36

60 1 0
                                    

Ilang minuto rin ang nagdaan ngunit wala pa siyang tugon doon. Ngumiti ako ng mapait. I think, he's not ready yet.

Magtitext na sana ako ulit nang may tumawag sa akin at nakita ko na si Defuerzo ito. Natataranta ko itong sinagot.

Is this true? Maririnig ko na ba talaga ang boses niya? I'm still shock when I heard that he cleared his throat.

"Hi. Happy birthday, Savedra." He greeted me in a bedroom voice.

Oh God! My heart is beating wildly. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ito ang gusto mo, Alexandra Gail!

Tangina boses pa lang mahuhulog ka na. Parang gusto ko na lang humimlay. His bedroom voice is so sexy!

I heard his low chuckle. Ito na luluhod na maghintay ka!

"Parang wala naman akong kausap." wika nito na natatawa pa. Humugot naman ako ng hininga. 

His voice sounds like home.

"Hi, Defuerzo. Thank you." mahinang ani ko at nautal pa. Grabe ang kabog ng puso ko ngayon kaya naman tumayo ako at pumunta sa balkonahe. Kailangan ko ng hangin!

"Hmm. Ganda ng boses mo, Ms. Savedra."

Uminit naman ang pisngi ko sa sinabi niya. I laughed. "Ikalma mo naman, Mr. Defuerzo."

Hmm, tangina. Nakakapanghina.

Kalmahan mo naman mahihimatay na ako dito oh. Grabe boses mo pa lang ang naririnig ko pero 'yong puso ko nagwawala na.

Anong ginawa mo sa akin? Nahulog ba agad ako sayo? Suddenly, I'm in love with a stranger ang peg ba nito.

Naramdaman ko ang lamig ng simoy ng hangin na tinatangay ang nakalugay kong buhok. Kitang kita ko dito ang buwan na sobrang liwanag at ang mga bituin na akala mo ay kumikinang para sa akin.

Kumikinang na tila ay nararamdaman ang kasiyahan ko ngayon. Kung masaya ako kanina mas lalo akong sumaya nang marinig ko ang boses niya.

Ang boses niya na nakakapanlambot ng tuhod. Ang boses niya na nakakadarang. His voice that makes my heart melts. His voice that make everyone fall. His bedroom voice that makes me insane.

"Kalmado naman ako dito." sagot niya at natawa naman ako. 

"Sure ba?" Pabirong tanong ko habang nakatingin sa langit at napangiti ako ng kuminang ang isang bituin. Ang dami niyang sinasabi sa akin na hindi ko alam ang mga ibig-sabihin.

"U-huh."

Nanahimik kaming dalawa. Walang nagsasalita tanging paghinga lang ang naririnig. 

"Feel ko ang ganda ng boses mo kapag kumanta ka." natatawa kong sabi kahit kabado. Anong pinagsasabi ko dito?!?!

"Sakto lang. Do you want me to sing?" He softly asked. 

I smiled. "Pwede ba?"

"Wait. Kukunin ko gitara ko." Mahina pa siyang tumawa.

Tumikhim siya sa kabilang linya at narinig ko ang pagbukas niya ng sliding door. Pumunta siguro sa balkonahe niya.

"Ano ba gusto mong kanta?" tanong niya at narinig ko ang pagstrum.

"Ikaw bahala."

As the cold breeze of wind blew and touched my skin, he began to strum the guitar.  

"Here we are under the moonlight..."

I can't utter a word when I heard him singing my favorite song. His serene voice makes my heart skip. 

"So take my hand now, see me. 'Cause you've made me into this man. I promise I'll treasure you, girl. You're all that I've needed. Completing my world." 

He sang and for a moment I felt like I was in heaven. Sa bawat pagkanta niya sa liriko ng kanta ay para akong hinihele. 

"You. You're my love, my life, my beginning. And I'm just so stoked I met you. Girl, you are the piece I've been missing." He sang and even changed the lyrics. 

I closed my eyes and listened to him. He sang it in simple way but damn the impact to me. The song is good but his voice makes it more better.  

"It's you..."

Alam kong tapos na pero hindi pa rin ako nagsasalita. His voice is so good. The feeling is undefined.  

"You still there?"

I cleared my throat before answering. 

 "Y-yeah, I'm still here." Sagot ko at nautal pa.

He chuckled. "Anong masasabi mo?"

"Ang ganda ng boses mo, sobra. Para akong pinapatulog." natatawa kong sagot.

"I'm gonna sing that song to you when we meet."

Tangina. Ano daw? Mauulol na ako kapag ganon. 

"Totoo ba?" 

"Yeah."

Ngumiti ako at pinagmasdan ko buwan na alam kong pinagmamasadan niya rin. It's okay that we're not yet together at least the moon we're looking at is the same.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now