6-Joshua

117 13 0
                                    

Josh's PoV

Nakatitig lang ako sa likod ng kutson sa taas ko. Gusto ko na talagang matulog pero ayaw akong dalawin agad ng antok.

Kailangan ko pang tumunganga ng matagal bago ako makatulog.

Hindi ko maiwasang maalala yung sinabi nung matandang caretaker kanina. Ano yung magigising? Bakit kailangan naming matulog bago mag3am?

Wala namang nangyayari sakin ngayon eh. Malapit na ngang mag medya. Paano ko madudugtong yung nangyari samin kanina? Wala nang kasunod. Anong nangyari pagkatapos mamatay ng mga teachers at magtakbuhan palabas yung limang students?

Bigla akong dinalaw ng antok. 3:30am na.

***************

Tumatakbo akong pumasok sa loob ng bahay namin at umaktong normal na papasok. Napatingin sa akin ang kapatid kong babae kaya tumakbo sya para salubungin ako.

"Kuyaaaa. Tingnan mo drawing ko oh. Pwede na ko magschool sa susunod na taon sabi ni tita" napatingin ako sa tita namin at saka nya ako tinanguan.

"Ang galing mo naman! Teka magbibihis lang si kuya" paalam ko sakanya pero bago ako pumasok sa kwarto, sinarado ko ang pinto. Sigurado akong walang nakasunod sakin pero mas mabuti na yung nakakasigurado.

Kinalkal ko agad ang bag ko at saka nilabas ang lipstick at maliit na bote na lalagyan yata ng gamot. Hindi ko alam to pero mamaya, malalaman ko kapag pumunta na kami kila Pau.

Sinara ko agad ang pinto ng kwarto para magbihis. Ano nang mangyayari sa pag aaral namin? Irereport na talaga namin to sa mga pulis kapag wala parin silang alam sa nangyari kanina sa campus. Imposibleng hindi parin malabas ang nangyayari sa university! Ang dami nang namatay! Lahat na ng teacher! Imposible talagang maitago pa yun ng mga nasa likod nito sa mga pulis.

Napahinto ako sa pagbukas nang pinto nang may marinig akong yabag ng mga paa mula sa labas. Pinakiramdaman ko lang sandali at muntik na kong atakihin sa puso dahil sa biglang kumatok sa bintana ng kwarto ko. Dahan dahan ko yong binuksan. Si Just!

"Joshua! Huy!" Agad akong napatingin at lumapit. "Uy bakit?"

Napatingin sya sa gilid nya at mukhang kinabahan. Namumula mata nya. Bakit ano bang nangyari? Tsaka bakit sya nandito? Nanunundo na ba sya? Pupunta na kami nila Paul?

"Joshua, makinig kang mabuti. Itakas mo ang pamilya mo. Nasa labas na sila ng bahay nyo." Mabilis nyang sabi na halos hindi ko na maintindihan. May kinuha sya sa bulsa nya at tumambad sa mukha ko ang mga ebidensya namin. Bakit?! Inabot nya yon sakin kaya tinanggap ko kahit naguguluhan ako.

"Yan na yung mga ebidensya na nasa akin. Itago mo--"

"Nandito yung isang nakatakas!!!" Napalingon ako sa gilid nang biglang tumakbo si Just. Sht! Sht! Agad kong sinara ang binata ko lumabas ng kwarto.

"Tita! Tita tumakbo kayo sa likod. Itakas mo si Jen. Please tita, mag iingat kayo!" Binubulong ko lang to pero rinig na rinig nya. Kahit hindi pa alam ni tita ang nangyayari, binuhat nya ang kapatid ko palabas sa likod. Nang masigurado ko nang malayo na sila, inilock ko agad ang pinto ng kwarto ko.

Naghukay ako. Hindi sementado ang kwarto ko kaya lupa lang itong tinatapakan ko. Naghukay ako at nanginginig na nang marinig kong sinisipa na nila ang pinto ng bahay. Naghukay ako ng mabilis at saka ibinaon doon lahat ng ebidensyang hawak ko at ang mga binigay ni Just.

Pwede naman akong sumuko. Pwede kong ibalik itong mga to sakanila kung ito man yung gusto nila pero kasi hindi ko alam kung magiging safe pa ba kami. Tulad ngayon, pinasok kami dito sa bahay. Tumatakbo si Just kanina, ibig sabihin may marama ring nangyari sakanya.

Kahit ibalik ko to, mapapahamak parin ako. Mas pipiliin ko nalang mabaon to dito at makita ng iba kesa maitago nanaman nila ang mga ginagawa nilang kababalaghan sa campus!

Nang matabunan ko ng maayos, itinumba ko ang mga lalagyan ko ng damit sa lupa. Basta dapat hindi mapansin yon.

Lalong kumabog ang dibdib ko nang simulan nilang pagsisipain itong pinto ng kwarto ko. Binuksan ko ang bintana at doon lumabas. Napatingin ako sa kaliwa at naaninag doon sila tita at kapatid ko.

Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Hindi sila pwedeng makita. Hindi rin pwedeng makita yung mga binaon ko. Shit! Bahala na!

"Dito!! Habulin nyo ko!" Sigaw ko kaya rinig kong napahinto ang ingay sa loob at saka ako tumakbo sa kabilang direksyon kung saan tumakbo sila tita.

Napapikit lang ako habang tumatakbo. Nasa isip ko lang na dapat ko silang mailayo kila tita. Okay lang ako, wag lang sila.

Lumiko ako sa isang maputik na daan at nadulas nang bigla akong salubungin ng isang lalaki ng saksak. Bigla nalang tumulo ang luha ko sa sakit. Hangga't maaari tinatapangan ko ang loob ko. Pero nanghina ako bigla nang makita ang kutsilyong nakatusok sa balikat ko.

Naabutan ako ng mga lalaking humahabol sa akin. Nakatayo lang yumg lalaking sumaksak sa akin sa tapat ko. Hinawakan ng dalawa ang mga kamay ko at saka inilahad ang kamay nya. "Nasan na?"

"P*tangina nyo mabubulok kayo sa kulungan!"

Sinapak ako bigla nung isa kaya napangiwi ako sa sakit. Sinisipa ako ng isa sa tagiliran at tinapakan naman ako ng isa sa tyan. Hindi ko na kaya yung sakit. Hindi narin ako makakita ng maayos dahil sa putik na nagkalat na sa mata ko.

Ang tagal nila akong binubugbog at sobrang hinang hina na ang katawam ko. Hindi ko na kayang kumilos.

"Nakita na namin yung dalawa" gusto kong tumingin sa nagsasalita pero hindi ako makakita. Puta sinong dalawa yung tinutukoy nya?!

"Nasunog na namin yung bahay. Nailagay narin namin yung bata at babae sa loob"

Shit! Bwisit! Lahat na ng mura nagawa ko na sa isip ko! Hindi ako makalaban!

Hindi ako makapagsalita

"Patayin nyo na nga yan. Wala namang balak magsalita"

****************

Napabalikwas ako sa higaan ko at nagising lalo ang diwa nang mauntog ako sa deck. Parang sumasakit din yung katawan ko dahil sa panaginip ko! Parang nasusuka ako na ewan!

Mabilis kong kinuha ang bottled water sa lamesa sa gilid at saka yun ininom. Punyetang panaginip yan ang sakit sa katawan! Ang sakit sa ulo!

"Anong ibig sabihin nun? Nahabol yung tita at kapatid ni Joshua?"

Hindi ko napigilang sapukin ang sarili ko. Ako ba si Joshua? Bakit ko ba sya napanaginipan?

"Namatay yung tita at kapatid nya? Tapos pinatay din sya pagkatapos bugbugin?!"

Uminom ulit ako ng tubig. Napatingin ako sa orasan 6:30am na pala!

"Oo. Balikan nyo yung ebidensya"

P*tangina ano yon?!

Blocked (SB19)Where stories live. Discover now