KABANATA 7

1 0 0
                                    

NAPAHAWAK AKO saaking dibdib dahil sa munting kirot na naramdaman ko. Agad akong tumayo at nilisan ang lugar na iyon.

Anong namamagitan sa kanila ni Constancia? Bakit di man lang niya naibanggit saakin?

Nang bigla akong may naka bunggo.
"Binbining Katalina? Ano ang iyong ginagawa rito?" Sabi ni Marcelo na may hawak na gasera.

"N-nag papahangin lang Ginoo" sabi ko sakanya ngumiti siya.
Kasunod niya si Mona.

"Ikaw Ginoo?" Tanong ko sa kanya.

"Nag pa sama siya saakin binibini may pag uusapan sana kayong dalawa" sabi ni mona..
Tumango ako. Akmang pupunta siya doon pero pinigilan ko siya.

"Huwag!" Sabi ko nagulat siya sa pag sigaw ko.

"B-bakit? Di mo ba nais na makapag usap tayo sa inyong hardin?" Tanong niya.
Napakabit balikat ako.

"N-Natutulog ang aking pananim kaya di sila pwedeng gambalain" sabi niya at napatango ito at tumawa.

"Kahit kailan ay dika nag bago ikaw parin ang munting katalinang kalaro ko sa bahay bahayan noon" sabi niya at tumawa kaya na patawa rin ako.

Kababata ko si Marcelo mas una ko siyang nakilala kisa kina Marina, luciano at Constancia kaya kilalang kilala niya ako.

"Doon nalamang tayo sa munti kong misa na pinag kakapehan ko tuwing akoy nag buburda o na babagot" sabi ko at tinuro ang misa at mga upoan sa ilalim ng punong Acacia.

Nakita ko si  Arturo na dumaan sa aming likod. Tumingin siya saakin. Tinignan ko siya at nag iwas ng tingin.

"Hindi ako makapaniwalang ikakasal kana nong ba tayo ako ang nangangako saiyong papakasalan kita pag laki ko" sabi niya napatawa ako at naalala ang pangakong ibinaon namin saaming hardin.

"Kaya nga nagulat nga akong si luciano ang balak na ipagka sundo ng iyong ama saakin batid kong babaero ang iyong kapatid" sabi ko ng diretsa.
Nap bugtong hinga siya.

"Nag away pakami ni luciano dahil doon ngunit wala pala ang isa saamin ang iyong makakatuloyan, tinanggihan ko ang mga binibining may balak na magikipagsundo saakin dahil ikaw ang ang gusto kong magiging asawa ngunit hindi pala" sabi niya at yumuko.
Napaiwas ako ng tingin.

Bakit ang mag kapatid na ito ang ninanais na maging asawa ako?

"Nong naging kayo ni Elizar pumunta ako ng espanya upang tuloyang kalimutan ka ngunit nong nabatid kong pinaghiwalay ako bumalik ako at umaasang ako ang ipagkasundo ni ama ngunit diko inaasahang si Luciano pala at nong biglang nag iba umaasa parin ako ngunit diko inaasahang ang matalik kong kaibigan ang iyong makakatuloyan" sabi niya at tinitigan ako. Napa ubo ako.

"Nakita ko kung gaano ka kasaya sa kanya kaya bibitawan ko nalamang ang aking na darama at mananatiling maghanap ng babaing para saakin" sabi niya.
Hindi ko batid na may pag tingin pala si marcelo saakin ang akala ko ay mag papari ito.
Gwapo ito sa katunayan mas gwapo si Marcelo kisa kay luciano isa itong Manggagamot at napakabait nito.

"Sanay mahanap mo ang babaing para saiyo Marcelo." Nakangiti kong saad napatango siya.

"Siya nga pala, dapat ako ang magiging ama sa panginoon ng iyong kaunaunahan niyong supling" sabi nito at tumawa. Nag tawanan kaming dalawa. Ngunit natigil ang tawanan ng makita ko si Constancia na papalapit saamin. Mugto ang mata nito. Naiwas ang tingin ko ng maramdaman ko ulit ang munting kirot.

"Kuya, Maaari mo ba akong ihatid saating tahanan?" Sabi niya kay marcelo. Napapikit ako.

"Ngunit nag katuwaan pakami ni Ka..."
Nagkasalubong ang kilay ni Constancia kaya namay inunahan ko siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 03, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PAGE 721Where stories live. Discover now