Sabog# 6 (Edited)

22.8K 1.1K 82
                                    

Sobrang nakakabagot ngayon sa bahay dahil araw ng sabado, walang pasok. Wala akong mamamalditahan dito at walang mga pangit na nakakalat sa daan. Nakahiga lang ako sa kama at naglalaro ng piano tiles. 132 lang ang highscore ko, shocks! Bakit ba pahirap na ng pahirap ang mga mobile games ngayon?

Nakakatamad din naman kasing mag-mall ngayon dahil nung huling punta namin doon ni Cathy ay may naka-engkwentro lang kaming isang balyena na may halong pusit na umahon sa dagat dahil sa kaitiman. Maitim na nga ang katawan niya, paano pa kaya ang singit at kilikili niya? Baka nasa Bermuda Triangle na ako no'n.

Habang nakahiga ako ay biglang tumawag sa akin. "Unknown caller? Wala akong pakialam sa'yo." Sabi ko at ibinagsak ang cellphone ko sa kama. Ipinikit ko na lang ang aking mata, I don't talk to strangers.

May lahi yata ng kakulitan itong tumatawag dahil paulit-ulit pa siyang tumawag, hindi lang isang beses! Wala yatang balak na tantanan ako hangga't hindi ko ito sinasagot. Bagot kong kinuha ang phone ko at ini-swipe ito para ma-accept ang tawag.

"Hellu! Tita Norma! Naaksidente po si Junjun kailangan niya pu ng pampagamut" Shit lang! Kailan pa ako naging si tita Norma? Ang ganda-ganda kaya ng pangalan ko!

"Hoy kung sino ka mang hampaslupang caller ka! Magda-drama ka na lang, sa maling tao pa! Mali ang tinawagan mong number! May tita Norma ka pang nalalaman, abnormal ka!" Mahaba kong sabi. Ibinaba ko ang phone at pinindot ang end call.

Nakakapagod talaga ang tumanga at tumambay sa loob ng bahay. Gosh! Biglang may magandang ideya akong naisip upang magmaldita. "Bobita!" Malakas kong sigaw dito sa bahay

Hingal na hingal naman na pumasok ang gaga sa kwarto ko. "Ma'am... Bakit po? Galing pa po ako sa kabilang kanto... Dinig na dinig ko po kayo." Sabi niya sa pagitan ng kanyang paghinga. Talagang hulas na hulas sa pawis ang gaga. Kung feeling niya hot siya niyan? Hindi eh. Mukha siyang isda na bagong ahon sa dagat.

"Bobita tutal naman ay tumakbo ka na, gusto kong takbuhin mo mula sa mansyon hanggang sa kabilang kanto... mga tatlong laps." Sabi ko sa kanya, way ko rin 'to para mawala si Bobita panandalian, ang sakit sa mata eh.

"Ngayon na po?" Inosente niyang tanong.

"Hindi! Bukas pa Bobita! Bukas pa!" Sarkastiko kong sigaw.

"Ah okay po." Akmang lalabas na siya ng kwarto.

"Teka! Saan ka pupunta?" 

"Magpapahinga po para may energy ako bukas" Sabi na eh! Shunga talaga! Bakit ba kasi si bobita ang kinausap ko? Pwede namang si Inday na lang! Ang liit ng utak ng babae na 'to.

"Ngayon na! Simulan mo na ngayon kung ayaw mong pagbalik mo ay nakalipad na ang mga gamit mo labas ng bahay!" Malakas kong sigaw at para namang biglang nagka-turbo sa pwet si Bobita. Nung sumilip ako sa bintana ay nasa labas na agad siya at nagsisimulang tumakbo. Sira ulo ka ah! Wala ka pang balak na sundin ako.

Napalingon na naman ako sa cellphone ko na nakapatons sa kama dahil bigla na naman itong nag-ring. "Sino na naman ba 'to?" I asked myself at dinampot ang cellphone. "Isa pang wrong send 'to makakatikim talaga 'tong caller." Pagmo-monologue ko.

Ini-swipe ko ang phone para masagot ang tawag. "Hello, sinong famewhore ang tumatawag sa akin?"

"Grabe ka! Sa wakas ay sinagot mo din! Nagpakahirap pa ako na kuhanin ang number mo sa kapatid mo."

Nawala ang antok ko sa pagkarinig ko ng kanyang boses. Instead na kiligin ako ay kinilabutan ako, parang may serial killer na tumatawag sa akin ngayon. Inlove? Imposible! Kaming mga kontrabida ay ginawa para manira ng relasyon ng ibang tao. Hindi para daigin ang malalanding bidang babae. 

"Bakit ka napatawag? Hindi mo ba alam na busy ako?" Mataray kong sabi sa kanya kahit wala naman talaga akong ginagawa. Bagot na bagot na nga ako rito sa bahay eh.

"Busy? Ganyan ka ba ka-busy? Nakahiga ka lang sa... ehem! Ehem! Nagmamalditang purple bed mo?" Nagulat ako sa sinabi niya! Nakikita pala ako ng Cloud na ito!? Bigla akong na-conscious sa hitsura ko, hindi dahil nagpapaganda ako. Ang mga kontrabida, dapat presentable at mukha pa ring dyosa! Kulang ang salitang Goddess para i-define ang kagandahan ko.

Napadungaw ako sa bintana at nakita ko si Cloud na nakatayo. He's just wearing a plain red round neck shirt at simpleng khaki short. Naka-shades din siya na nakadagdag sa... uhm... Kapangitan niya. 

Hindi ko pinahalata na naapektuhan ako sa prisensya niya ngayon kaya napairap ako sa ere.

"Pa-chix ka pa! Crush mo kaya ako." Sabi niya sa kabilang linya habang nakatingin sa akin. Hindi niya pa rin binababa ang phone call.

"Crush? Baka gusto mong i-crash ko 'yang mukha mo. Gadgarin ko 'yang mukha mo ng malaman mo ang tunay na kahulugan ng crash na sinasabi mo." Nakatingin lang ako sa kanya, ayokong bumaba para lang puntahan siya dahil baka masira lang ang balat ko sa paglabas.

He winked at me and smiled perfectly. I just raised my middle finger at binato ang phone ko sa kanya, tutal, luma na rin naman 'yon. Last three month ko pa siya nabili kaya bibili na lang ulit ako ng bago. Alam ninyo na, ayoko ng luma.

Agad na nakailag si Cloud at nabigla yata siya sa ginawa kong pagbato ng phone ko, who cares? Kaya ko siyang bilhan ng sampung ganoon... Brand new.

He smiled at me once again and do a flying kiss. Eeew! So gross! Mukha siyang bulldog nung ginawa niya 'yon.

Kunwari kong sinapo ang flying kiss na ginawa niya at nakita kong mas lumapad ang kanyang ngiti. itinapat ko ang kiss niya sa bintana at tinapon pababa, pinagpag ko pa ang kamay ko dahil baka may saliva ng gunggong.

Natawa naman siya, he wave his hand na sign na aalis na siya. Grabe! Dumayo pa talaga siya rito para bwisitin lang ako ng ulap na 'yon.

Lalabas na sana ako ng kwarto ko pero biglang bumulagta si Bobita sa sahig, mukha siyang aso na naghahabol ng kanyang paghinga at binalikan mag-isa ng ISIS. Grabe! Hulas na hulas sa pawis ang gaga.

"Ma'am tapos na po." Halos gumapang si Bobita patungo sa direksyon ko pero wala akong pake. Aba'y dapat lang na sumunod siya sa utos ko dahil pinapasahod ko siya!

"Tumayo ka na nga diyan Bobita! Lilinisin mo pa yung bubong, po-floorwax-in mo pa 'yon." Sabi ko at parang isang zombie naman na tumayo si Bobita.

"Opo... Ma'am! Alam mo ba ma'am... nadaanan ko si kuyang pogi kanina at nag-flying kiss pa sa akin... Feeling ko talaga crush ako no'n." Hinihingal man pero malandi niya pa rin na sabi. Alam ko naman na si Cloud ang tinutukoy niya. Sinabunutan ko ang gaga, muntik-muntik ko pang iumpog sa pader, mabuti na lamang at nakapagpigil pa ako. Naawa ako sa pader.

"Araw naman ma'am! Masakit naman!" Pag-angal niya.

"Iayon ang kalandian sa estado ng mukha, okay?" Sabi ko at iniwan siyang mag-isa doon, grabe! Ang hirap makipag-usap sa tanga!

Kontrabida LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon