Chapter 28

1.7K 135 17
                                    

STIX POV





"Kuya Ivo, kunwari ikaw si nanay Iska ang reynang serena."







"Jusko bakit ang pangit ng pangalan?"







"Malay ko po. Yun yung binigay ng direktor eh na name doon sa drama eh. Tanungin mo nalang sya."







"Oo nga no? Sige maya tanong ko."







Napailing nalang ako. Kahit kailan talaga ito si Ivo, sabog. Madalas talaga ng utak nya pangbata. But that make him innocent and cute.







Tatlong araw na kami dito sa probinsya ni mama. May rest house sya dito na ang sabi nya sa akin noon ay bigay sa kanya ni papa. It was already under my name at dito ko dinala si Ivo. Tahimik kasi dito at sariwa ang hangin. It's good for a pregnant like him.







Sa loob ng tatlong araw, hindi ko inalis ang paningin ko kay Ivo. I was scared na baka bigla nalang syang magpakalunod sa dagat. Napalapit lang ng rest house sa dagat. Ivo is suicidal, kya hindi ko talaga inalis ang tingin ko sa kanya. So far, okay naman sya. He is smiling kahit hindi ang mata nya. He is fine. I think he is try to fix himself para sa anak nya which is good.







These past days mga bata ang kalaro nya palagi. Yung mga anak ng kapitbahay namin ang madalas nyang kasama sa tabing dagat. Madalas nya din patulan ang mga bata. Lagi nya pinapaiyak ang mga ito. Buti nalang at hindi sya inaaway ng mga magulang ng bata. They know Ivo's situation and I'm happy na hindi nila ito hinusgahan dahil doon.







Medyo tumaba din sya. Sabagay, sinong hindi, eh sagana kami sa pagkain palagi. Lagi syang binibigyan ng kung ano-anong pagkain ng kapitbahay namin. Katulad ngayon, kumakain sya ng suman habang nakikipaglaro. May nagbigay din kanina na ginataang alimango sa kalabasa at sitaw. Luckily, walang allergy si Ivo sa pagkain. Hindi rin sya naghahanap ng kung ano-ano maliban kanina paggising nya. Pinapahanap nya sa akin si Nemo at Dory kasi aalagaan nya daw. Gusto din nya mag-alaga ng baka daw na kulay blue. Muntik ko na talaga sya makutusan kanina sa mga trip nya. Kung di ko lang talaga sya buntis, ewan ko nalang.







"Bakit sya tinititgan mo ng ganyan. bakit ako hindi?"







Hindi ko na ibala ang sarili ko na lingunin ang lalaking tumabi sa akin. Amoy at boses nya lang ay kilala ko na. Lex came here last night. Hindi naman ako nagtaka paano nya nalaman kung nasaan kami. He is a Sinclair for nothing.







"Kumain ka na ba?" Pag-iiba ko ng usapan. Alam ko na kakagising nya lang. Pinuyat sya ni Ivo kagabi sa panunuod ng Sailormoon. Ayaw kasi ni Ivo na manuod mag-isa. Sumama kasi ako kagabi na mangisda kina Mang Tasyo kaya si Lex ang pinilit nya.







"Hindi pa. Gusto ko kasi subuan mo ako."







"Sige ba, basta puputulin ko yang kamay mo." Nilingon ko sya at sinamaan ng tingin.







"Bakit ba nag sama mo sa akin?"







"Kasi pabebe ka."







Napapitlag ako ng bigla yumakap ang braso nya sa bewang ko at hinigit ako papalapit sa kanya.







 "Sayo lang naman eh." Pabulong nyang sabi.







"Bumitaw ka Lex kundi puputulin ko yang kamay mo!" Inis na sabi ko.







"Pag pinutol mo yan, wala ng yayakap sayo."









I Love You My Mr. GeniusWhere stories live. Discover now