SC 2

52 3 0
                                    

Habang kumakain ako ng cream-o ay narinig ko ang kotse ni Aziel. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ng cream-o. Inuna ko muna ang fillings bago 'yong biscuit. Hmm, sarap.

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Aziel, "I'm home."

He caressed my baby bump and kissed my temple. I'm already 7 months pregnant with our first child. We are having a healthy baby girl. I can't wait to raise our baby girl.

Hindi ko naisip na magkakaroon ako ng sarili kong pamilya kasi nakafocus lang ako na maging proud sa akin sila Mama not until I met Aziel. Binigay niya sa akin ang hindi ko naman naisip na makukuha ko. Parang expect the unexpected.

Tinignan ni Aziel ang kinakain ko at natawa siya kaya agad ko siyang siniko.

"Now I know why you text me that." He said, laughing.

Humarap ako sa kanya at inadjust niya naman ang inupuan ko para magkapantay kaming dalawa. Kinulong niya ako sa kanyang mga braso at hinalikan ang ilong ko.

Ang saya pala talaga kapag may isang tao na nagmamahal sayo ng lubusan. Sa sobrang saya ko baka mabigyan ko baka madagdagan ko pa ng bonus ang mga empleyado ko.

Humilig ako sa dibdib ni Aziel ngunit nang maamoy ko ang pabango niya ay agad ko siyang itinulak. Ang baho.

"I don't like your smell. Change ka na I want to hug you."

He chuckled, "Alright. We will eat our dinner after."

Tumango na lang ako. Nilibot ko ang tingin ko sa bahay namin. Napangiti ako habang naalala kung paano niya sa akin ipinakita ang bahay namin.

Aziel and I are already engaged. After five months we're getting married and I can't wait for that day. I'm in my office right now and Aziel called me earlier. Aalis daw kami may ipapakita daw siya sa akin.

Hindi ko alam kung ano na naman ang ipapakita niya sa akin ngayon. Last time dinala niya ako sa hacienda ng Lolo niya. Defuerzo is wealthy.

Nagsuot na lang ako ng A line High Waist Stripe Short sleeve dress at pinaresan ko ito ng sandals. Itinali ko ang buhok ko na humahaba na rin. Nagpulbos lang ako at nagpasya na bumaba na dahil narinig ko na ang busina ng kotse ni Aziel.

Pagtingin ko sa pintuan nandoon na agad si Aziel. Napailing-iling na lang ako nang makita ko ang suot niya. Khaki shorts at polo na nakatuck-in at balenciaga shoes ang suot niya. Hinawi niya ang buhok niya pataas at kumindat sa akin. Siraulo. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

"You're so pretty naman, Madame."

Umirap na lang ako. Hinapit niya naman ako sa bewang at lumabas na kami. Nakita ko ang kotse niya na iba na naman ngayon. Binuksan na niya ang passenger seat at pinatong pa ang kamay niya sa ulo ko para hindi ako mauntog.

"San ba tayo?" Tanong ko habang ini-start niya ang kotse.

Tumingin siya sa akin. "Secret nga." Nanahimik na lang ako. May pakulo na naman siguro 'to. Lagi naman may pa-surprise si Aziel.

Napansin ko na ang daan na tinatahak namin ay patungo sa Defuerzo Subdivision. Anong meron?

"Aziel, anong ganap dito?"

I mean nakilala ko naman na ang angkan niya noong nagpropose siya sa akin pero kinakabahan pa rin ako. Sobrang kalog nga ng pinsan niya lalo na si Lyle at Amara. Ang ganda rin talaga ng lahi nila walang patapon. Palahi po.

He chuckled. "Chill ka lang po."

Napatingin ako sa labas ng tumigil na kami. Hindi kalayuan ang mansion ng Defuerzo dito sa tinigilan namin. Nakatingin lang ako sa bahay–no, it's a mansion. Malalaman mo agad na mansion ito dahil sa napakalaking gate.

It's freaking gorgeous!

Tumingin ako kay Aziel na nakangiting pinapanood ako.

"Ang ganda. Kanino 'yan?" Tanong ko at muling tiningnan ang mansion. Gate pa lang ang expensive na.

"Sa atin."

Napatango ako pero wait ano daw. Sa amin? Nalaglag ang panga ko nang marealize ang sinabi niya. Sa amin talaga? Did I hear it right? Teka hindi pa maprocess ng utak ko. May bahay na kami?

Tumingin ulit ako sa kanya at natatawa siyang tumango. Tangina.

"May bahay na tayo? Kailan pa?" sigaw ko at iminuwestra pa ang mansion na nasa harap namin.

"Kakatapos lang nito last year." Sagot niya pero hindi na ako sumagot dahil agad akong pumasok sa napakalaking gate. Kung maganda ang nasa labas mas lalong maganda ang nasa loob nito.

It's a modern style house. Sa harapan ng mansion ay may swimming pool na may couch pa sa gitna. Pwede ka pang humiga dito. Nilingon ko si Aziel na nakatingin lang sa akin habang nakangiti. Tinakbo ko ang distansya namin at yumakap sa kanya.

"Ang ganda! Sino gumawa nito?" tanong ko habang nakatingala sa kanya. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko.

"Your fiancé is an engineer." He proudly answered.

Umirap ako at kinalas ang yakap. Tinignan ko pa muna 'yong pool at dumiretso na sa double door. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang napakalinis na living room.

Tumingala ako at nakita ko ang napakalaking chandelier. May mga maliliit pa na mga ilaw. May pa L-couch pa at lamesang salamin. Ang bongga ng stairs!

Umakyat na ako sa ikalawang palapag at natawa na lang si Aziel sa reaksyon ko. Kung malaki ang bahay namin mas malaki ito! Hinintay ko pa si Aziel.

"Ano 'to?" Tanong ko bago ko bubuksan ang pinto.

"Door po."

Isang malakas na hampas ang nakuha niya sa akin. Siraulo tinatanong ng maayos eh.

Tumawa na naman ito. "Master Bedroom, Madame."

Tumango na lang ako at binuksan ang pintuan. May queen-size na kama ang nandoon at meron ding vicinity table. May mga picture ako na naka frame at nakasabit.

Sa taas naman ng headboard ng kama 'yong unang picture namin sa Boracay. Halos puro mukha ko ang nandito kaunti lang ang kay Aziel. May isa pa na pintuan na sa tingin ko ay walk-in closet.

Nilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng master bedroom at nakita ko ang teresa dito kaya para akong bata na tumakbo papunta doon. Pagsilip ko nakita ko ang swimming pool at pati na rin ang mansion ng Defuerzo.

Tinitignan ko ang mga mansion na nandito nang maramdaman ko na lang na may braso na pumulupot sa bewang ko at naamoy ko ang pabango ni Aziel.

"Do you like it?" tanong niya kaya humarap ako sa kanya. Pinisil ko ng mahina ang tungki ng ilong niya.

I smiled. "I love it and I love you so much."

Napahinto ako sa pag-alala ng halikan ako ni Aziel. Nandito na pala 'to hindi ko man lang napansin.

"Why are you smiling, hmm?"

Napalingon ako sa kanya at sumalubong sa akin ang mapungay niyang mata.

"Naalala ko lang yung pinakita mo sa akin 'tong bahay natin."

Ang sarap sa feeling sabihin na bahay namin 'to. Sobra. I'm very thankful na binigyan ako ng isang Aziel Jaylen Defuerzo.

"I can't wait to make more memories with you and our children." He said and caressed my baby bump.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now