PROLOGUE

0 0 0
                                    


"GUSTO kong isulat mo ang gusto mong isulat Mona, kaya tinuroan kita kung paano mag sulat"
Nakatitig lang ako dito at napangiti.

"Binibini hindi ba masama itong ginagawa natin? Maaring May makakita saatin" sabi niya, kaya namay napatawa ako at tinapik ang balikat niya..

"Hindi Mona, walang makakaalam nito kahit isa kang alipin ngunit nakikita ko sa iyo na may malawak kang palaisipan at natitiyak kong maibabahagi mo ang mga naisulat mo sa paparating na bagong henerasyon" sabi ko sa kanya at upo sa kanyang harap at binuka ang aking abaniko...

"Gusto ko ikaw ang pumalit saakin Mona bilang si Alas" sabi ko sa kanya at ngumiti...

"P-Pero B-Binibini paano ka?" Natatarantang tanong niya at hinawakan ang aking kamay..

"Bilang nalamang ang Araw ko mona, Sana maisulat mo ang aking kwento at marating sa susunod na buhay ko upang balaan ako" sabi ko at yumuko...

"Gusto kong isulat mo ang kwento ko at ibahagi sa pamilya mo at ibigay sa magiging ako sa ikalawang buhay" sabi ko at tumayo...

"B-Binibini"

"Alam mo ba ang kahulugan nang numerong ito" sabi ko at sinulat ang pito, dalawa, at isa na numero.

"Hindi binibini hindi ko batid ang kahulugan nang numerong ito" sabi niya..

"Pagmamahal" sabi ko at tumalikod sakanya bigla nawala ang lakas ng aking katawan at napa upo..

"Binibini!!"

"Pagmamahal yan Monay"

PAGE 721Where stories live. Discover now