11

2 0 0
                                    

_____

Tumatango ako habang dumadaloy ang mga luha sa pisnge ko. Subrang sikip ng dibdib ko at hirap iproseso sa utak ko ang mga binabasa ko, kahit na hindi ko masyado naiintindihan ang mga malalim na english ay may naiintindihan naman ako sa mga binabasa ko. Sumikip at masakit sa dibdib kapag ulit-ulutin ko ng pagbasa, kasi imposible, eh! Hindi naman sa kanya 'yong gamot, diba? Hindi naman siguro. Kahit pilitin ko e tatak sa utak ko na hindi sa kanya ang gamot ay may nagpumilit talaga sa utak ko na sa kanya talaga 'yong gamot.




'Yong gamot na nakita ko sa bag ni Nel ay hindi sa kanya iyon. Hindi 'yon sa kanya, kaya maniniwala ako. Umiiling ako at napasubsob sa dalawa kong palad. Humihikbi ako habang pinunasan ang mga luha sa mukha ko at huminga ng malalim. Tinignan ko ulit ang picture ng gamot na kinuhanan ko kanina  sa bag ni Nel at nanunubig na naman ang mga sulok ng aking mga mata sa picture na iyon.




Acute lymphocytic leukemia o ALL.
While acute lymphoblastic leukemia in children is more common than other types of cancer, it has high cure rates. Survival rates are lower in adults, but they are improving. The 5-year relative survival rate for ALL is 68.8%. The statistics further break down to 90% in children and 30-40% in adults.




Shan tandaan mo mas bobo ang google kaysa sayo, kaya tigilan mo kakaisip sa negative na 'yan ikaw lang ang kawawa sa sitwasyon mo kung maniniwala ka diyan. Hindi sa kanya ang gamot na 'yan, Iba ang may ari niyan. Hindi siya mamatay dahil wala siyang sakit kaya tigilan mo na kakaisip kung ayaw mo humantong sa mental hospital at sa huli magsisi ka! leche!




Kahit na puno na ng negative thoughts ang isip ko ay pinilit ko na iisipan na lahat ng negative thoughts ko ay hindi totoo at naging paranoid lang ako. Pero sa mga nababasa ko sa mga symptoms ay  nanghihina ako at lalong may napapansin ako kay Nel na meron sa mga symtoms na 'yon.  Doon ako nawawalan ng pag-asa na wala siyang sakit. Pinapalo ko ang ulo ko sa inis dahil lahat nalang na ayaw ko isipin ay pumapasok pa rin sa isip ko na may sakit si Nel at mamatay siya. Ayaw na ayaw ko nun at mas lalo ako napahikbi sa naiiisip ko. Ang sama-sama ko.




"T-Tama na....a-ayaw k-ko n-nun... please..h-hindi siya m-mamatay." Nagpahagulgol ako sa iyak tuwing pumapasok naman sa isip ko na may sakit at mamatay siya. Gusto kong burahin ang nasa isip ko na parang sirang plaka pero diko magawa at hindi ko ma control. Pinilit ko man ay nanaig sa isip ko ang mga negative thoughts. "H-Hindi!" Bumilis ang paghinga ko at hinahabol ko na ang paghinga ko. "H-Hindi...s-siya..m-mamat-tay...Shan." sabi sa aking sarili at tinatampal ang dibdib ko sa subrang sikip nito. Mas lalong pang sumikip dahil subrang lakas ng tibok na nagbibigay ng sakit sa dibdib ko.




Lumingon ako sa likod, gilid, harap at nilibot ko na ang buong paningin ko dito kwarto namin at naging dahilan na mas lalong nagpahagulgol ako sa iyak, na wala akong kasama dito. Mag isa ako dito. Umiiling ako na parang nababaliw na ako. Hindi ko na alam kong anong nangyayari sa'kin, ang alam ko ay puno ng takot ang nararamdaman ko at sa isip ko. Dahan-dahan akong tumayo at muntik pa ako matumba dahil sa panghihina ng mga paa ko. Nanginginig ang buo kong katawan at sapo ng isa kong kamay ang dibdib ko.




Lumakad ako sa lamesa at hinanap ang cellphone ko.  Nanginginig ang kamay ko na kinuha ang cellphone at  binuksan ito.  Hinanap ko ang messenger ko at hinanap ang gc namin. Mag ta-type na sana ako at hihingi ng tulong ng may pumigil sa'kin. Ano ang sasabihin ko? Paano kong hindi sila maniwala at ma disturb ko pa? Sa inis ay ini-off ko nalang ang phone ko at napaupo sa upuan. Para akong nawalan ng pag-asa.




Oh God please help me. Please stop overthink Shan.




Shan ang oa mo! Alam mo ba 'yon, ha! Kinuha ko ulit ang cellphone ko at hinanap ang pangalan niya. Nang mahanap ko ay agad ako nag type.




Tell me why?Where stories live. Discover now