03

16 0 0
                                    


"Sa amin ang mas marami!" Singit ni Rodel sa kalagitnaan ng pag story telling ni Trisha. Tumayo siya at nagpatuloy sa discussion, "Sa probinsya namin.... marami na akong nararamdaman at nakikita. Natakot nga ang ate ko n'ong may  nakita siya sa loob ng cr namin. Naglalaba siya  n'on at lumabas siya saglit sa cr namin dahil may kukunin daw siya sa kwarto niya at papabalik sana siya sa cr nang may nakita siya sa loob ng cr na may tao daw na nakatayo at nakataligod sa gawi namin. Agad naman niya ako sininyasan na lalapit daw ako sa kanya kaya..nagtaka naman ako dahil sa itsura niya...patingshit! May tao nga doon. " kwento niya na may pina emotion pa at gumagalaw ang mga kamay niya.



"Baka mama or papa mo lang 'yun?" tanong ko at tutok na tutok ang atensyon ko sa kwento niya kahit maingay ang iba namin kaklase dahil may kanyang-kanya mundo.


Umiling siya, "Kami lang ng ate ko ang naiwan sa bahay namin at hindi rin familiar ang katawan niya sa'min. Hindi ako bakla pero.. nakakatakot talaga 'yon. Mabuti nalang sumigaw ang mama ko na dumating na sila kaya bumaling lang saglit ang paningin namin sa labas ng bahay ay... paglingon namin muli ng ate ko sa cr wala ng tao."


Umiiling si Arnold na matalik na kaibigan ni Rodel, "Ay, hindi ka lalaki pre! Walang lalaki matatakot sa multo——Hoy! Tanginang! Amputa!"


"Ahhhh!"


Sabay kami napatayo ni Arnold at sumigaw sa takot. Muntik na akong maiyak sa takot. Nanginginig ang buong katawan ko takot lalo pa't subrang bilis ng puso ko parang lalabas na.


"Kingina ka talaga, Earl! 'Wag na wag kang magpapahuli sa'kin dahil makakatikim ka talaga ng kadiliman hayop ka!" Malakas na sigaw ni Arnold habang habol niya si Earl na namumula na sa kakatawa at hawak pa ang tiyan.


"Baliw ka, Earl!" sigaw ko sabay hawak sa dibdib ko na subrang lakas ng tibok nito. Nakakatakot! Akala ko minulto na ako. Si Earl lang pala 'iyon, tinakot ako ng hayop na 'yon. Muntik ko masampal si Rodel na sisigawan sana si Arnold sa sinabi niya sa kanya. May humawak kasi ng paa ko na nasa ilalim ng upuan ko. Hanep, hindi pa naman ako naka move on sa kwento ni Rodel, dumagdag pa'to si Earl na presidente namin na subrang tino.


Hindi ko alam pero, bigla na lang akong... tumawa ng malakas.


"Hala, sinapian na ata 'to, oh!" Biglang tumayo si Danny at hinahampas ang braso ko pero walang tigil ang tawa ko para kay Arnold. "Tangina, hoy!"


Tinuro ko si Arnold na umupo sa upuan niya kung saan siya umupo kanina, "Para kang bakla...maka...sigaw kanina. Ang epek n'on!" Tawa ako ng tawa sa reaction niya kanina. Hinding hindi ko makakalimotan kong paano siya biglang tumayo, sumigaw at nagmura sa takot. "May pahawak pang kamay sa braso ko at sa subrang takot nanlalamig ang mga kamay mo at nanginginig!".



Napatawa na rin ang iba dahil saksi rin sila kong anong itsura ni Arnold na nanlalaki pa ang mga mata at subrang lakas ng boses niya. Sinamaan niya ako ng tingin at tumaas sa ere ang gitna niyang daliri. Pinakita niya sa'ming lahat.



"Wala pa lang lalaki na matatakot, huh." Komento ni Francis na umiiling pa at  tumatawa. Nagkikinig rin pala sa kwentuhan namin.


"Fvck you dude!" Inis na sigaw ni Arnold na namumula sa hiya.


"Mas mabuti pang matakot kaysa sumigaw na parang bakla." Dugtong pa ni Rodel na hawak na ang kaniyang tiyan dahil sa tawa.


May iba pa na may pahampas-hampas sa lamesa at isa na ako ron.


Umismid lang si Arnold at kinuha ang kamay ko para paglaruin niya. Habit niya 'yan kapag tumatabi siya sa'kin at isandal ang ulo niya sa balikat ko. Normal na gawain niya 'yan.


Tell me why?Where stories live. Discover now