Glamanour HeightsWhere stories live. Discover now