004

12 2 0
                                    

#CBTYBeingBooSeungkwanD4

Umagang-umaga pa lamang ay naghanda na kaagad si Seungcheol para mag-jogging lang muna sa labas.

Worn out na nga siya kagabi kaya nag-passed out na nga. Nahihiya na nga siya kay Vernon kasi siya na nga naghatid eh tinulugan pa niya. Hiling lang niya kapag nakawala na siya sa katawan ni Seungkwan ay maging sila na ni Vernon kasi deserve nila ang isa't-isa di ba?.

Tumatakbo lang siya nang di inaasahan ay nakita siya ni Jihoon na may dala-dalang almusal.

"It's time para gerahin na ang taong ito."bulong ni Jihoon saka nagmadaling harangin si Seungcheol habang nasa parke sila.

"Jihoon-ah,ang aga mo ah."aniya ni Cheol na parang wala ngang nangyari.

"Parang may nakakalimutan ka ah,ano itong nababalitaan ko na may naglagay sa akin na 2,000 & huh."

Napakamot tuloy si Seungcheol sa ulo,siya lang at si Seungkwan ang may access sa kanyang bank accounts. Kaya madaling naisend sa phone niya ang eksaktong amount.

"Sorry na Jihoon,kapalit iyan sa pagtulong mo sa akin. Tapos sabi mo di libre ito,kaya ginawa ko na. Nabatid ko kasi na may utang ka sa loanshark. I was just concern because you are my friend na rin."he says with a bit of pa-fall tone.

Tangina. Ayan na nga ba sinasabi niya mauuwi pa rin sa bestfriend lang ang tanging role niya sa life. Apakamanhid much ang hirap niyang mahalin sobra.

"Tsk fine tinatanggap ko na pero sa susunod kailangan mo dapat ng consent ko hindi yung basta basta ka na lang nagbibigay."he was kinda relief kasi wala nang aargabiyado pa sa kapatid sakaling tumulak siya sa ibang bansa.

Sa tingin niya tatagal siya ng taon doon sa Venice tapos iikutin nila buong Europe.

"I'm very sorry Jihoon,promise that I won't do it ever again. Babawi ako if I cause too much trouble to you."paghingi niya ng tawad sa kanyang ginawa.

Alam naman ni Jihoon sa sarili niya na hindi niya kailanman matitiis ang nakatatanda kaya ayun pinatawad na rin niya rupok masyado eh.

They continue to walk into the streets as the sun starts to rise towards them.

Nang ibaling niya ang tingin niya kay Jihoon para yayain siyang kumain.

"Breakfast na lang tayo?. Tutal ala-sais pa lang ng umaga."yaya niya sa kasama.

"Sige,bakit hindi?. Tsaka parating rin sina Chan at Jiwoo para sa kanila na sana itong breakfast na dala ko."

Marinig lang ang langalan ni Chan nagliwanag ang mukha ni Seungcheol halata naman na napalapit siya sa pamilya ni Jihoon. But not the same for Jihoon the Choi's barely know him.

"Namiss ko si Chan,naalala niya pa kaya ako?."nag-aalangan siya.

'Oo naman bukambibig kasi kita,saka 12 years old pa lang si Chan nun'

"Syempre. Ikaw pa eh ikaw kalaro niyan sa basketball sa kanto ikaw pa nga nagtuturo sa kanya. Kaya lang madalang na kasi tinulak niya ang sarili mag-aral sa medical school."kwento niya pa.

"Ahh. If I wake up for real,I will make a time to play with him. One on one at alam ko na may chance na siyang matalo ako magkasing height na kami eh!."tugon niya kaya nauwi ang lahat sa tawanan.

Nanumbalik ulit ang masaya nilang kwentuhan pagdating sa bahay nila ni Chan. At ayun na nga napagtanto na ni Seungcheol na parang di na siya nalulungkot kapag kasama niya si Jihoon.

Coming Back To You ♾ jicheol coupziTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon