8-Steph

119 14 0
                                    

Stell's PoV

Naramdaman kong kinuha sakin ni Pau yung libro pero di na ko nagreklamo. Nakapikit lang ako at ang dami kong iniisip. Takot ako. Sobrang takot na takot ako sa mga nangyari kanina. Gusto ko nang umuwi

"Matulog ka na" rinig kong sabi Pau sa akin pero hindi ko nalang sya sinagot. Pagod na kong magsalita at mag isip.

"Kailangan mo nang matulog. Ikaw lang makakasagot sa lahat. Nasayo ang sagot" rinig ko pang sabi nya. Bakit naman nasakin ang sagot, Pau?

May kung anong humatak sakin sa antok. Napabiling ako paharap sa pader at tuluyan nang nagpahatak sa antok.

*****************

Halos kumabog ang dibdib ko nang may kumatok sa pinto. Wala pang 5:30. Hindi yun si kuya.

*Knock* *knock*

Paulit ulit yon at ayokong buksan. Natatakot na ko.

"Steph? Steph nandyan ka pa ba?" Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses na yun. Si tatay yon!

Agad kong binuksan ang pinto. Si tatay lang yung hindi nakikielam samin. Kapag nandon kami palagi sa library, hinahayaan nya kaming gawin ang gusto namin.

Nayakap ko sya agad. Di ko narin napigilan ang iyak ko dahil sa mga nangyayari. Hinatak ko sya papasok sa bahay at saka nilock ulit ang pinto.

"Hijo, tahan na" pag aalo nya sa akin. Unti unti ko nalang kinalma ang sarili ko. Ang tagal kasi ni kuya! Sabi nya uuwi sya agad pagtapos ng duty nya sa istasyon ng pulis.

"Anong nangyari sa mga teachers, tay? P-patay na b-ba talaga s-si-sila?"

Walang emosyon ang mukha nya. Nakatitig lang sya sakin. "Tay"

"Steph. Naipon mo ba yung mga ebidensya nyo?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong nya. Paano nya nalaman? Hindi namin sinasabi sa iba!

"Naririnig ko kayo lagi sa library. Sagutin mo ko, naipon mo ba?"

Nailing ako sa tanong nya. Hindi. Yung kay Paul lang ang nasakin.

"Nasan yung iba?!"

"Nasa mga kaibigan ko po. Nagkanya kanya kasi kami ng dala kanina dahil sa panic sa mga nangyari"

Hindi sya nakapagsalita agad. Nilapitan nya ako at saka hinimas ang likod ko. "Steph, wala na ang mga kaibigan mo. Wala na sila"

Ha? Paanong wala?

"Pinagpapatay na sila. Pati mga pamilya nila. Kailangan mo nung mga ebidensya na yan."

Hindi ko na alam gagawin ko. Wala na sila Paul? Si kuya, ang tagal dumating. Anong gagawin ko? Ang gulo na ng isip ko.

Hindi na pumapasok sa utak ko lahat ng sinabi ni tatay.

Napatayo ako at saka ko hinablot ang pag ni Paul at bag ko. Binuksan ko ang pinto at saka naglakad palabas.

"Steph! Delikado! Bumalik ka dito!"

Blocked (SB19)Where stories live. Discover now