01

93 2 0
                                    

_____

"Hoy, Shanizae, bumangon kana diyan tanghali na, oh! Maglalaba pa tayo!"


Napabangon ako bigla sa sigaw ni Mama. Ang aga-aga nagbubulabog dito sa itaas. Gumapang ako papunta sa study table namin at kinakapa ang cellphone ko. Nang makapa ko 'to, kinuha ko at tinignan kung anong oras na.




6:03 AM




"Ma, naman, eh! Ang aga pa, oh!" Mapupungad kong sabi at nagmamaktol sa harap niya. Pinakita ko ang cellphone ko kay Mama.


"'Di ko kita," inis niyang sabi. Bumalik nalang ako sa paghiga at hinila ang kumot sa katabi ko. "Bumangon ka na diyan, maglalaba pa tayo. Hoy, Elise, ano.. hindi ka papasok? Tanghali na, oh!" Sigaw na naman niya sa ate ako.




Wala akong magawa kundi bumangon para matigil na'to si Mama. Nakakahiya at baka marinig sa labas ng bahay namin. Pikit-mata akong umupo sa hagdanan. Isa lang ang cr sa'min kaya tuwing umaga kaming mag fall- in line sa hagdanan kung sino ang uuna maliligo. Ako palaging nahuhuli na makaligo dahil pinauna ko ang may pasok pa. Isa pa ayaw ko pa maligo, ang lamig pa maligo sa umaga.




Napabuntong hininga nalang ako ng makita ang lalabahin namin pagdating ko sa labahan. Ang dami! Routine namin ni Mama ang maglalaba sa umaga. Nagtatrabaho siya sa amo ng Papa ko at ang may ari rin ng bahay namin. Mabuti na lang talaga, na mamayang alas dose pa sa hapon ang pasok ko at matutulungan ko pa si Mama sa paglalaba.




Pagkatapos namin sa paglalaba ay naglinis ako ng bahay namin paguwi ko sa'min sa bahay at ang Mama ko ay mauuna sa paaralan dahil papakainin niya pa ang pamangkin ko.




Nagmamadali ako ng pag-aayos ng aking sarili nang matignan ko ang oras ay malapit na mag alas dose nang matapos ko ang gawaing bahay. Hindi na ako kumain pa dahil wala naman akong ganang kumain tuwing papasok na ako. Ganito talaga ako, papasok ng walang kain at sa recess na ako kakain ng pananghalian at dala na ring pangrecess ko.




Tumakbo ako papunta sa classroom namin at mabuti nalang wala pang guro. Humahangos ako pumasok sa loob at ang ingay naman ng mga kaklase ko ang bumungad sa'kin.




"Hoy, Shan, alam mo ba?" Si Danny nangmakita niya ako at nagmamadaling umupo sa tabi ko na dala ang sinisipsip niyang... yogurt.




Hindi pa nga ako nakaka-upo may chismiss na agad bubungad sa'kin.




"'Di ko alam." Pabala kong sagot. Pabagsak 'ko inupo ang sarili ko at pinupunasan ang pawis sa noo ko. Pwede ba lagyan ng elevator ang building na'to? Ang hirap kaya umakyat na may dalang labing dalawang libro at third floor pa talaga! Mag re-request na talaga ako kapag may meeting, kapag ayaw...ay kay digong na ako didiritso. Akala niyo, ha...!




Inismiran niya ako sa sagot ko, "Akala namin absent ka," qni niya. Kumuha ng isang upuan si Maye at tumabi sa may gilid ko, sumunod rin si bitchy sa pag kuha ng upuan at umupo sa harapan ko.




"Pst?" Tawag pansin ko kay Nel na nakatulala na naman. "Ayaw mo sumali sa ritwal namin dito?" Tanong ko, "Baka malasin ka..sige ka." Panakot ko sa kanya.




"Gago!" Si Danny sabay batok sa ulo ko at tumawa.



"Tangina mo, Shan" Si Maye na umiiling pa at ito naman si bitchy as usual iniirapan ako. Sana bumalintong ang mga mata mo sa kaka irap mo. Hindi ba siya nahihilo sa kaka ganyan? Ibang klase.




Matamlay na tumayo si Nel at tumabi kay bitchy. Mataman ko siyang pinagmasdan hanggang sa pag-upo niya na matamlay pa rin. Mas matamlay pa sa kalansay. Anong ganap niya?




Tell me why?Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang