72

53 2 0
                                    

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Maiiyak ba ako sa tuwa dahil nakita ko na siya? Ang tagal ko itong hinihintay na mangyari!

Tinitigan ko siya at ngayon ko lang narealize na siya pala 'yong lalaki noong nasa restaurant kami. Ngayon ko lalong nakita ang mga detalye sa mukha niya. May maliit siyang nunal sa gilid ng labi niya pero hindi mo ito makikita kung hindi mo siya tititigan ng malapitan. Ganoon kami kalapit dahil pati ang nunal niya na maliit nakikita ko.

Binawi ko na ang kamay ko sa pagkakahawak niya. 'Yong tibok ng puso ko grabe na para akong hinahabol ng mga kabayo.

"B-bakit iba ang sinagot mo sa akin kanina?" nauutal ko pa na tanong sa kanya. Akala ko hindi ko na siya mahahanap. Akala ko wala na talagang pag-asa na magkita pa kami. Limang taon pa bago kami magkita.

"I'm sorry. Natakot ako, eh." sagot niya habang nakatingin sa akin.

Saan siya natakot? Bakit siya natakot? Kailangan bang magsinungaling dahil takot ka?

Kumunot ang noo ko. "Natakot? Saan?"

He sighed heavily and smiled.

"Natakot ako na baka hindi mo ako paniwalaan." sagot niya and he lowly chuckled.

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang gagawin ko parang hindi pa gaanong nag sisink-in sa akin ang nangyari. Totoo na ba talaga 'to?

He cleared his throat, "Aziel Jaylen Defuerzo, Madame." nakangiti nitong sabi.

Oh, that's his name.

"Alexandra Gail Savedra." pagpapakilala ko rin.

Wala kaming naging imik na dalawa. Tinitignan ko lang ang mukha niya at siya ay nakatingin sa leeg ko? Hala ka.

"Ang ganda ng kwintas mo, bagay sayo." aniya at nagkatinginan kami. Agad naman akong umiwas ng tingin.

Tumikhim ako, "Someone gave it to me kaya favorite ko talagang suotin." at hinawakan ko ang kwintas.

"U-huh." Tanging nasabi niya.

Katahimikan na naman ang naghari sa amin. Ang awkward!

Nagbaba ako ng tingin dahil nakatitig siya sa akin. Parang naconscious ako bigla sa itsura ko. Wala pa naman akong ligo!

Ngayon ko lang napansin na nakasuot siya ng denim short at kulay asul niya na damit na may nakalagay na apelyido niya. Ang gulo ng buhok niya pero hindi ito nakabawas kundi lalo pa itong nakadagdag sa gwapo niyang mukha. Ang mapupula niyang labi na lalong pumupula kapag kinagat niya.

Ang ilong niya na pwede ka ng magpadulas ng bente singko sa sobrang tangos at ang mata niya na lalong lumiit dahil kakagising niya lang yata. Ang kilay niya na hindi gaanong makapal na hinaharangan ng magulo niyang buhok. Hindi siya gaanong maputi at maitim, he has a fair skin.

Kailan ba ako pumuri ng ganito sa isang lalaki? Alam kong walang perpekto sa mundo pero bakit may gantong kaperpekto na mukha sa harapan ko?

Naputol ang pagdedetalye ko sa kanya ng may tumawag sa kanyang babae. Dalawa itong babae. Ang isa ay morena at ang isa naman ay maputi. Hmm.

"Hey, Aziel! Kanina ka pa gising?" tanong ng babaeng morena. Nakasuot ito ng wide pants at white tank samantalang ang maputi naman ay nakasuot ng shorts at black racerback.

"Not really. Bakit kayo nandito?" si Aziel. Nanatili akong tahimik habang nakayuko. Batid kong nakatingin sa akin ang babaeng maputi. Ano ba naman yan!

Buhangin, lamunin mo na ako!

"Lyle said that you will fetch Tita and Tito? Is it true?" tanong ng moren.

"Yeah. Sama ka?" natatawang sagot ni Aziel. Parang gusto ko siyang batukan. Hindi man lang niya ako ipakilala sa girlfriends niya? Ay, wow, ano ka ba niya Alexandra?

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now