Chapter 4

47 2 0
                                    

Heights House

"Uhm?"

Nag katinginan kami ni Maria nang hinarangan kami ng apat na lalaki. Teka, lima pala.

"Ms. Viana Fabia?" tanong ng isang lalaki sa isang baritonong boses.

Napakurap ako at dahan-dahang tumango. Hindi naman ako kinakabahan na hinarangan nila kami, pero may ginawa ba akong masama? Sa pagkaka-alam ko ay wala naman ah? Kung hindi ako nag kakamali, tauhan sila ni Mayor Valeriano.

"May we have your permission to go with us?" 'Yong lalaking may baritonong boses pa rin ang nag salita. Ang iba niyang kasama ay naka-tingin lamang sa amin habang matuwid na naka tayo.

"Saan... po?" Nag alanganin pa ako kung magiging pormal ba ako. Naramdaman ko naman ang pag hawak sa akin ni Maria kaya medyo tinagilid ko ang ulo ko.

"Where are you taking her?!" singit naman ni Maria.

Napalingon naman sa kanya ang lalaki at umubo ng peke. "We aren't here with a hidden agenda. We just want to talk with Ms. Fabia, is that okay, Miss..."

"Maria Lopez!" Hinawi ni Maria ang buhok niya. "And where are you taking her?" Taas kilay na tanong ni Maria.

Hindi ko alam na may spokesperson na pala ako. Napa kagat na lang ako ng labi at tinignan ulit ang lalaki.

"We want to talk to Ms. Fabia privately."

Kumunot ang noo ko. Ano'ng posibleng tungkulin ko sa kanila na hindi ko nagawa? O ano'ng kailangan nila sa akin at kailangan talaga nila akong salubungin dito? At paano nila nalaman na andito ako? At isa pa, bakit nila ako kilala?!

"What do you guys want to talk to her about?" si Maria na ang nag tanong.

Binasa no'ng lalaki ang labi niya bago sumagot, "It's a business with the Mayor. We would like to talk about it privately as we are deriving a strong presence here."

Tumaas ang kilay ni Maria sa narinig.

"Don't worry, you can go with us, Ms. Lopez." Tumabi ang lalaking naka-usap namin. "Oh, sorry for being rude. I am Jackson, one of the Mayor's men, I'm pleased to meet you both."

Tumango lang ako. Iginaya niya kami sa isa sa mga itim nilang kotse. Tatlo ata nag kotse'ng dala nila eh. Naka parada sila sa kanto kaya nakakabahala sila sa tao.

Nagka-tinginan muna kami ni Maria bago siya pumangewang ng tingin kay Jackson. "And where will you bring us? Can I have a confirmation that you really are one of the Mayor's men?"

Jackson snapped his finger. Ang isa sa mga lalaki ay agad na lumapit sa amin na may dala-dalang folder.

"Here. This is a document signed by the Mayor regarding our credibility." Inilahad ni Jackson ang folder na kukunin ko na sana, pero bago ko pa makuha, naunahan na ako ni Maria.

Binuksan niya 'yon kaya nilapitan ko siya at dumungaw. Hindi ko na binasa ang naunang pahayag, tinignan ko na deretso ang nakasulat sa baba at nakita ang signatura ng Mayor namin.

Tumikhim si Maria matapos niyang basahin ang nakasulat. Ibinalik niya 'yon kay Jackson at tumango bago lumingon sa akin.

"Legit naman. Sasamahan na rin kita para sure. Tara," aya niya at hinawakan ako sa palapulsuhan ko. Hinila niya ako papalapit sa isang kotse na agad namang pinagbuksan ng isa sa mga lalaki.

"Thanks," sabi ni Maria bago ako bitawan. Hinawi niya ang buhok niya at pumasok na sa kotse. Sumunod naman ako sa kaniya.

Mahinahon akong umupo sa tabi ni Maria habang kagat-kagat ang labi ko. Pumasok naman si Jackson sa driver's seat at umubo bago sinimulan ang kotse.

Glamanour HeightsWhere stories live. Discover now