Sabog # 47

16.5K 729 39
                                    

[[[ POV Angel ]]]

Eto na ang huling araw ng lamay ni Cloud. Tatlong araw lang ang naging lamay ayon na rin sa kagustuhan ng kanyang magulang.

Sobrang laki ng papel ni Cloud sa buhay ko at mas lalo naman sa kapatid ko. Marami kaming kalokohan na ginawang tatlo at para sakin ay hindi lang siya isang simpleng kaibigan dahil may puwang siya sa puso ko.

'Ang kontrabida hindi magkakaroon ng happy ending dahil ang main purpose nila ay kainisan ng maraming tao' Nasaan nga ba ang happy ending ng buhay ko? Lagi na lang akong iniiwanan.

"Hija matulog ka muna kanina ka pa nagbabantay" Sabi ni Tita, marami rin kasing nakikipaglamay dahil last day na kaya naman busy talaga sila.

"Hindi na po, nandito naman po si Mom and Dad" Sabi ko sa kanya. Kita ko talaga ang pag-aalala sakin ng magulang ko. Alam kasi nila na malalim ang naging pagkakaibigan namin ni Cloud.

Umalis lamang sila saglit at pumunta sa garden upang kausapin si Angelie ng masinsinan.

"Salamat ah. Naging malapit talaga kayong magkapatid sa anak ko, hindi man kami madalas makabisita sa ospital noon pero kayong dalawa ang nagbantay sa kanya. Maraming salamat ah" Sabi nito at ngumiti sakin. Narinig ko mula sa kanyang bibig ang salitang 'salamat' ngunit hindi man lang ako nakaramdam ng saya o tuwa, siguro'y marahil natatabunan ng kalungkutan ang aking nararamdaman.

"Walang anuman po" Sabi ko at pekeng ngumiti.

Limang araw na akong walang balita kay Damon. Walang communucation o kahit text man lang wala. Hindi naman ako nakikipagtaasan sa kanya ng pride pero sana naman naisipan niya man lang kamustahin ang kalagayan ko. Sana naman naisip niya na sa panahon ngayon ay siya ang pinaka kailangan ko.

Tumulong akong magserve ng pagkain sa mga bisita. May ilang nakakakilala sakin galing sa previous school kong pinag-aralan. Tsinitsismis pa nila na ako raw ang pinakamasamang babae na nabuhay sa earth.

Ganoon nga siguro ang dating Angel... Masama, makasarili, at maldita. Iilang tao lang naman ang nakakakita ng good sides ko eh. Sa buhay talaga ng tao ay hindi mapi-please na mahalin ka ng lahat, accept the fact na kahit gumawa ka ng mabuti o masama ay may manghuhusga sayo.

Meron sa puso ko na natuwa dahil sa wakas makakapagpahinga na si Cloud pero mas nangingibabaw ang lungkot siyempre. Naging isang malaking bagay ang kanyang prisensya sa buhay ko.

"Anak uwi muna tayo, pagod na kayong magkapatid" Sabi ni Mom sakin habang si Dad naman ay nauna na sa kotse oasama si Angelie.

"Pero last day na--"

"Anak, balak mo bang sumunod? Alam kong may care ka kay Cloud pero tignan mo ang sarili mo, hindi na ikaw iyan anak. Para kang nanganak ng limang bata ng sabay-sabay. Tara na umuwi na muna tayo, get some proper sleep para bukas ay may time kang magdrama para sa libing" Wala na akong nagawa kun'di magpaalam sa mga magulang ni Cloud at umalis.

Gustuhin ko man kamustahin sila mom at dad kaso ay wala talaga akong gana. Nakakapagod magpakatanga ng paulit-ulit. Gusto kong lagyan ng barrier ang pyso ko para maiwasan ng masaktan. Nakakatanga. Nakakagago.

"So Angel kamusta naman kayo ni Damon?" Sa biglang pagtanong ni Dad ay naguguluhan ako sa isasagot ko. Magsisinungaling ba ko na okay lang or magsasabi ng katotohanan at masasaktan ulit?

"Okay lang po" Maikli kong sagot at ngumiti. Sa huli ay mas pinili kong magsinungaling. Kilala ko ang mga parents ko, hindi man halata pero O.A. 'yan.

Iniisip ko nga kung ano na ang label naming dalawa, walang break ups na naganap pero feeling ko doon humantong eh. Ang hirap nga kapag sobrang na-attached ka sa isang tao, ang sakit sa puso kapag nawala ang prisensya niya. Yung tipong mapatulala ka lang saglit then bigla siyang tatakbo sa isipan mo?

Kontrabida LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon