04

7 1 0
                                    


Warning: TRIGGER❗

Lumayo ako ng kaunti, tumingin ako sa salamin. Naka t shirt ako ng blue at black fitted jeans high waist. Mahilig talaga ako sa fitted jeans. Naka tuck in ang t shirt ko sa jeans ko. White shoes naman 'yung suot ko kaya... okay na'to.



Lumapit ako at mukha ko naman at tinitignan. Naka polbo lang ako at nalagay ng kaunting liptint sa cheeks ko para may konting kulay naman sa mukha ko at sa lips ko.



"Kung idikit mo nalang kaya 'yang mukha mo sa salamin! Kanina ka pa diyan sa salamin, kanina pa naghihintay si, Zendee sayo sa labas!" sigaw ng mama ko sa loob ng kusina.



Nakasimangot akong lumayo sa salamin at tinignan sa bintana kung nandon na nga ba si Zendee. Nandon na nga sya at tintali ang liston sa sapatos niya.



" 'Wag ka naman masyadong umarte, Zea, uy. Hindi ka pa ba kontento sa mukha mo?" sermon ni Papa sa'kin.



Mas lalo akong ngumuso at lumakad papunta sa upuan namin at chineck ang maliit kong bag kung wala na ba akong naiwan.



"Hindi naman ako umarte, eh. Tinignan ko lang naman 'yung mukha ko" mahina kong sabi at lumabas na "Ma, Pa, aalis na po ako!" sigaw ko sa labas.



"Kanina ka pa?" tanongko kay Zendee na nakaupo at nag ce-cellphone.



Umiling siya at tumayo, "Hindi. Bago pa naman ako. Ano... tara na?"



Tumango ako at nagsimula na kami lumakad. Mainit na dahil malapit na mag alas otso. Masama ang loob ko lumakad. Hindi naman ako sinisigawan ni papa pero para sa akin sinisigawan niya ako. Normal lang sa kanya na para siyang sumigaw magsalita pero nasaktan ako at nagtampo. Kahit ibang tao man ang makakarinig kapag magsalita ang papa ko ay maiisip nila na sinisigawan sila. 'Yun rin ang mararamdaman ko. Kaya dapat sanay na ako pero heto, ako sumama ang loob ko. Hindi naman kasi ako umarte, ayst bahala na.



Dahil sa lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan na nandito na kami sa  skwelahan namin. So.. mean nakasakay na rin kami ng trycicle? Bakit 'di ko na feel at napansin.




Tinignan ko si Zendee na subrang laki ng ngiti at maraming bumabati sa kanya. Marami kasi siyang kakilala dito. Gusto ko sanang magtanong pero...yumuko lang ako dahil nahihiya ako.  Na sa labas pa lang kami pero subrang dami na ng tao dito at nag-iingay na. Inangat ko ang ulo ko at lumakad sana na parang may ganda akong maipapakita. Ngumiti gaya ng kay Zendee pero hindi ko mapigilan na mapayuko uli ang hirap iwasan ang hiya at mawalan ng confidence. Kasi maganda sila at maganda ang mata... nila hindi gaya sa'kin.



Hindi talaga ako maganda.



"Shan!" Ayaw ko sana umangat ng tingin pero kilala ko 'yung boses na 'yon.  Nginitian ko sila at  kumaway pero sandali lang iyon dahil binaba ko agad ito. Lilingon sana ako kay Zendee pero hinila na siya ng mga kaibigan niya na naging kaibigan ko rin noon pero hindi ko alam kong kaibigan ko pa ba sila ngayon kasi...nahihiya ako na makihubilo sa kanila na parang kasing subrang taas na nila at ako... naiwan sa ibaba. Pareho kami grade 10 pero pagdating sa talinohan, natatabunan ako sa subrang talino nila.



"Ang tagal mo! Kanina pa kami dito naghihintay sayo at subrang init pa!" reklamo ni Maye habang pinaypay ang kanyang sarili.



Napayuko ako at pinipisil ang kamay ko, muli ko inangat 'yong tingin at ngumiti, "Sorry." Magiliw kong sabi at kinurot ang mataba niyang pisnge mas lalong nagsalubong ang kilay niya sa'kin at tinabig ang kamay. Napangiti ako dahil ang cute niya.



Tell me why?Where stories live. Discover now