71

53 1 2
                                    

I stopped walking when I saw a man with his back to me and he was wearing a blue tshirt with Defuerzo written on it.

"Defuerzo." Basa ko rito.

Hindi ko akalain na sa simpleng pagbasa ko ng apelyido niya ay nararamdaman ko pa rin ang nararamdaman ko dati. Dati noong magkausap pa kami. Dati noong lagi kong hinihintay ang mga text niya. Hanggang ganito na lang ba? Hanggang pag-alala na lang ba ng masaya naming usapan?

I smiled bitterly.

Kung hindi man siya 'to, I guess kailangan ko na talagang mag move on. Magmove on sa isang tao na hindi ko naman nakita. Akala ko mas madali mag move on kapag hindi mo pa nakikita. Akala ko lang pala. The connection we had is so hard to forget. He is too hard to forget.

"Yes?" Nagulat ako nang sumagot yung lalaki at humarap sa akin.

Bahagya rin itong nagulat ng makita ako ngunit agad din na nakabawi samantalang ako naman ay natulala sa napakaamo niyang mukha. Hindi gaanong makapal ang kilay, matangos na ilong, may pagka chinitong mata at ang kanyang mapupulang labi. Napaka perpekto ng kanyang mukha. Tao ba talaga 'tong nasa harapan ko?

He waved his hand na nakapagbalik sa akin sa reyalidad. Napa-ayos naman ako ng tayo. Nakakatulala ang mukha niya.

He smiled and again natulala na naman ako. "Hi, miss. Okay ka lang ba?" He asked with his deep baritone voice. Even his voice is perfect and it's familiar.

"Miss,"

Agad naman akong umayos at sumagot. "Uh, yes?"

Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko nagkautal-utal na ako. Nakakahiya!

He chuckled and it's like music to my ear. What the hell, Alexandra Gail! Fix yourself! Anong music to my ear for God's sake he's a stranger.

Inayos niya ang buhok niya na hinahangin at natatabunan ang mata niya. I was stunned when he licked his lower lip and asked me again. Parang gusto ko na lang maging labi. Magiging labi na lang ako sa nextlife ko.

"Miss, may kailangan ka ba sa akin?"

I blinked at huminga ako ng malalim nang makabawi.

"Ice cream or cake." I asked dahil ito ang sabi ng textmate kong Defuerzo ang apelyido, five years ago. Matagal ko siyang hinanap kaso hindi ko siya nakita pero ngayon na nasa harapan ko ang lalaking ka-apelyido niya. Siya na ba 'to? Sana siya na.

I waited for his answer and his answer made me smile bitterly. That's not the answer I'm looking for. I guess I have to move on. I have to let go of my feelings kahit mahirap. Lahat naman mahirap sa una.

"I'm sorry. I thought ikaw yung hinahanap ko. Sorry for bothering you." Nakangiti kong saad dito at pinipigilan ang mga luha ko na bumagsak. He smiled and it makes me cry more. Parang sa ngiti niya na 'yon ipinapahiwatig na it's okay to cry.

He smiled. "It's okay. Sana mahanap mo na yung hinahanap mo."

Tumingala ako para 'di tumulo ang luha ko pero nagulat ako nang hilain ng lalaki ang kamay ko at niyakap ako. Hindi ko na napigilan pa ang luha ko. Umiyak na ako. It feels like I found my comfort in him. Parang okay lang na ilabas ko yung weak side ko sa kanya kasi he will not judge me. The comfort I'm finding is nahanap ko sa kanya kahit na isa siyang estranghero. I found my comfort and home in the stranger I'm hugging right now just like how I feel kapag kausap ko si Defuerzo.

Wala na akong pake kung basang basa na ang damit ng lalaking ito. I just wanted to cry. Sobrang sakit. Bakit ang bilis ko naman siyang mahalin? Kung gaano ko siya kabilis mahalin ang tagal ko siyang makalimutan. I tried to forget him but I just can't. Minsan na nga lang magmahal sa hindi ko pa kilala.

I cried and cried until I feel better. Siya naman ay itinatahan ako. Kumalas ako sa yakap at inaayos ang mukha ko. Pakiramdam ko ang panget ko na. I think tama nga ang sinasabi ng iba na mas maganda magsabi ng problema sa stranger hindi ka nila huhusgahan.

"Feeling better?" he softly asked.

I nodded and answered, "Yes. Thank you so much for being there."

"Maliit na bagay. Sorry wala akong panyo pero pwede naman 'tong damit ko pang punas mo." biro pa nito kaya naman ay natawa ako. Loko-loko. Napatigil naman ako sa pagtawa nang makita itong nakatitig sa akin.

"Lalo kang gumanda nang tumawa ka kahit naman umiiyak ka maganda ka pa rin but I prefer seeing you smiling. Keep on smiling." He smiled and patted my head.

Lalong lumawak ang ngiti ko. He will be a good boyfriend. Everyone need a partner that can boost their confidence. Ang sarap sa pakiramdam na may isang taong tinataas ka dahil pilit mong dinadown ang sarili mo.

Inayos ko ang buhok ko na hinahangin. "Thank you." I said, smiling.

"Pwedeng paki-ulit ng tanong mo kanina?"

Naguluhan man ay inulit ko ang tanong. I know na hindi niya masasagot ng tama 'to kaya naman ay naglakad na ako ngunit bago pa man ako makahakbang may humila na sakin.

"Ice cream cake."

I was stunned when he said that. Isa lang ang masasabi ko. That's the answer I'm looking for. 

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now