KABANATA 3

0 0 0
                                    


NAPATITIG AKO Sa kanya dahil sa Pagkabigla at dama ko rin ang tibok ng aking puso.

Pero na itulak ko siya ng biglang nag palakpakan lahat.
Ngumiti siya saakin at pumalakpak.
"Hindi ako natatakot saiyo Ginoo asahan mo iyan" sabi ko at iniwan siya.

Hindi ako mapakali dahil sa puso ko na tumatambol.
"Ina masama ang pakiramdam ko maari bang umuna na ako sa inyo?" Tanong ko saaking ina.

Nag alalang tumingin ito saakin.
"Ayos lamang anak ngunit wala kang makakasama doon ayos lang ba iyon saiyo? Batid kong ikaw ay matakotin" sabi niya at inayos ang buhok ko.

"Huwag kang ma alala ina napag isipan ko na ang takot ay pawang likha lamang ng kathang isip" sabi ko at hinalikan ang kanyang noo nag paalam din ako kay ama at sa pamilyang Cruz.

"Ayos kalang ba Binibini?" Tanong ni Mona saakin pag dating ko sa Hacienda

"Hmm monay may hihilingin sana ako sa iyo" tanong ko sa kanya at umopo kaharap niya.

"Ano po iyon binibini?" Tanong niya saakin at tinigil ang pag susulat.
"Kung ikaw ay matuto nang mag sulat maari mo bang isulat ang aking kwento?" Tanong ko sa kanya at tinitigan siya.
Para itong nagulat.

"Ayos lamang iyon binibini ngunit diko batid ang ginagawa mo araw araw" sabi niya at napakamot. Kaya namay napatawa ako.
"Ikaw ang magiging talaarawan ko ikwe-kwento ko lahat na nangyari sa buhay ko dahil nagtitiwala ako saiyo" sabi ko at tinapik ang kanyang balikat.
Ngumiti ito at hinawakan ang aking kamay.
"Hindi ko sasayangin at diko bibigoin ang iyong tiwala Señorita" sabi niya at ngumiti.

"Siyanga pala señorita may nag tanong kung kilan niyo ibabahagi ang ilang mga kwentong iyong nilikha" tanong niya saakin.
Na alala ko noong isang linggo kolang naibahagi ang makapal kong kwento na aking isinulat at kailan may walang nakakaalam sa pagkatao ko kundi si Mona, mga malalapit saakin at ang may ari nang tagabahagi lamang ang nakaka alam.

"Pag iisipan ko pa" saad ko sa kanya at umakyat na papuntang kwarto agad akong nang bihis nang pang patulog at binasa ang librong pinadala nang ara sa hinaharap.

Sa pitsang inilagay niya doon mangyayari ang lahat na dapat kong bagohin.
Ngunit natoon ang pansin ko sa numerong nandoon sa pina ka dulong bahagi nang aklat 721.
Numerong para sa Swertres o Numerong may ibig sabihin.

Napa bugtong hininga ako at tumayo.
Kung may google ba sa panahong ito ay madali kong malalaman ang ibig sabihin ng Numerong ito.

Agad akong pumunta sa may Terrace nang bahay. Ano kayang nangyayari sa katawan ko sa hinaharap? Natutulog kaya? O natigil ang oras?

Napatingin ako sa Punong mangga sa dikalayoan nang maagaw nito ang aking pansin dahil sa kulay dilaw na umiilaw kaya namay dali dali akong bumaba at pumunta doon at umakyat.

Walang tao ngunit napaka daming mga alitaptap. Napangiti ako at humiga.
Napaka ganda ng panahon napaka daming bituin at Bilog din ang Buwan.
Hanggang sa Diko namalayang naka tulog ako doon.

Na alimpungotan ako sa ingay sa baba.
"SEÑORITA?!!!"
Sigaw nang mga taga pagsilbi napakunot noo ako at napatayo.
"Nakoooo! Baka ano nang nangyari sa Señorita natin" kinakabahang sabi ng isa sa tagapagsilbi.
Kaya namay agad akong bumaba..

Nag tilian ang mga ito dahil sa bigla.
"Anong nangyayari sainyo kay aga aga ay nag sisigawan kayo?" Tanong ko sa kanila. At nag lakad.
"S-señorita" sabi nang mga ito at sinundan ako.
"Kanina pakayo Hinahanap ni Doña Esmeralda at Don Gustavo sila ay nag patawag na nang hukbo upang hanapin ka" sabi ng isa na ikinatigil ko.

"Ano?!" Agad akong tumakbo at pumasok sa mansyon nakita ko doon na umiiyak si Ina.
"Ina?" Tawag ko dito.
"Diyos ko!!! Katalina kami ay naghahanap saiyo sa boong masyon ngunit wala ka, saan ka galing?" Sabi ni Ina at niyakap ako.
Napalingo naman si Don Gustavo at napapikit.

PAGE 721Where stories live. Discover now