50

56 1 0
                                    

Napabangon agad ako ng tumawag siya. Isisend ko pa lang sana ang reply ko na huwag na siyang tumawag kaso tumawag na siya. 

I answered the call but I stay silent.

He let out a small sigh. "Madame,"

Tumulo agad ang luha ko nang tawagin niya ako at sobrang soft ng boses niya. Boses niya pa lang naiiyak na ako. My comfort.

Pinigilan kong humikbi ngunit hindi ako nagtagumpay. Pinigilan kong umiyak ng tanungin ako ni Ellie kung okay lang daw ba ako pero ngayon hindi ko kaya.

He's truly my home and my comfort.

"I'm just here, Madame." He said on the other line that makes me cry more. Akala ko ubos na 'yong luha ko kanina. Suminghot ako at huminga ng malalim.

"D-Defuerzo..." hikbi ko.

"I'm here."

Huminga ako ng malalim.

"I'm trying my best...so t-they will be proud of me...pero bakit h-hindi pa rin...hindi pa rin sapat.." 

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim sa kabilang linya na tila ay naaawa sa akin.

"I'm proud of you, Madame. Always." He softly said. 

"Hindi ako humingi sa kanila ng panggastos sa course ko...kase...alam kong hindi rin sila magbibigay pero...that's okay..I understand them kasi they want me to be an architect too..." pag-iyak ko at wala na akong pake kung punong-puno na ng luha ang mukha ko. 

Wala na rin akong pake kung naririnig akong ganito ni Defuerzo. Okay lang na ilabas ko yung weak side ko sakanya kasi he will not judge me, ganyan yung nararamdaman ko kapag kausap ko na siya. 

"I don't want to be an architect, Defuerzo. Ayaw ko. 3rd year na ako pero bakit hindi pa rin nila magawang maging proud sa akin?" 

Tumingala ako. 

"Hindi ba nakakaproud yung mga ginagawa ko? Gusto ko maging best daughter sakanila pero bakit hindi nila mapansin 'yon."

Nananahimik kaming dalawa at maya-maya pa ay nakarinig ako ng pagstrum ng gitara. 

"So lay now
Hear me all through the night
There's no teardrop
You can count on me tonight
Or I'll stay up with you."

Lalong bumuhos ang luha ko. His voice. His serene voice. 

"Baby it's alright

I'll be right by your side

No need to cry out loud
Nothing to cry about
Baby it's alright
I'll be just by your side
I'll keep you on my sight
I'll never leave 'til you sleep tonight."

"I'm sorry hindi ako magaling mag-advice kaya I sang a song na lang." Mahina ang boses nito kaya napangiti ako

I lowly chuckled. "I just need someone to listen to my endless rants and drama."

"Nandito ako. Makikinig ako. Kahit mga kwento mo pa 'yan, makikinig ako." 

Nagsimula na naman tumulo ang luha ko. I'm so lucky. Ang swerte swerte ko na nakilala ko siya. 

Mahal kita, Defuerzo. Kahit walang kasiguraduhan na mahal mo rin ako.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now