88

61 3 1
                                    

Itinabi ko ang cellphone ko dahil wala ang mga kaibigan ko. They don't reply to my messages so I think they are busy. Mag-isa lang ako dito sa hotel na tinuluyan namin ni Aziel. Speaking of Aziel, kanina pa siya nagpaalam na may kukunin lang sa labas pero hindi pa rin bumabalik.

I heard a knock on the door. Siguro si Aziel na 'yon. Tumungo ako sa pinto at pagbukas ko doon ay wala namang tao. Luminga-linga ako at nakita ko ang isang box. Nagtataka ko itong kinuha.

"Open this box."

I opened the box at nakalagay dito ang sundress na suot ko noong nagkita kami ni Aziel sa Boracay. Paano napunta 'to dito?

May nakalagay ulit na note doon.

"Wear this dress."

Kahit nagtataka ay sinunod ko ang nakasulat sa note. Hinayaan ko lang na lugay ang buhok ko at hindi na ako nag make-up. Bitbit ko ang dalawang notes at lumabas na ako ng kwarto. May nakadikit na papel sa pintuan ng kwarto. Kinuha ko ito.

"Go to the lobby."

Tinahak ko ang daan papunta sa lobby. Nagulat ako ng may babae na lumapit sa akin at nilagyan ako ng blindfold.

"Miss, what are you doing?" Kalmadong tanong ko pero kinakabahan na ako. Mga kaaway ko ba 'to sa business?

Inalalayan ako nito maglakad at naramdaman ko kaagad ang lamig. May naglagay sa akin ng coat at inalalayan ako makasakay. Saan ako dadalhin nito?

Where's Aziel? Where's my boyfriend?

Umandar na ang sasakyan namin kaya naman lalo akong kinabahan. Kahit malamig ay pinagpapawisan ako. Ibibigay ko lahat ng pera ko basta pakawalan nila ako.

Gusto ko pa magkaanak, Lord.

Tumigil ang sasakyan namin at inalalayan ulit ako pababa ng babae. Ipapakulong ko 'to kapag naalis 'tong blindfold ko.

"Kindly remove your blindfold when you hear music, ma'am."

My forehead creased. What's happening?

Nakarinig ako ng tugtog kaya naman dahan-dahan kong tinanggal ang blindfold. My mouth parted nang makita ko kung nasaan ako. Aurora borealis.

Luminga-linga ako at wala akong makitang ibang nandito. Tanging ang aurora borealis ang nagsisilbing liwanag. Kahit gusto kong panoorin ang aurora borealis hindi ko magawa.

Where's my giant AJ?

I see the questions in your eyes
I know what's weighing on your mind
You can be sure I know my part

It's Aziel's voice! It's my giant AJ!

'Cause I'll stand beside you through the years
And you'll only cry those happy tears
And though I'll make mistakes, I'll never break your heartAnd I swear by the moon and the stars in the skies
I'll be there
And I swear like the shadow that's by your side
I'll be there

Tumingin ako sa likod ko pero walang tao. Ang dilim!

"Aziel? My giant AJ?" tawag ko.

For better or worse, 'til death do us part
I'll love you with every beat of my heart
And I swear
Ooh I'll give you everything I can
I'll build your dreams with these two hands
We'll hang some memories on the walls
And when (and when)
Just the two of us are there
You won't have to ask if I still care
'Cause as the time turns the page, my love won't age at all

Nagsibagsakan na ang luha ko. Hindi ko alam kung dahil sa kanta o dahil hindi ko siya makita. Anong pakulo 'to?

"Aziel? Aziel, magpakita ka naman na." Umiiyak na sambit ko pero walang Aziel na lumalabas. Naglakad pa ako ng kaunti at tumigil na ang kanta.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now