05

8 0 0
                                    


Masama ang loob ko pumasok sa paaralan. Masama ang loob ko dahil kahapon, minsan talaga hindi ko maiintindihan sila. Si Danny matampohin, Si Maye matampohin rin at medyo walang modo minsan, si Chella naman maarte, walang filter ang bibig at si Nel lang ang makasundo ko minsan dahil  matulungin siyang tao, mabait, at mahinhin, siya pa ang palaging humihingi ng sorry dahil sa asta ng mga kaibigan namin. Ako naman palagi nalang pinagpasensyaan ang mga ina-asta nila.



Mabuti nalang bukas ang classroom namin, makaka-upo na rin ako ng maayos. Alas otso pa lang pero simula na ang laro dahil marami pa raw ang activity na magaganap. Mag saya dapat ako sa intrams na'to dahil huli ko na'tong taon pero wala talaga akong gana, e tour ang paaralan namin at sasali sa mga activities. Mas gusto ko pang umupo at magbasa nalang mas magiging magaan pa ang utak ko.



"Bilisan mo na diyan, Charlotte! Hindi na tayo makakasingit nito, eh!"



"Oh, eto na! Bilisan mo na bakla, umiyak na 'yung  nauulol sa mga gwapo!"



Nabaling ang atensyon ko sa nagsisigawan na parang kay layo ng baryong sinisigawan. Nawala tuloy ako sa binabasa ko. Napaka comfortable kong umupo dito pero ang kasama ko dito parang may mga lihim na torotot sa loob ng lalamunan.



"Oh, ayan na mahal na reyna!" Pabagsak na binitiwan ng bakla ang buhok ni Charlotte at pumalakpak, "Gorabels na kayo mga bakla, baka agawin kayo ng fafa doon!" Sigaw niya saka tinutulak na palabas ang dalawang babae at  kasama ang sarili niya.



Bumuntong hininga ako at umiling. Pinatong ko sa tapat ng bangko ang dalawa kong paa at tinuloy ang pagbabasa. Wala namang tao kaya malaya ako kung anong gusto kong gawin. Nakaharap ako sa pinto at hindi naman ako masisilipan sa position kong ito dahil nag  jeans naman ako.



Napa ayos ako ng upo ng makarinig ako ng sigawan. Kinabahan agad ako kaya nagmamadali ako lumabas at napahawak ako sa dibdib ko sa ginhawa ng makita kong anong sinisigawan nila. Akala ko kong ano na! Nagsigawan lang pala ang mga tao sa loob ng gym at ang wild nila tignan na parang nakawala sa hawla. Kaya pala nagmamadali ang mga kaklase ko kanina makapunta sa gym. Anong meron? May gwapo ba?



Dahil curious akong tao, bumaba ako kahit malabo na makita ko kung anong sinisigawan at tinitili nila. Hindi pa nga ako nakapasok ng gym ay parang tinatambol na ang tainga ko sa mga sigaw nila. Nawala yata ang mag tutule sa tainga ko, 'di kinaya kaya lumabas. Pumasok pa rin ako kahit parang nilindol na ang buong gym namin sa subrang lakas ng sigawan  ng mga tao. Nilibot ko ang paningin ko para makahanap ng nga bagay para maka angat ako. Ang hirap makasingit dahil siksikan na ang mga tao dito. Tinatakpan ko ang mga tainga ko habang naglalakad dahil konti nalang magsilabasan na ang mga nakakatago sa loob ng tainga ko.



"SHAN!"


Nilibot ko ang paningin ko kong sino ang sumigaw sa pangalan ko. Nakakainis! Sino 'yon?



"SHANIZEA!"



Nalibot ko na ang lahat pero 'yong sumigaw hindi ko pa nakita. Sino ba kasi 'yon?!



"Shan, dito!"



Kamot ulo ko nilibot uli at 'yon may kumaway sa ibabaw. Kaya pala 'di ko makita dahil si Danny pala 'yon. Suminyas sila na pumunta ako sa kanila. Tumakbo ako sa gawi nila at umakyat.



"Ay, ano ba 'yan!"


Reklamo ng isang babae ng  humarang ako sa harap niya. Ang oa nito. Dumaan lang ako, uy.


"Ay, sorry naman po." paguumanhin ko at umakyat para sa ikalawang palapag.



Pagkarating ko kila Danny ay agad ako nagtanong kong anong meron. Ang ganda ng mga pwesto ng mga 'to, kaya pala hindi ko sila nakita kanina.



Tell me why?Where stories live. Discover now