KABANATA 6

2 0 0
                                    

HINILA KAMI ni Arturo upang ialis sa nag kompulang tao.
"Huwag kayong lalayo saakin" sabi niya at binulongan si Kolonel Garcia.

"Anong nangyayari?" Nag alalang tanong ko sa kanya.
"May rebeldeng sumugod sa pamilihan hindi nila nagustohan ang pagpunta ng mga amerikano dito sa pilipinas" sabi niya at nang makalabas kami ay napanganga ako sa nakita maraming nasunog at dumating ang Hukbo nila Arturo.

"W-walang nakasaad na mangyayari ito hindi ito nakasaad sa libro. Biglang may tumigil na kalesa sa harapan namin at nandoon si Monay.

"Monay dahil mo sila sa Mansyon ng Delgado sasamahan kayo ni Kapitan Ramos" sabi ni Arturo at pinasakay kami ni Ara sa kalesa.

"Arturo hindi ka pwe...." di ko natapos ang sasabihin ko ng makitang sumakay ito sa kanyang kabayo dahil may sumugod na mga rebelde.

Agad na sumakay si Kapitan Ramos at sinabihan ang aming Kutsero na patakbohin na.
Biglang hinawakan ni Ara ang kamay ko.

"Magiging maayos lamang ang aking kapatid huwag kang mag alala" sabi niya.
Tumango ako at ngumiti.
Dumaan kami sa paninandaliang daan papunta saaming mansyon.
Ng biglang may sumugod saaming kalesa kaya namay mabilis na dinukot ni Kapitan Ramos ang kanyang baril tatawagin ko sana siya dahil may sumugod saamin sa gilid ng makiya ko ang isang baril sa giliran niya agad ko itong hinablot at pinadapa si Monay at Ara sabay baril sa mga rebeldeng papalapit saamin. Sinadya kong barilin sila Sa Paa upang di maka habol na ikinabigla ng isa sa mga rebeldeng nakatingin saakin.

Agad na pinatakbo ng mabilis saaming Kutsero hanggang sa makapasok kami sa Hacienda at naging alerto ang buong Guardia namin.

Napatingin ako kay Ara at monay na nakatulalang nakatingin sa kamay ko nanakahawak sa Baril.

"S-saan ka natotong b-bumaril binibini?" Sabi ni kapitan ramos at bahid samukha niyo ang pagkabigla. Binigay ko sakanya ang baril di ko pwedeng sasabihin na nag aral ako sa pag pana, pag baril pati sa Martial arts dahil sa pag aartista ko at kailangan iyon sa bidang gagampanan ko.

"S-sa kuya ko Kapitan nagpaturo ako sa Kuya ko" sabi ko napakabit balikat ito at inalalayan kaming bumaba.

"Diyos ko!! Akala ko ay nasali kayo sa gulo" nag alalang sabi ni Ina at niyakap ako.
Inalalayan nila si Ara dahil sa bigla ilang minuto ay dumating si Don Bartolome at Doña Emilia.
At niyakap ng mahigpit si Ara. May binulong si Kapitan Ramos kay Don Bartolome at kay Ama.

Agad akong nag paalam at hinanap ang notebook at nakita ko doon ang pitsa nadapat ngayong July 31 magaganap ang pag sulong ng mga rebelde.
Bakit naging July 28?

Bigla akong kinabahan.
Narinig ko ang mga yapak ng kabayo kaya namay diretsong bumaba ako at nakita ko si Arturo agad siyang bumaba at niyakap si Ara tumingin siya saakin at niyakap ako at bigla ko uli naramdam ang hindi mapaliwanag na pag tibok ng puso ko.

Napatitig lang ako sakanya.
"Ayos ka lamang ba? Hindi ka ba na saktan?" Nag alalang tanong niya saakin.

"A-ayos lamang ako" sabi ko at ngumiti, napangiti rin siya at hinarap ang kanyang magulang.
Napatingin ako sa May punong mangga at nakita ko doon ang isang lalaking naka tayo siya yung rebeldeng naka tingin saakin.
Napatitig ako sakanya napaka pamilyar niya bahid ang kalungkotan sa kanyang mukha at agad siyang umalis.

"Katalina tinatanong ka ng iyong ama" nag alalang sabi ni Ama.
Napakurap ako at tuming sa kanya.
"Hindi ko batid na marunong ka pala sa pag baril anak, saan mo iyon na tutunan?" Tanong ni ama napatingin saakin si Arturo at Kapitan Ramos.

PAGE 721Where stories live. Discover now