10-Truth

197 22 6
                                    

Pau's PoV

Nakasakay na kami sa kotse at ini-start ko na ang makina. Bago ako lumiko para mag u-turn, tiningan ko pa ang building at ang dorm building sa gilid. Dorm pala yun ng mga teachers. Akala namin, para sa mga students.

"Sasabihin ko sanang ang weird pero wag nalang" sabi ni Jah na nakaupo sa likod. Tiningnan ko sya gamit ang salamin sa harap ko. "Bakit weird?" Tanong ni Ken.

"Pumunta kasi tayo dito, rough road eh." Sagot ni Justin kaya napangiti ako. Oo nga. Umaalog alog na kami sa sasakyan kahapon pagpunta namin tsaka nagkanda ligaw ligaw kami para lang makita tong kinaroroonan ng university tapos ngayon, dirediretso lang at nakasimento ang daan.

Weird nga siguro kung iisipin ng iba pero para samin na mas weird pa ang naranasan, hindi na kami nagulat.

Smooth ang byahe namin at 3 hours lang ang inabot. Dala dala namin lahat ng nakuha namin doon at bukas na bukas, ipapatest namin sa lab lahat ng to.

Natulog ang mga kasama ko sa byahe. Kapag talaga nakarating kami sa unit natin, matutulog ako!

---

Josh's PoV

Pagdating namin sa unit namin, nagkanya kanya na kami. Dumiretso si Jah sa kwarto nya, ganon din si Ken at Pau. Si Stell, naupo sa sofa kaya umupo ako sa tabi nya.

"Ayos ka lang?"

Napatingin sya sakin, ngumiti at tumango. "hmm. Iniisip ko lang, ano kayang nangyari?"

Tinapik ko sya sa balikat at saka tumayo na. Matutulog din ako. Alas otso na eh. "Magpahinga ka narin. Bukas na natin isipin yan"

Pagpasok ko sa kwarto ko, napahilata ako agad sa kama. Naalala ko bigla si Joshua.

I toon my phone from my pocket and dialed tita. "Oh Josh. Nakauwi na kayo?"

"Kamusta kayo ni Jay, tita?"

"Haynako yung kapatid mo puro drawing sa pader" reklamo nya kaya natawa ako. Parehas kami ni Joshua may kapatid pero lalaki yung kapatid ko.

"Nangamusta lang ako, tita. Uuwi ako dyan pagtapos ng mga gagawin namin."

"Kuyaaaa! Kuya magaling na ko magdrawing!"

I laughed. "Sabi nga ni tita. Sa sobrang galing mo, pati pader, drinawingan mo no? Hahaha"

Pagkatapos naming mag-usap, nagpahinga narin ako agad. Hindi na kami kakain kasi wala rin namang magvovolunteer magluto. Bukas na.

---

Ken's PoV

Napadilat ako nang mag alarm ang phone ko. Kakapikit ko lang, 7am na agad?! -_-

Bumangon ako para patayin ang alarm at saka nahiga ulit. Antok pa ko

"KEEEEEEEN" Napadilat ako bigla at pumikit ulit. Si Jah lang pala. Ah okay

May umalog alog sakin kaya napatakip ako ng unan sa mukha. "Gisiiiiiiing!"

Blocked (SB19)Where stories live. Discover now