Chapter 2

32 3 0
                                    

Memories

"Ginising mo sana ako!" Nakahalukipkip na saad ni Maria.

Pagpasok ko sa apartment namin, gising na siya at nakabusangot.

"Mukhang pagod ka eh. 'Tsaka, tapos na, Maria. Kaya mag lagay ka na lang ng mga plato dahil patapos na akong mag-luto." Tinuro ko ang lalagyanan ng mga pinggan namin.

Padabog namang tumayo si Maria at nag latag na ng mga plato sa lamesa namin.

Tumalikod ako sa kanya at humarap sa niluluto ko. Kinuha ko naman ang sandok at inikot 'yon sa kalan. Sinigang ang napagdesisyonan kong gawin, kaya heto.

"Mas pagod ka sa akin, Viana. 'Tsaka, sobra ata 'yong pinamili mo? Magkano ba? Babaya–"

"'Wag na," pagpuputol ko kay Maria. "Ayos lang ano ba." Ngumiti ako at humarap sa kanya.

"Pero–"

"Maria, nag-t-trabaho ako para may makain, at matirahan ako ng maayos. May pera naman ako kahit papaano, kaya ayos lang."

Ngmuso siya at humalukipkip. Nakikita kong gusto niya pang makipagtalo sa akin, pero nanahimik na lang siya.

Kinagat ko na lang ang labi ko at umiling. "'Wag mo na nga ako isipin. Ayos lang talaga, Maria."

Tumaas ang tingin niya sa akin at sinubukang ngumiti. "Babawi ako," sabi niya.

"Salamat."

Pagkatapos ng ilang minuto, pinatay ko na ang stove namin. Tatalikod na sana ako para kumuha ng bowl pero laking gulat ko nang nakatayo na pala sa tabi ko si Maria at may hawak-hawak na bowl na.

"Ako na. Umupo ka na riyan." Tumingin siya sa upuan ko, senyales na mauna na akong umupo.

Hindi na ako nag salita pa. Sanay naman kasi kaming dalawa na nag-tutulungan. Ni isang beses ay hindi ko naramdaman ang pagkaka-iba ng estado namin ni Maria sa buhay. Hindi lang kasi siya mabait, matulungin din, pero minsan ay tinotopak kaya ayon, inaaway ako.

"Ang sarap!" Napangisi ako nang tinikman ni Maria ang luto ko. "The best ka pa rin talaga! Hintayin mo 'ko at gagaling din ako sa pagluluto." Kinindatan niya ako.

"Baka graduate na tayo niyan. Hindi mo na ako mapagluluto."

"Huh? Tapos ano naman ngayon? Lilipat ka ng bahay gano'n?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Ikaw kamo." Turo ko sa kaniya.

"As if! Best friend's pa rin naman tayo kahit mag-graduate! Ikaw ah, baka iiwan mo 'ko!" Haka-haka niya.

"As if!" pang-gagaya ko sa kaniya. "Alam mo namang ikaw lang ang natitirang pamilya ko," dagdag ko at tumungo.

"OMG ka!" Tumayo siya at mukhang nagulat. "You consider me as your family, Viana!" Yumuko siya para tawirin ang pagitan namin sa lamesa at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Hey! Don't be sad!" pagtawag niya sa akin nang hindi ko siya tinignan.

Sinubukan ko namang ngumiti. "Hindi naman ako malungkot, ano ka ba!" Tumatawa kong sabi.

Ngumuso naman siya at binitawan ako bago umupo.

"It's almost Tita's death anniversary, right? Do you want me to go with you?" dahan-dahan niyang tanong.

Pag-dating kay Mama, nagiging sensitibo si Maria pag kinakausap ako. Kaya ginagawa niya ang lahat para walang masabing mali. Ang talas kasi minsan ng bunganga niyan.

"Hindi ka ba busy?" Nag-angat ako ng tingin. Ngumiti siya at umiling.

"Thank you," bulong ko at malungkot na tumungo.

Glamanour Heightsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن