Sabog # 41

14.8K 750 38
                                    

POV Angel

Graduation. Eto na yata ang araw na hinihintay ng bawat estudyante, dito na masusuklian ang bawat paghihirap, paghahabol sa mga punyaterang Prof, Pagpupuyat sa walang kwentang thesis, Ang hirap sa pangongopya, at mga natututunan na papasok sa kaliwang tenga labas kaagad sa kabila.

Hawak ko na ngayon ang toga ko para sa gagamitin bukas for graduation. Ang sabi nila masaya raw grumaduate ng college, bakit hindi ko ramdam? Si Cathy at Louie ay sobrang saya at excited, pero parang ako hindi naman?

Naglalakad lang ako palabas ng campus para umuwi, actually mayroon kaming last practice pero hindi nalang ako umattend. Hello! Hindi ko ibibilad sa tirik na tirik na araw ang mala-porselana kong balat.

"Hey Angel babes!" Narinig kong sigaw ni Henry na nakatayo sa tapat ng gate ng school.

"Nakakaloka ka, akala ko ba tinantanan mo na ko? Ba't andiyan ka pa?" Sabi ko and raise my left eyebrow.

"Oo naman! Ako yung tipo ng lalaki na may paninindigan sa salita" Sabi niya and tinaas baba niya pa ang kilay niya.

"Akala mo ba mukha kang cool sa ginagawa mo? Mukha kang unggoy na may saltik" Sabi ko and rolled my eyes. Ang pangit niya talaga nung ginawa niya yun. Swear!

"Brutal as ever. May hinihintay lang ako, yung sinasabi kong nililigawan ko... Girlfriend ko na siya" Masaya niyang sabi sakin at mukhang naka-move on na rin ang gago. Ako? Hibdi pa rin ako nakakamove on sa lahat ng kabaliwan niyang ginawa, siya ang pinaka creepy na suitor ko.

"Wow ah, last two weeks mo lang sinabi 'yon girlfriend mo na agad? Hindi rin naman siya malandi ano?" Sabi ko sa kanya na itinawa niya na lang. Iba talaga nagagawa ng mga malalanding puso at maliit na utak.

"Actually nakalaban mo siya sa contest--- Oh! Here she is!" Sigaw niya at itinuro ang isang babaeng naglalakad. Sobrang na-shock ako at ang unexpected ng plot twist

"Si Venice? Sigurado ka bang syota mo ngayon 'yan? Final answer mo na ba 'yan? Pwede pang mag-back out" Sabi ko sa kanya pero parang wala lang narinig ang gago at lumapit kay Venice... Ang babaeng feeling rich.

"Angel alam kong magkakilala kayo, siya yung babaeng sinasabi ko sayo. Akala ko isa siyang mayaman pero last January ay nag-apply siya ng trabaho sa restaurant ko"

"Tinanggap mo naman? Ang shunga mo rin noh? Pumatol ka sa isang desperada" Sabi ko at akmang aalis na, Sa lahat ng love team na nakita ko... Sila na yata ang pinakamasakit sa mata. Gosh!

"Alam kong galit ka pa sakin, pero I swear na pinagsisihan ko na lahat ng bagay na nagawa ko" Biglang nagsalita ang mahaderang babae. Ay, anyare? Nagbago yata ang ihip ng hangin.

"Deh pagsisihan mo, anong pakielam ko sayo? Akala mo ba nasa telenobela tayo na isang sorry mo lang bibigay na ko? Ang kqpatawaran ng isang tao ay pinaghihirapan 'yan, I-prove mo muna na talagang wala ka ng tama sa ulo bago mo ko kausapin. K?" Sabi ko at tuluyan ng naglakad paalis.

Sana nga lang makatagal si Henry sa Venice panis na 'yun. Pero nakikita ko na rin naman kung paano nababago ni Henry si Venice. Ganoon ba talaga ang impact ng mga lalaki sa mga malditang babae? Nawawala ang pagkakontrabida ko. Wish ko lang mawaka rin sa katinuan 'yang Venice panis na 'yan.

Naisipan ko na lang mag-commute pauwi dahil nga nasa practice pa si Damin. Ayoko naman na magmukhang driver ko siya.

Pagkarating ko sa bahay ay agad akong nagtaka dahil rinig na rinug ko ang ingay na nanggagaling sa loob. May party ba sa loob? Hindi ako na-inform! Bahay ba namin 'to or club?

Pagpasok ko ay agad akong sinalubong ni Martha, ngumiti pa ng malapad ang gaga. Sinampal ko nga, nakakabadtrip ang pagmumukha.

"H'wag ka ngang ngumingiti,nagmumukha kang kalaban ni Batman" Sabi ko nagtuloy-tuloy sa pagpasok. Habang naglalakad ako patungong sala ay mas lalong lumakas ang tawanan na aking naririnig, Ang mga boses ay hindi pa pamilyar.

Kontrabida LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon