Chapter 26

1.6K 143 24
                                    

IVO'S POV


"May masakit ba? Nahihilo ka ba? You want to eat something?"





Marahan lang akong umiling sa lahat ng tanong na iyon ng OB ko. I don't like to eat. Wala akong gana. Hindi rin ako gutom. Wala akong nararamdaman physically, but emotionally hindi ko alam. Masakit na parang hindi. Feeling ko nga nakalutang ako eh. Hindi ko halos maramdaman o maiproseso sa utak ko ang mga nangyayari sa paligid ko. I can see them, I can recognize them pero it was like nothing to me.





Panay ang buka ng bibig ng OB ko pero wala na akong narinig sa mga sinasabi nya. Nakikita ko lang ang paggalaw ng bibig nya pero hindi ko marinig ang kanyang boses. Multo na ba ako? O baka naman nakahiwalay na nag kaluluwa ko sa aking katawan. Kaluluwa ko yung nakatingin ngayon sa OB kaya wala kong marinig.







Whatever, I don't really care. Mas gusto ko yung ganito, nag-iisa, wala akong marinig, tipong I don't exist. Masarap sa pakiramdam ang ganito.







Nang makaalis yung OB agad na lumapit sa akin si mommy. Halata sa mukha nya ang pag-aalaa. He hold my hand. Ramdam ko iyong kamay nya kaya napatingin ako doon saglit. It's warm but it's not enough to remove the coldness I feeling right now.







Alam ko may mga sinasabi sya. Umiiyak sya, alam ko kahit na hind ako nakatingin sa mukha nya. His hand is trembling. That's enough proof that he is crying and saying something. Inalis ko ang aking tingin sa kamay ni mommy at binaling iyon sa bintana. The sun is shinning brightly outside. Parang ang sayang lumabas at magbilad. Parang gusto ko lumabas pero kasi hindi ko maramdaman ang katawan ko.









Kahapon pa ako gising eh, kaso ayaw nila ako pauwiin. Dito lang daw ako sa hospital dahil kailangan ko maobserbahan. Hinayaan ko nalang sila, trip nila yan eh.









Ano nga yung nangyari? Bakit nasa ospital ako? Ah right, I saw Slater with other girl name Aya on the tv. The girl said that he is Slater future-wife and they will get married next week. Ang cute nya magbiro sa totoo lang. Tapos ang cute din kasi sumang-ayon si Slater sa mga sinasabi nung Aya. Ang cute ng joke nila. Sa sobrang cute gusto ko pilipitin ang kanilang leeg, lalo na yung Aya.









Ambisyosa sya masyado eh. Ako yung mahal ni Slater. Magkakaanak na nga kami eh. He is also my fiancee tapos aangkinin nya. Baliw ba sya?







And Slater. Bakit umoo lang sya doon sa sinabi ng babae? AT bakit andito sya? DIba nasa Australia sya? Impossibleng hindi sya yun. Pwede nila malinlang ang mata ko pero hindi ang puso ko. Anong kalokohan ito? Anong kagaguhan ang nagaganap?









Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. I remove my IV tsaka ako bumaba ng kama. Muntik na akong mabuwal dahil hind ko maramdaman ang aking paa. Someone catch me, but I push him or her away from me. May gusto akong gawin. I need some clarification. Ayaw ko ng ganito na para akong nakalutang sa ere na walang alam sa nangyayari.







Slater never contact me since he went to Australia. Tanging si kuya at Stix lang ang kinokontak nya. Kahapon lang nya ako kinausap and he is asking for my trust to him. He is saying na kahit anong makita at marinig ko ay wag ko papaniwalaan. Tapos ganito. Makikita ko sya sa tv, with the other girl announcing their wedding. I need an explanation. Karapatan ko naman siguro yun diba?









"PRIMITIVO JOSE!" Isang sampal ang parang nagdala sa akin sa reyalidad. I saw mommy crying in front of me, holding me firmly. "Baby, andito naman kami eh. Please kahit para sa akin at sa baby mo." Umiiyak na sabi ni mommy.







I Love You My Mr. GeniusWhere stories live. Discover now