Sabog # 31

15.9K 837 153
                                    

Lagpas na ng chapter 30 thanks God :)

***

[[[POV Angel]]]

Binasa ko yung mga binagay na tanong sakin ni Bakla pero wala pa ko sa kalahati ay nakatulog na agad ako, nakakatamad kayang magbasa.

"Girl gising na done na" Sabi sakin ni Cathy habang mahina niyang tinapik-tapik ang aking pisngi. Pagkamulat pa lang ng aking mapupungay na mata ay isang malutong na sampal agad ang sinalubong ko sa kanya. Anong karaatan niyang hawakan ang beautiful pisngi ko.

"Aray naman teh, nagnamagandang loob lang eh" Sabi niya habang hinihimas-himas ang kanyang pisngi. Tapos na akong ayusan kaya naman makakapagmaldita mode na ulit ako.

Inabot sakin ni Louie ang salamin habang nakatingin sa mukha ko, sana lang ay hindi ako magmukhang pokpok sa kanto dahil sa make up ko ngayon.

Tinignan ko na sa salamin ang aking sarili and masasabi kong perfect ang hitsura ko ngayon dahil nagmukha talaga akong Kontrabida. 

"Kabog mo ang maraming bakla sa school teh" Sabi ni bakla at nakipag-apir kay Cathy, para namang napakalaking achievement sa kanila na napaganda ako eh natural na kaya ang ganda ko.

I put my thing on my L.V. bag and alam ko sa sarili ko na dahil sa tulong ng mga walang kwenta kong kaibigan eh na-boost nila ang confidence ko.

I checked my watch and it's already 12:30PM it means na malapit ng magsimula ang contest, siguro ay nagche-checked na ng attendance yung baklang walang kasing itim ang batok.

***

"Ano ba 'yan Angel, pati ba naman sa actual contest late ka pa rin, naloloka ako sayo" Sabi ni bakla but I just rolled my eyes on him, habang naglalakad nga ako papasok dito sa school ay maraming mata ng mga kalalakihang mukhang paa ang nakatingin sa akin. Ang hirap talagang maging diyosa.

"Bago mo ko pagsabihan paputiin mo muna 'yang batok mong kasing itim ng imburnal, nag-i-sleep over ba d'yan ang mga peste sa bahay niyo?" Tanong ko sa kanya.

"Are you insulting me?" Sabi ni Bakla, oh diba nag-english ang batok na tinubuan ng mukha.

"I'm not insulting you, I just simply describing you" Sabi ko sa kanya bago siya iwan doon, anong akala niya? Hindi pa ipinapanganak ang taong tatalo sa kamalditahan ko.... Ay si Damon pala, trying hard na pantayan ang pagiging maldita ko.

Nakakaasar nga dahil dumarami na ang exposure ni Damon sa story ko eh, parang hindi na tuloy ako ang bida. Inaagawan niya na ako ng role.

Pumasok ako sa girl's dressing room para isuot ang dress na aking susuotin. Pagkapasok ko pa lamang ay nakatingin na agad si Venice panis wearing her black gothic dress. Kahit hindi ko pa suot ang aking dress ay mukhang kinakabahan na lahat ng mga babae rito, well mahirap nga namang banggain ang isang diyosa.

"Venice panis matutulala ka na lang ba d'yan? Na-threaten ka na ba?" I said and smirked on her, doon lang muli nabalik sa ulirat ang gaga

"Threaten? Kanino sayo? Nagpapatawa ka ba?" Sabi niya and rolled her eyes on me, as if na ikinaganda ng loka.

Naglakad na lang ako before magsalita ulit sa kanya, "Gothic dress? Sa tingin mo ba nagmumukha kang isa royal person kapag 'yan ang isinuot mo? Hindi, nagmumukha ka lang mutchacha ng sinaunang panahon"

Narinig ko ang ilang bungisngisan ng ibang kalahok dahil sa aking sinabi, well nakakatuwa naman talaga magsabi ng totoo sa mga taong malaki ang ego, hurting there ego's pissed them so much.

Noong matapos na ako magbihis ay chinecked ko ulit sa salamin kung ayos pa ang hitsura ko, kaloka kasing contest na 'to dahil tanghaling tapat ginanap. Hulasan talaga ng makeup ang labanan dito kaloka. Nagsuot din ako ng transparent na balabal to add some effects at dalagang filipina sa modernong panahon ang peg ko.

Kontrabida LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon