08

7 0 0
                                    

___

Sinabi ko na nga ba, e! Nandito na naman siya.. hindi lang siya, pati ang mga pinsan niya. Nagkwentuhan sila at nagkasayahan. Iba talaga sila.. ang close nilang magpipinsan na parang barkada lang. Kami ng mga magpipinsan ko ay... hindi masyadong close. Nahihiya ako.




"Hala, paano na'to?" Bulong ko sa sarili ko. Dahan-dahan ko sinira ang gate at bumuntong hininga. May iba pa namang daan para hindi ko madaanan kong saan sila ngayon. Nandoon sila sa swing kung saan nakaupo kahapon sina Ike. Ang laki ng lugar nila pero bakit.. diyan sila palagi kong saan doon ako dadaan.




Pero 'yung ibang daan ay iikot pa ako at makikita parin nila ako, pero malayo naman sa kanila.  Ano ba'yan? Inagahan ko na nga ang pagpunta dito.. pero heto, ang aga ng mga marites ngayon. Huminga ako ng malalim at dahan-dahan naglalakad. Naglalakad ako na parang wala akong nakikita o walang tao, kahit na sa loob-loob ko ay nanginginig na. Hindi ko sila nilingon nang tumawa sila at nasa mga paa ko lang tinuon ang mga paningin ko. Parang ako yata ang tinatawanan nila.




Kinurot ko ang hita ko ng palihim ng mas lalong nanginginig ang mga paa ko. "Baliw, ka Shan! Lumakad ka lang at 'wag na 'wag kang lilingon, hanep ka!" Mahinang bulong ko sa sarili at kinurot ko ulit ang hita ko, muntik ako mapahiyaw ng nadiin ko pala ito ng pagkurot.




Nakayuko parin ako nang madaanan ko sila. Kagat ang labi ko na dinaanan ko lang sila na parang hangin at wala naman silang pake sa'kin. Napangiti ako sa sarili ng malagpasan ko sila. Good job self! Ang galing mong hayop ka!




"Ay, nagpagawa ka ng bagong Id?" Tanong ni Maye pagdating ko sa classroom namin. Nilagay ko ang bag ko sa upuan ko at umupo ng nakadekwatro. Agad ko kinuha ang cellphone ko at nagsimula na magbasa sa bagong story na kina addican ko ngayon. Umiling ako sa sagot ni Maye at nginitian siya.




Nagpadausdos akong kaunti at sumandal sa sandalan ng upuan ko. Nang mapansin ako ni Danny galing sa pagchichika niya doon nila Kristel ay lumipat siya ng upo sa tabi ko. Wala si Chella pagdating ko at ewan ko saan siya ngayon. Si Nel naman ay nakadukdok ang ulo niya sa lamesa ng upuan niya. Binuntong hininga ko nalang at nagbasa nalang ulit.




Ngumiwi ako ng kinurot ni Danny ang pisnge ko kaya kunot-noo ko siyang, nginuso niya ang suot kong Id at pinagtaasan ng kilay.




"Sinuli. Kanina lang." Pagsisinungaling ko. Wala naman silang alam ni Ike at ayaw ko sabihin na anak siya ng boss ng Papa ko at baka iba pa ang maiisip nila. Iba pa naman ang daloy ng utak nito. Ang daming alam sa buhay.




Tumatango siya sa sagot ko na may straw na yugort pa sa bibig niya. Nabaling ang atensyon namin na pabagsak nilagay ang bag ni Chella sa upuan niya sa harap ko.




Inikot niya ang upuan niya na paharap sa'min. "May chika ako sa inyo." Ani niya at umupo. "Alam niyo ba na buntis ngayon si gaga at ang hayop ang oa parin ang sarap tusukin ng karayom ang mga mata niya!" Pag chi-chismiss niya sa'min  at subrang bilis niyang magsalita. Hindi ko siya masyado maintindihan. Trabaho niya 'yan pagdating niya dito sa classroom. "Palaging nakakunot ang noo niya tuwing magkasalubong kami sa amin at 'yung mga mata niya palagi ring nanlilisik na parang papatayin ako!" Histerikal niyang kwento at umiirap pa.




"Bakit naman daw?" Kuryosong tanong ni Maye at lumapit pa palapit kay Chella.




"Duh, gurl...akala niya ata inagaw ko ang syota niya. Eh, hindi ko nga type 'yung mukhang na uulol na bulldog! Ang panget kaya non at..sino ba ang papatol ron...kundi 'yung bruhang juntis agad!" Sigaw niya at nakakaagaw ng pansin.




Tell me why?Where stories live. Discover now