KABANATA 5

0 0 0
                                    

NAPAKURAP ako habang naka tingin sa kanya. At halos hindi na ako mapakali sa sinabi niya.
Agad akong napatawa nang mahina.

"H-Heneral Huwag kang mag biro nang ganyan hindi nakakatuwa" sabi ko at maslalong binilisan ang pag pay pay sasarili.

"Marahil para saiyo ay isalamang itong kahibangan ngunit gusto ko na ang mapapangasawa ko ay May nararamdaman din saakin, ayaw kong ikasal sa babaing labag sa kanyang kalooban, Labag ba saiyong kalooban binibini?" Tanong niya na ikinanganga ko, bakit sabawat mga salitang lumalabas sa kanyang bibig ay tila nakakapangamba? Tinigan ko siya sa mata walang bahid na kasinungalingan.

"Nag bibiro lamang ako, ngunit Ayos lang saakin na saiyo maikasal" sabi niya at inayos ang kanyang damit.
Napaginhawa ako nang maluwag.

Matapos ang misay sumali kami sa Prosisyon at Nanood ng Parada.

Agad kaming bumalik sa Kalesa.
Napatingin ako kay monay na may hawak itong libro.
"Nagagalak kong ikaw ay nagaaral Monay pag butihin mo iyan upang hindi ka mamaliitin nang iba" sabi ni Arturo na ikina kilig nito.

"Ano iyang binasa mo Monay?" Tanong ko sa kanya.
Napakabit balikat siya at nagisip kung isasabi ba ang kanyang sinabi ngunit napag pasiyahan niyang sabihin.

"Ahm Kasi Señorita tungkol lamang ito sa Pag ibig at nabasa ko po dito kong paano mo hahanapin ang lalaking para saiyo" sabi niya at napangiti.
Napakunot noo ako may ganon?
Diko akalain may ganyan sa panahong to.
Ipinagtuloy niyang ikwento ang na basa niya.

"Nakasaad dito na Tingnan mo lang ang pinakamalaki at pinaka sumigilag na tala sa kalagitan at ikaw ay pumikit umikot ikot ka nang ikatlo at sa pag mulat nang mata mo ang unang taong makikita mo ay ang taong para saiyo" sabi niya at kinilig. Napangiti naman si Arturo sa kadaldalan ni Monay.

Dumating kami sa Mansyon at nagsalosalo at agad naman umuwi ang mga panauhin nang sumapit ang alas 11 nang gabi.
Dito narin totoloy si Arturo at nasa kabila ang kanyang silid na tinulogan.

Kahit anong gulong ko ay di parin ako maka tulog kaya namay bumangon ako at kinuha ang balabal at nag punta sa Malawak na lupain na nasakop sa aming hacienda. Maraming bulaklak sa malapit nang aming Mansyon ngunit sa unahan ay puro damo

Doon ako tumayo at napatingin sa pinaka malaking tala na siyang mas umiilaw sa lahat. Naalala ko ang sinabi ni Monay kaya namay napag isipan kong gawin iyon wala naman sigurong mawawala diba?.

Agad akong pumikit at umikot ikot nang tatlong beses tumigil ako at minulat ang aking mata nang bigla akong mahilo at natumba ngunit may bisig na sumalo saakin tinignan ko ito di ko naaninag ang kanyang mukhang dahil malabo ngunit nang malinaw ay napaatras ako.

"H-Heneral anong ginagawa mo rito?" Sabi ko sa kanya at inayos ang soot ko.

"Nag papahangin" sabi niya at umopo
Umopo rin ako ngunit hindi masyadong lapit sakanya.
Napaka tahimik ngunit binasag ko ito.

"Pwede mo bang ikwento ang buhay mo Ginoo?" Tanong ko sakanya na ikinatingin niya saakin at ngumiti, napa iwas ako nang tingin.

"Hindi ako isinilang rito isinilang ako sa Sugbo doon sa isla nang Cordoba" sabi niya at ngumiti.
Mukhang Cordova ang sinasabi niya na sa panahong ito ay tinatawag na Cordoba. Naalala ko nong pumunta ako doon para mag pahinga nang may Concert ako sa Cebu.

"Hango iyan sa apelyido nang isang pamilya sa Espanya diba?" Tanong ko na ikinatango niya.

"Naka punta kana doon? Balak kong dalhin doon ang aking mapapangasawa" sabi niya.
Napatango ako, kahit ako gusto kong manatili sa lugar naiyon na likas sa Dagat. At ang Pinaka gusto ko talaga doon ay ang 10kroses nila na hango sa sa Korea marami ding koreans doon dahil ang Mayor nang Cordova ay nakapag asawa ng Korean at ang Mayor na iyon ay Si Mayor Teche Sitoy Cho.

PAGE 721Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum