10

6 0 0
                                    

___

One week. One week ko na siya palaging nadadatnan sa swing sa tuwing pumupunta  ako sa labahan. Kahit pasukan ay nakikita ko parin siya palagi sa swing na naka-upo at may hawak na cellphone o hindi naman libro na subrang seryoso sa   pagbabasa.  Oh, baka routine niya lang 'yon araw-araw pero hindi naman siya mahilig mag stand by doon at lalo na kong mag-isa siya dahil nakikita ko lang siya palagi doon kapag kasama ang mga kapatid niya o pinsan.




Pero, sa loob ng isang linggo ay mag-isa lang siya. Baka nag e-emote lang siya kaya ganon. Alas sais na ako palagi pumupunta sa labahan dahil tutulong pa si Mama sa Auntie ko na kapatid ni Mama doon sa calenderia. Kaya kailangan maaga kami magsisimula sa paglalaba para maaga rin siya makapunta sa calenderia at ako naman ang magpapakain sa pamangkin ko kaya kailangan ko rin maaga pumasok sa paaralan.




Palagi ko hindi maabutan sa pag-gising ko sa umaga si Mama kaya minsan mag-isa ako pupunta doon sa labahan at hindi ko naman maiiwasan na hindi kabahan tuwing pupunta ako doon.  Subrang gulat ko pa noong nakaraang lunes na nakita ko siya sa swing na naka-upo at ang seryoso niyang mukha ang una kong nakita. May hawak siyang libro na binabasa niya habang dinuduyan niya ang swing gamit ang mga paa niya. Naka school uniform rin siya nun at may suot na salamat na mas lalong nagpapaganda sa mukha niya at subrang attractive niya tignan na naging dahilan kong bakit muntik na akong madapa, mabuti nalang nakakapit ako sa gate.  Sa likod ng swing  ako  palaging dumadaan at makikita ko ang likod niya pero pag nalagpasan ko na ang swing ay liliko ako sa left at doon na niya ako makikita.




Gaya ngayon, nagmamadali ako nagsuklay sa buhok ko. Suot ko ngayon ang jogging pants ko na hindi na magagamit at isang plain na black shirt. Hindi pa ako nakalabas sa bahay namin ay subrang lakas na ng kabog sa dibdib ko at nabibibingi ako tunog nito.




'Lord sana pinaalis mo na siya para wala na ako madadatnan na gwapong anghel doon. Salamat po.'




Habang naglalakad ako papunta sa gate ay hinihimas ko ang koko ko gamit ang index finger ko para mabawasan 'yong kaba ko na ang lakas parin ng kabog nito at dinig na dinig ko ang tunog. Feel ko parang lalabas na 'yong puso ko sa subrang lakas nito. Dahan-dahan ko binuksan ang gate para walang ingay at si Yulli ang bumungad sa'kin. Napangiti ako na sumasayaw ang buntot nito at nakalabas pa ang dila niya.




Ang cute.




Sinara ko agad ang gate baka lalabas 'tong aso na 'to. Lumuhod ako sa harap ni Yulli, pagkatapos ko maisara ang gate. Hinihimas ko ang ulo ni Yulli, agad naman niya kinikiskis ang ulo nito sa binti ko at dinilaan ito. Medyo nawala naman ang kaba ko dahil kay Yulli. Isang himas pa ang binigay ko at tumayo na. Lumakad na ako at nakasunod lang si Yulli sa akin at nakalabas parin ang cute niyang dila. Ang cute niya talaga, ang sarap i-uwi sa amin. Hindi nga ako nagkakamali at nandoon na naman siya at nagbabasa sa hawak niyang mamahalin na libro. Suot niya ngayon ang  mala-attractive niyang eye glasses at  mas lalong nagbibigay ng pagsesryoso sa kanyang mukha.  Suot na niya ang kanyang school uniform. Nakaka attractive talaga kapag nag complete uniform ang isang lalaki tapos ang linis tignan. Habang papalapit ako sa may swing ay nagbibigay sa akin ng mas lalong nagpapakaba sa'kin na sana hindi niya marinig. Hindi naman siguro.




Pigil hininga ako nang nasa likod na ako sa swing at kita sa dalawa kong mata ang malapad niyang likod.  Langhap ko ang perfume niya na panglalaki pero hindi masakit sa ilong. Perfume pa lang ang mamahalin na, 'yong akin juicy lang. 'Yong amoy niya ay nakaka addic at gustong-gusto ko ang perfume niya. Ang swerte ng magiging boyfriend niya. Ang bango!




Nang malampasan ko na siya at doon lang ako nakahinga ng malalim at hindi naman siya lumingon sa likod kaya, okay na 'yon. Tuloy lang ako sa paglalakad at hindi na lumilingon sa likod. Kapag ganitong eksena ay hindi talaga ako lumilingon pero na except kong may tatawag sa akin.




Tell me why?Where stories live. Discover now