Sabog # 35

16.1K 860 31
                                    

Japan expedition part 2 :)

Yes nakikita na sa mobile ang word count na nagagamit at baka mahabaan ko na ang UD kapag nagkataon xD

Uso magcomment 0[=(3)=]0
***

[[[POV Angel]]]

Binayaran na ni Damon ang entrance sa Tokyo Tower at pinasakay na kami ng elevator. Dahil nga gabi at isa ito sa mga popular tourist spot around Tokyo ay marami kaming kasabay na foreigner na nagbabakasyon din.

Habang umaangat kami ay hindi maiwasan mamangha ng lola niyo sa ganda ng view. Ang mga ilaw ng street lights, buildings, Houses, Car lights ay kumikinang kapag nasa itaas kana. Para lang akong nagi-star gazing pero sa baba nga lang. Kitang kita rin halos ang kabuuan ng Tokyo!

Puro picture lang ang ginawa ko habang si Damon ay nakapoker face lang na nakatingin sa ibaba pero kitang-kita naman sa kanyang mata na sobrang naa-amaze siya sa mga nakikita niya. Ganyan talaga usually ang expression niyan kapag may taong nakapaligid samin, suplado effect di naman peymus.

"Oy Damon-yo picture tayo," Sabi ko at kumapit ako sa braso niya para mailapit siya sakin. "One two three smile!"

I look at the picture pero poker face lang ang mukha ng gago. Sarap ihulog sa Tokyo Tower.

"Gaano ba kahirap ngumiti?"

"Taking a picture is a girl thing"

"Nahihiya ka lang kasi panget ka"

"Akala ko ba takot ka sa heights?" Sabi niya at nahinto ako saglit, napatingin muli ako sa ibaba at tinignan ang mga taong nagdadaan na parang langgam sa liit.

Ang daming thoughts and 'what if thingy' ang pumasok sa isip ko at bigla na naman akong nanginig.

"King ina ka Damon! Kampon ka talaga ni Satanas... Bakit mo pa pinaalala!" Sabi ko at napaupo ako sa lapag upang hindi na makasilip sa ibaba. Pinagtinginan ako ng ibang tao at baka iniisip nila na autistic ako o kaya naman bagong takas sa mental, keri lang mas mukha pa silang abnoy sakin.

"Don't be O.A. kyng sa eroplano nga ay nakaya mo pati kanina ngayon ka pa ba magi-inarte? Sinabi ko naman sayo you don't need to be afraid if you're together with me. Labanan mo ang takot mo para makita mo ang nakakubling magagandang bagay dito" Sabi niya and stretch his hands to hold mine.

"Lalim ng tagalog mo, nag-aral?"

" A little"

Looking on the beautiful view around tokyo while holding his warm hand give me assurance that I'm really safe. Holding his hand gives me also an unknown sensation.

"I thought you want to take selfie? Tanong niya at umiwas ng tingin.

"Girl thingy pala ah... Confirm ka Teh!" Sabi ko and laugh while looking on his face. Kapag napipikon, kinikilig, o nafa-flattered siya ay namumula ang kanyang tenga and I find it cute.

"Take a selfie your ass, do it alone bitch" Sabi niya at binaling niya ang kanyang tingin sa magandang tanawin. Pikon as ever, kung kanina ako ang talo ikaw naman ngayon.

"Joke lang 'yon ano ka ba!" Sabi ko gusto ko sana siyang kurutin kaso hawak niya ang kamay ko at wala yatang planong bitawan 'to. Mas okay na rin yun atleast mas relax ako kapag hawak niya ang kamay ko.

"Game na ah ngumiti ka ah!" Sabi ko then nagpicture ulit kami. When I look at the picture ay nakangiti na siya. "Kaya mo naman pala ngumiti dami pang arte"

Para sakin ay memorable talaga ang pagpunta namin sa tokyo tower dahil it's our first selfie together.

I always feel that each day that passed makes us more closer and closer. It's really makes me happy kasi kahit papaano ay napagtiyagaan niya ang masama kong ugali at glad din naman ako sa sarili ko dahil napagtiyagaan ko ang suplado niyang ugali.

Kontrabida LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon