Chapter 5

12 1 0
                                    

Boyfriend

"Viana..."

Napatalon ako sa boses ni Jackson nang tinawag niya ako.

Napalingon ako sa gilid ko kung saan nakabukas na ang pinto ng kotse at hinihintay na lamang ako ni Jackson na bumaba.

"Ah..." Tumawa ako para maibsan ang hiyang nararamdaman ko. "Sorry!" Nag madali naman akong bumaba ng kotse at pinasalamatan siya agad.

"'Wag kang kabahan. Lahat ng tao rito ay mabait!"

Napangiti naman ako. Tumingala ako sa malaking bahay na nasa harap ko ngayon. Napapikit ako nang tumama ang simoy ng hangin sa mukha ko, kaya nagulo ang buhok ko.

Inayos ko 'yon at tumango upang suportahan ang aking sarili. Kaya ko 'to. Kakayanin ko 'to. Hindi habang buhay ay kasama ko si Maria.

Sooner or later, maghihiwalay din ang landas naming dalawa, sa ayaw at sa gusto namin. Magkakaroon pa kami ng sarili naming pamilya, at hindi puwedeng nakasunod lang ako sa kanya. Hindi dapat ako dumedepende sa ibang tao.

Sarili ko na lang ang mayroon ako. Sa ayaw man o sa gusto ko, 'yon ang totoo.

Nanliit ang mga mata ko. Tumingala ako sa laki ng bahay. Maituturing na ngang mansyon ito eh. Inikot ko ang mga mata ko sa paligid. Mayroong mga trabahante sa tabi lang namin. Mukhang abala sila sa kung ano man ang ginagawa nila.

"Tara. I'll lead you to your room."

Agad bumaba ang tingin ko para pantayan ng tingin si Jackson. Hindi ko napansin at napatulala na pala ako sa sobrang ganda ng bahay. Tumango ako at sumama na sa kanya papasok sa loob.

Magtatanong pa sana ako tungkol sa mga gamit ko, ngunit napansin ko'ng mayroong nakasunod sa amin na lalaki habang karga-karga ang mga gamit ko.

Kumibit balikat naman ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

Halos napasinghap ako sa sobrang ganda ng paligid pagkapasok namin. Simula noong naging Mayor si Mayor Xavier Valeriano, naging mas maunlad ang aming bayan, kaya hindi na ako nagtataka kung gaano kaganda ang mansyong tinitirahan niya ngayon.

Napaisip tuloy ako. Andito rin kaya si Salvatore at ang nanay niya? Nakakahiya kung magkakasalubong man kaming dalawa.

Mas matanda ng dalawang taon sa amin si Salvatore, kaya panghuling taon niya na sa pag-aaral. Tulad namin ay isa rin siyang Political Science na estudyante, top ng klase. Sumasali rin siya sa mga paligsahan ng pagdedebate.

Kaya rin naiintimidahan ako kay Salvatore dahil hindi lamang siya isang anak ng Mayor, kung hindi ay may impluwensiya rin siya sa ibang tao dahil sa katalinuhan niya. Kahit na nakikita ko siya bilang snob na tao, may sabi-sabi na sa likod ng ibang mga ng tulong na nagaganao sa aming bayan, ay siya ang may pakana.

Mayaman na sila bago pa man naging Mayor ang kanyang ama. Kumikita na rin daw kasi si Salvatore sa murang edad pa lamang kaya nagagawa niya ang mga bagay na kanyang gusto.

Wala naman akong alam tungkol sa nanay niya dahil wala namang balita sa kanila madalas. Ang sabi sabi ay hindi raw mahilig sa spot light ang pamilyang Valeriano, kaya madalang lamang silang napag-uusapan, ngunit hindi ko maitatanggi na ang kanilang epekto ay napakalaki.

Napasinghap ako nang malapit ko nang matamaan ang likod ni Jackson ng bigla siyang tumigil sa harap ng isang pinto.

Tumingala ako nang humarap siya sa akin ng nakangiti. Sinulyapan niya ang pinto na gawa sa dalisay na kahoy. Puti 'yon na may guhit na ginto.

"Dito na kita maiwan. Nasa loob na ang mga kasama mo. Mamayang gabi ay magkakaroon kayo ng pulong kasama si Mr. Valeriano. If you have questions regarding how things work around here, just give me a ring." Tinaas niya ang kanyang kamay at inilapat 'yon sa tenga niya bago kumindat.

Glamanour HeightsWhere stories live. Discover now