2-The Book

207 18 0
                                    

Nirerecord ng lima ang bawat madaanan nila. Naririnig sa buong lobby ang bawat yabag ng mga paa nila kaya kinikilabutan na si Stell.

They decided to turned right.

"Section A" basa ni Ken sa nakasulat sa taas ng room.

"Pre! Ito room ng mga matatalino" natatawang sabi ni Josh habang pinapakita sa video ang nakasulat.

"Diba kapag college, hindi naman binebase sa talino ang sectioning?" Curious na tanong ni Justin. Nagkibit balikat lang ang apat. Tinry buksan ni Ken ang room pero nakalock ito.

"Anobayan! Nakalock ba lahat ng rooms? Di exciting"

Dineretso nila ang hallway at bawat room na madaanan nila ay tinatry ni Ken buksan pero nakalock ang mga ito. Nasa dulo na sila kung saan nagdudugtong itong way na dinaanan nila at sa kabilang daan kanina.

"Nandito yung mga locker oh" turo ni Pau nang matamaan ng flashlight nya ang mga lockers. Binuksan ni Ken ang mga lockers pero nakalock parin ang mga ito.

"Wala man lang kaexcite excite tong pinaggagagawa natin" nakasimangot na si Ken dahil hindi man lang sila makapagbukas ng kahit isang room at locker.

"Dapat pala hiningi natin lahat ng susi dun sa matanda eh" dagdag pa nito kaya natawa si Josh.

"Uhm guys?" Nabaling ang tingin nila kay Stell na nakatutok sa malayo ang flashlight. Nilingon sila nito at saka may itinuro. "parang may nakita ako doon, dumaan" nanginginig na ang boses nito at napalapit agad sa apat.

"Anong dumaan? Tao?" Tanong ni Pau na naglakad papunta sa direksyon na itinuro ni Stell. "Hoy Pau wag na! Anino lang yung nakita ko"

"Anino?" Tanong ni Josh at saka sumunod kay Pau. Papunta na sila sa direksyon na yon kaya hinatak ni Ken at Jah si Stell para sumunod sa dalawa.

Itinututok nila ang mga flashlight nila sa paligid at kabang kaba at pawis na pawis na si Stell sa takot. "Wala naman?" Rinig nilang sabi ni Josh na nauunang maglakad.

Napahiwalay kaagad si Ken at tinry na buksan ang mga pinto ng rooms na nadadaanan nila. "Sarado"

Nakarating sila ulit sa lobby ng univ. "Umikot lang pala tayo eh. Tara sa 2nd floor!" Aya ni Ken at nauna nang maglakad sa hagdan sa gitna ng lobby.

"Jah, seryoso ako. May anino akong nakita kanina" bulong ni Stell sa katabi nya kaya tinapik tapik sya nito sa balikat. "Baka guni guni mo lang. Wag ka kasi masyadong mag isip."

Nanahimik nalang si Stell at paulit ulit nyang sinasabi sa isip nyang guni guni nya lang yon at namamalik mata lang talaga sya.

"Try ko ba buksan lahat?" Tanong ni Ken sabay tutok ng flashlight sa mga kaibigan nya. "Ano ba yan Ken! Nakakasilaw!" Reklamo ni Josh na umalingawngaw sa buong building.

Tumatawa si Ken na nilapitan ang bawat room at napapamura nalang sa isip dahil wala ni isa ang bukas. "Nagpunta ba tayo dito para lang magbukas ng room na sarado?"

"Tara nalang sa mga labs sa taas" aya ni Pau na sinang ayunan ng tatlo. Tahimik lang si Stell na finaflashlightan ang loob ng mga rooms. Napapatingin din sya sa likod dahil kinakabahan sya at baka may nakasunod na sakanila.

Blocked (SB19)Where stories live. Discover now