KABANATA 4

0 0 0
                                    

BIGLANG TUMIBOK nang mabilis ang puso ko nang magkatitigan kaming dalawa. Pero na tauhan kami nang lumapit si Luciano saamin.

"L-Luciano" bati ni Arturo sa kanya.
Napatingin siya sa kamay ko na nasa braso ni Arturo.

"Pwede kabang maka usap Binibining Katalina?" Seryosong sabi nito saakin.

"Maylalakarin pakami ni Ginoong Arturo Ginoo. kung maari ay bukas nalamang natin pagusapan ang lahat" sabi ko at ngumiti.

"Ngunit binibini napakaimportante nang ating tatalakayin" sabi niya.
Pero hinila siya nang babae.
At tinitigan ako.

"At sino kana naman?" Tanong niya saakin at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

"Nararapat bang bigyan kita nang aking impormasyon?" Tanong ko sa kanya at tinaasan siya nang kilay.

"Nararapat dahil ibig kang makausap nang aking mapapangasawa" sabi nito.
Na ikinabigla ni Luciano mag sasalita na sana siya ngunit inunahan ko siya.

"Sinabi niya na Ginoo kaya namay wala natayong nararapat na pag usapan pa. Hali kana Ginoong Arturo baka dumating na ang iyong ama" sabi ko at nag lakad na.

"Binibini Mag papaliwanag ako hindi talaga kami mag ka sintahan" sabi niya at tinitigan ako.

"Maraming naka kita Ginoong luciano sa pinag gagawa niyo kaya namay Sasabihin ko ang aking ama na itigil ang planong pag pakasal saatin habang maaga pa" sabi ko at tinignan si laura.
Na may sasabihin sana.

"Kay Don Gustavo kanalang mag papaliwanag binibini" sabi ko at kinindatan ito gulat na gulat ito nang mabanggit ko ang aking ama.

Tinignan ko si Arturo at nag lakad na sumunod ito saakin.

"Bakit hindi ka nag dadalawang isip na sabihin iyon sa kanila?" Tanong ni Arturo saakin.

"Hindi paako Handa Ginoo, at hanggang sa wala pang taong makakapag patunay saakin na Totoo ang pag ibig hindi ako iibig dahil hindi ako naniniwala sa Pagibig" sabi ko sa kanya.
Napakunot ang kanyang noo.

"Anong ibig mong sabihin? May dahilan kaba kaya mo na turan iyan?" Sabi niya saakin.
Napatigil ako at naalala ang mga magulang ko sa hinaharap.

"Hindi mo Ako maintindihan Ginoo. Tika.... Hindi tayo mag kakaibigan! Bakit kita sasabihan?" Sabi ko at umirap.

"Baka iyong nakalimutan binibini na ikaw ang pangahas na humawak sa aking braso" naka ngiting sabi niya na ikinapula nang aking pisngi.

"H-Humingi na ako nang pasinsya saiyo" sabi ko sa kanya.

"Pero ang pag pahintulot ko saiyong pag hawak nang aking braso ay may kapalit" sabi niya naikinatigil ko.

"A-Ano?" Tanong ko sa kanya at tinignan siya.

"Samahan mo ko bukas sa Fiesta nang San Luis" sabi niya at tinignan ako.

"Sa lugar namin? B-bakit? Ginoo malamang di ako papayagan nang aking ama at ina" sabi ko binuksan ang abaniko sabay pamaypay.

"Tignan natin" sabi niya at ngumiti.
Napailing nalang ako.

"Ngunit di ibig sabihin niyan ay Maayos na tayo sa isat isa, kalaban parin kita Ginoong Fuentes" sabi ko at unirap.

Naagaw nang pansin ko ang isang silid aklatan na pinag ka gulohan nang marami.

"Anong meron?" tanong ko sa kanya at pilit na tumingin tingin..

"Dumating na ang Libro ni Alas" sabi niya saakin at napangiti. Napatigil ako nang mapagtantong libro ko pala ang pinagkagulohan nila.

"Kilala mo siya?" Tanong ko sa kanya.
"Oo sinong hindi maka kilala sa kanya isa siyang magaling na manunulat ngunit walang may alam kong sino siya" sabi nito at pumasok doon.
Napatingin ang iba saamin at tumabi.

PAGE 721Where stories live. Discover now