61

58 2 3
                                    

"Discount lang naman, parang hindi naman kaibigan."

"Kahit nga libre na lang."

Napahilot ako sa aking sentido. Nasaan ba ang mga ito ng umulan ng kamature-an? Dumagdag nga 'yong edad pero isip-bata pa rin. Dumayo pa talaga sila dito sa mismong opisina ko para manghingi ng discount akala mo naman mga gipit na. Mas marami pa nga silang pera kesa sa akin.

"Gutom na kami, Alexandra. Dali na." Pagpupumilit pa ni Shaina. Kapag si Shaina at Lexie ang nagsama sa pamimilit kahit ilang beses ka tumanggi hindi sila titigil.

"Fine. Saang branch kayo kakain? Para masabihan ko na 'yong manager." Saad ko habang patuloy na binabasa ang kontrata at napailing na lang ako nang magsigawan sila. 

They decided to eat only in Quezon City. Ngayon ko lang narealize na halos kumpleto na kami dito at si Chelsea lang ang wala may lipad yata. Himala nga nandito si Ellie eh sobrang busy niyan. 

Si Lexie na prenteng nakaupo sa couch ay inutusan pa ako na tawagan ang manager bago sila umalis.

"O, Lexie, hindi busy?" Tanong ko dito habang di-na-dial ang numero ng manager.

"Hindi busy kapag may libre." Sagot nito at napairap ako.

Kinausap ko na ang manager na kapag pumunta na ang mga bwisita na 'to iserve agad ang mga request nila. Nagtanong pa 'yong manager kung ano ang kakainin nila para ipaluto agad at pagdating nila agad silang kakain dahil may mga trabaho pa 'to.

"Thank you. It's also lunch time so why don't you just come with us." Alok ni Zola na agad kong tinanggihan. 

Marami pa akong gagawin halos tambak pa ang mga papel na kailangan kong basahin at pirmahan.

"Hindi ka naman malulugi kung kakain ka muna 'di ba?" nakataas ang kilay na tanong ni Summer.

Natawa ako, "Kayo na lang. Nasaan ang inaanak ko?" Tanong ko dito para maiba ang pinag-uusapan. I know na hindi nila ako titigilan hanggat hindi ako pumapayag.

"Nasa Papa niya. Dinala doon kila Mama." Sagot nito at napangiti naman ako. Summer already had her own family and I'm happy for her. She deserve to be happy. Sobra.

Pinilit pa ako nila Ellie na tinatanggihan ko talaga hanggang sa napunta sa usapang lovelife. Porket mga may lovelife sila oh hindi lang naman ako ang walang lovelife dito.

"Hanapin daw natin si Defuerzo!" Sigaw pa ni Shaina. 

Bwisit talaga 'to! Hindi ko na nga sinasabi ang apelyido na 'yon. Pinag-aasar pa nila ako tungkol doon sa katext ko dati. Nakamove on na ako sobrang tagal na no'ng huli kaming nag-usap.

"Umalis na nga kayo! Kapag hindi kayo umalis hindi na libre ang kakainin niyo." Pananakot ko sa kanila kaya agad naman nagbeso sa akin si Shaina at Lexie at naunang lumabas. Hanep!

"Alis na kami. Kumain ka." Pagbibilin pa ni Summer bago umalis na tinanguan ko na lang. 

Nasobrahan sa daldal sila Ellie. Tsk. Sayang lang ang pera at oras ko na ipinahanap ko siya. 

I graduated BS in Hotel and Restaurant Management. I already have my own hotel and restaurant. Noong una nagtrabaho ako bilang restaurant manager at noong nagkabudget na nagpatayo ako ng sarili ko. Hindi ako humingi ng pera kina Daddy talagang pinagtrabahuan ko talaga. Agad naman naging patok ang restaurant ko and nag-invest ako sa mga hotel and boom nagkaroon na rin ako.

At the age of 25, I can tell that I am already successful. I have two hotels and three restaurants. At first, it's really hard. Both parents mo ay architects plus your brother tapos ikaw lang ang hindi nag pursue ng architecture but hell, yeah, I made it!

Moody Moon Hotel that's my hotel name. Why moody moon? Kitang kita dito ang buwan lalo pa itong gumanda pag nagrereflect ito sa dagat kapag gabi. Kung gusto mo pang Instagram pwede dito.

My restaurant, may iba't ibang klase ng cuisine na siniserve dito. May Spanish, Korean, Italian and of course Filipino dish. 'Yong pangalan nito connected din sa pangalan ng hotel ko. Kung 'yong hotel ko ay Moody Moon ang pangalan 'yong restaurant ko naman ay Moody Restaurant kasi nga may iba't ibang klase ng food tapos kapag nasa mood ka kumain ng Korean pwede, kung nasa mood ka rin kumain ng Filipino dish pwede rin.

Dati gusto ko lang magkaroon ng hotel o restaurant kahit alin diyan sa dalawa pero hindi lang isang hotel ang binigay Niya kundi dalawa pa at hindi lang isang restaurant tinatlo Niya pa. Sobra sobra yung binigay Niya. I'm so blessed.

Lovelife? Sabi nila ayan na lang daw ang kulang sa akin. Masyado akong busy para diyan. Self-love muna. Nagkaroon din naman ako ng mga fling kaso hanggang doon lang never pa ako nagkaroon ng serious relationship. Hindi pa ako ready, hindi pa ready 'yong puso ko, hindi pa siya nakakaahon sa taong naging textmate ko for almost one year.

Na sa isang taon na 'yon hindi man lang nagpakilala sa akin. Sa isang taon na 'yon limang beses ko lang narinig ang boses niya. Na sa isang taon na 'yon lalo akong nahulog. Na sa isang taon na 'yon sinubukan kong alisin ang nararamdaman ko para sa kanya pero tuwing susubukan ko binibigyan niya ako ng sign para hindi ko gawin. He's giving me a mixed signal and ayaw ko no'n.

Akala ko mabilis lang akong makaahon kasi mabilis din akong nahulog pero bakit sa lumipas na apat o limang taon ganito pa rin? Mahal ko pa rin. Hindi natupad ang hiniling ko sa shooting star.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now