5-Just

130 15 0
                                    

Justin's PoV

I calm myself before ko ipikit ang mata ko. Sobrang daming pumapasok sa isip ko right now. Ang dami kong questions about sa nangyari kanina.

Nakatulog ba kami sa library? Natatandaan ko humangin ng malakas at nandilim ang paningin namin. Pagdilat namin, maliwanag na. After what happened, we ran palabas after kumuha ng evidence tapos everything went black ulit. Pagdilat namin, madilim na.

Pinaglalaruan ba kami?

Napapikit ako bigla nang maalala yung matanda kanina pagdating namin. Sya yung matanda sa library. Ang gulo gulo!

I need to sleep! It's already 3:30am

*************

3:30pm

Pagkatapos naming maghiwahiwalay ng daan nila Paul, hindi ako huminto hanggang sa makarating ako sa bahay.  Sinarado ko agad ang pinto at saka yun nilock.

"Oh nak, buti naman maaga kayo nakauwi?" Bungad sa akin ni mama kaya agad ko syang niyakap. Mukhang nagulat naman sya pero tinapik tapik nya din ang likod ko. Yan. Kumakalma ako kapag niyayakap ako ni mama. Parang nawawala ang pagpapanic ko.

"Bakit nak? May problema ka ba?" Tanong nya kaya umiling iling ako. Hinding hindi ko hahayaang madamay si mama sa pinasok kong gulo. Tahimik lang naman kaming nagiimbestiga. Kaya hindi naman siguro nila alam.

"Gumawa ako ng miryenda dyan, gusto mo matikman?" Tinanguan ko sya at saka na kami bumitaw sa yakap. Kabado parin ako pero nabawasan dahil sakanya.

Sinilip ko muna ang labas mula sa bintana. Mukhang wala namang nakasunod sa akin pero inayos ko lahat ng kurtina namin para matakpan lahat ng pwedeng silipan.

Pumasok ako sandali sa kwarto para magbihis. Anong oras kaya kami magkikita kita nila Paul? Tsaka ano kaya yung sasabihin ni Kenneth sa akin kanina? Ano kaya yung hinala nya?

"Just, nak. Gusto mo juice?" Sigaw ni mama mula sa kusina. "Opo ma! Salamat!"

Sana naman matapos na to. Paano pa kami papasok bukas? Paano kami mag aaral eh wala na yung mga teacher namin. Hindi ko mapigilang hindi titigan ang sarili ko sa salamin. Makakaya ko kaya kapag nalaman ko yung totoo? Bigla kong naalala yung bag ko.

Napatakbo ako agad doon at saka yun binuksan. Panyo, kutsilyo at lighter ang nakuha kong ebidensya mula sa locker ko. Binalot ko sa makapal na papel ang kutsilyo at saka ibinulsa kasama ang panyo at lighter. Dadalhin ko to lahat sa bahay nila Pau mamaya pagkatapos ng miryenda.

"Sandaleee" sigaw ni mama kaya napatigil ako sa pag aayos ng gamit. "Ma? Bakit?"

"Ah kasi may kumakatok sa pinto" sabi nya kaya nanlaki ang mata ko. May nakasunod ba sakin? Sino yon? Sila Kenneth ba? Si Steph? Joshua? Paul?

Napatakbo ako palabas ng kwarto para sana pigilan si mama pero huli na ang lahat. Nabuksan na nya ang pinto kasabay non, kitang kita ko si mama na bumagsak at kumalat ang dugo sa sahig.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at napatingin sa mga lalaki na papalapit na sa akin. Nahawakan ko ang bagay na pinakamalapit sa akin, yung radyo namin. Hinagis ko sakanila yon sabay takbo papunta sa pintuan namin sa likod. May hawak silang mga kutsilyo.

Hindi ko na alam ang uunahin ko! Tatakbo ba ako o babalikan ko si mama. Ano bang nangyayari? Akala ko ba walang may alam na nagiimbestiga kami?

Halos madapa dapa na ko kakatakbo. Kailangan kong pumunta kila Joshua. Doon na muna ako. Bahay nila ang pinakamalapit sa amin kaya sya ang una  kong pwedeng lapitan.

Pero paano kung pinuntahan din pala sya? Yung mama ko iniwan ko sa bahay!

Pagdating ko sa bahay nila Joshua, napatago ako agad sa gilid kasi may mga tumatakbong lalaki palapit sa bahay nila. Hindi pwede! Kailangan ko silang maitakas. Kailangan kong mailigtas ang pamilya nya!

Sumilip ako kaagad sa bintana ng kwarto nya. "Joshua! Huy!" Agad syang napatingin sa akin at lumapit. "Uy bakit?"

Magsasalita na sana ako nang may mahagip akong lalaking papunta sa gawi ko. "Joshua, makinig kang mabuti. Itakas mo ang pamilya mo. Nasa labas na sila ng bahay nyo." Mabilis kong bilin sakanya sabay kuha ng mga ebidensya mula sa bulsa ko. "Yan na yung mga ebidensya na nasa akin. Itago m--"

"Nandito yung isang nakatakas!!!" Sigaw ng lalaking nakaitim kaya napatakbo ako agad. Naiiyak na ko. hindi ko na kayang pigilan.

Alam ko naalarma narin si Joshua dahil agad nyang sinarado ang bintana ng kwarto nya. Tumakbo ako hanggang sa kung saan ako dalhin ng mga paa ko.

Napaupo ako agad nang maramdaman ang pagmamanhid ng kanang paa ko. Pagtingin ko, ang daming dugo. Sobrang daming dugo. Pero itinuloy ko ang pagtakbo kahit masakit.

Hindi ko na maramdaman yung mga paa ko. Hindi narin ako mapigil sa pag iyak sa kaba at sakit. Halos gumapang na ko pabalik sa bahay dahil kailangan kong balikan si mama.

Sobrang dumi ng damit ko dahil sa paggapang ko pero wala akong pakielam. Nandito si mama sa tapat ng pinto namin at punong puno ng dugo ang sahig. Niyakap ko sya.

"Ma" yun lang ang nasabi ko habang hinahayaan ko ang ingay sa labas. Maraming lalaki sa labas. Meron silang ginagawa pero wala na kong pakielam. Wala na ang mama ko. Hinang hina na ko at manhid na manhid na ang katawan ko.

Napaubo ako habang nanghihinang yakap ang mama ko. Nag aapoy na sa paligid namin pero hindi na talaga ako makakilos. Pakiramdam ko wala na kong dugo sa katawan. Pakiramdam ko talaga ito na yung katapusan ko.

Ramdam ko yung init at sakit ng katawan pero okay lang. Sana nakatakas sila Joshua. Sana malutas yung misteryong patayan sa campus. Sana hindi masayang yung mga buhay na nawala.

Hindi ko na kayang huminga dahil sa usok. Nandidilim narin ang mga mata ko.

*************

Napasinghot ako at naghabol ng hininga pagkadilat ko. Napaupo pa ako dahil sa hirap kong huminga.

What was that? Anong nangyari? Is that the continuation of what happened to us kanina? Did...did Just died like that?

Lumilipad ang utak ko. Napagdugtong dugtong ko lahat sa utak ko. Lahat lahat.

"Just...Just died like that? Namatay sya sa sunog na kagagawan ng mga lalaki na yon? He saw her mom killed? Namatay sya habang yakap ang mama nya?" Hindi ko mapigilan ang luha ko dahil doon. Hindi ko kakayaning mawala ang mama ko at mas lalong hindi ko kakayaning makita syang mamatay ng ganon.

I wiped my tears at tumingin sa oras. It's already 6:30am.

"Yes"

Nanindig ang mga balahibo ko nang makarinig ako ng boses. Nababaliw na ba ko? Sinasagot ko ba sarili ko? Boses ko yon!

"Yes I am"

I looked at the wall. Ohmygosh

Blocked (SB19)Where stories live. Discover now