3-Deaths

167 13 0
                                    

"Huli na to. Wala na kong maririnig mula sainyo tungkol dyan" pagkaalis ng teacher, napahinga silang lima ng maluwag.

"Doble ingat tayo" pagpapaalala ni Joshua kaya tumango ang apat nyang kaibigan.

9:15am napagpasyahan nilang pumunta sa cafeteria dahil hindi pa sila nag uumagahan. Lumabas sila ng building at tahimik na nagmanman sa paligid. "Walang dapat pagkatiwalaan sa university na to" bulong ni Paul kay Steph na agad naman nitong tinanguan.

"Yung mga teachers, sila yung nababawasan isa isa pero bakit sila pa yung nagbabawal na pag usapan?" Sagot nito kaya napalapit din si Kenneth.

"Hindi kaya sila natatakot? Isa isa silang nawawalan ng katrabaho. Kung ano sakanila, magresign na sila" - Kenneth

Pagdating nila sa cafeteria, naghanap sila agad ng mauupuan. Nagpalibot libot ang tingin nila matapos nilang kumuha ng pagkain.

"Hindi ba sumagi sa isip nyo na teacher din may pakana nito? Alam kaya nung ibang teacher?" Bulong ni Just kaya napatango si Joshua.

"Aware naman siguro sila. May isang buwan narin tayong nagiimbestiga eh. Pero masama talaga kutob ko ngayong araw"

Magsasalita pa sana si Paul nang biglang makarinig sila ng sigawan. "Ma'am! Ma'am!" Napatayo silang lima sa gulat nang may tumakbo papasok ng cafeteria kasunod ng ilang students.

"Tubig! T-tub--" hindi pa man natatapos sa pagsigaw ang teacher, bumagsak sya sa sahig. Pinagkumpulan sya ng mga students at pati si Kenneth ay nakiusyoso narin.

"Ma'am! Ma'am" umiiyak ang mga students nang mapansing wala nang buhay ang guro.

Nagsitindigan ang mga balahibo nila nang tumatakbo si Kenneth na bumalik sa table "patay na si ma'am Sanchez!"

Tila normal na ang lahat dahil itinakbo na palabas ang guro at nagsibalikan na sa pagkain ang mga students habang pinag uusapan nanaman ang nangyari.

Wala man lang nagpanic at hindi man lang sila natakot.

Normal na kasi. At ang mga mawawala lang mula nung isang buwan ay puro teachers.

"Hindi na tama to" wika ni Just matapos ang mahabang katahimikan sa table nila. Hindi nila tinuloy ang pagkain, lumabas sila ng cafeteria at nagtanong tanong sa mga students kung saan galing ang teacher.

"Sa faculty room. Doon sya galing. Nagsuka sya bigla tapos tumatakbo papunta dito para manghingi ng tubig"

Nagkatinginan ang lima at saka na naglakad papasok ulit ng building. "Sa faculty room sya galing? Third floor pa yun! Bakit sa cafeteria sya pupunta?" - Paul

"Kailangan pa nyang bumaba galing sa third floor at lumabas papunta sa cafeteria para lang manghingi ng tubig? Ang layo!" - Kenneth

"Exactly. Yun ang tanong. Bakit?" - Just

Nakarating silang lima sa 3rd floor kung nasaan ng mga faculty rooms. Science teacher yung namatay kanina kaya sa faculty room ng mga science teacher sila kumatok.

Blocked (SB19)Where stories live. Discover now