9-Evidences

120 11 0
                                    

Third person's PoV

Lumabas ng malaking gate ang lima. Hindi nila alam ang uunahin kaya nagpasyang maunang maglakad si Ken na sinundan din naman agad ng apat. Nagsimula na ulit magrecord si Jah sa dala nyang camera. The world needs to know this story.

May isang oras silang naglalakad hanggang sa makarating sila sa isang bakanteng lote. Napalapit doon si Ken kaya nagkatinginan ang apat.

Yumuko sya at hinawakan ang isang pondasyon na dating tinatayuan ng bahay. "Dito bahay nila Kenneth"

Napakapit si Stell sa braso ni Jah dahil sa narinig. Malinis na ang paligid at hindi halatang tinayuan ng bahay dati kung walang pondasyon na makikita. "Dyan" sabi nya sabay turo sa tinatayuan ng apat.

"Dyan sila namatay ng papa nya" agad na napaurong ang apat dahil sa sinabi nya. "Wag ka namang manakot!" Reklamo ni Stell sakanya.

"Pre saan na yung evidence?" Tanong ni Josh kaya naglakad na padiretso si Ken. Sinundan lang ni Ken yung daan na nakita nya sa panaginip nya. Dumaan sila sa mapunong lugar at inabot ng ilang minuto bago tumigil si Ken.

"Dito gawi yun eh. May marka yung puno" sabi nya kaya agad nilang tiningnan lahat ng puno. Napahinto si Stell nang makakita ng puno na may marka.

"Ito ba?"

Napalapit ang apat sakanya. Kinilabutan silang lahat dahil sa markang nilagay ni Kenneth.

'Save us all'

Agad na naghukay si Ken at may nakapang isang maliit na bag.

Sumunod silang pumunta sa bahay dati nila Joshua. Napaiwas pa ng tingin si Josh nang makita ang lugar kung saan binugbog at binawian ng buhay ang binata sa panaginip nya. Hindi nalang sya nagsalita pero biglang umihip nang malakas ang hangin sa gawi na yon.

"Dyan yata yon. Wala kasing pondasyon yung bahay nila, sa lupa lang nakatayo" sabi nya kaya nagsimula silang maghukay sa iba ibang parte ng lugar na tinuro nya.

Inabot sila ng isang oras sa paghahanap at nakita rin naman nila.

Hawak na nila ang ibang ebidensya kaya napatingin silang lahat kay Stell. Napahinga ito ng malalim. "Balik tayo sa dorm"

Naguguluhan man, sumunod ang apat sakanya. Inabot na sila ng hapon sa paghahanap kaya 3pm na nang makabalik sila sa university.

Akala nila ay babalik na sila sa loob pero nagdirediretso si Stell papunta sa likod ng building ng dorm. Diniretso nila yon hanggang sa huminto ito.

"Tumalon si Steph sa bintana para masave yung mga evidence"

"Ha?!" - Jah

Napatango tango si Stell at itinuro ang saktong binagsakan ni Steph. Napatingala sya at itinuro ang taas. "Dun sya galing",

"Hindi sya pinatay?" - Pau

"Hindi. Tumalon sya" - Stell

"Ibig sabihi--" - Ken

Tumango si Stell kahit hindi pa ito tapos magsalita. "Nawalan sya ng pag-asa nung nalaman nyang wala na yung mga kaibigan nya. He jumped. Pero itinago nya yung mga ebidensya. Inaasahan nilang may makakakita ng mga yon balang araw." He smiled and looked up.

Blocked (SB19)Where stories live. Discover now