Sabog # 17

17.1K 864 137
                                    


POV Angel

Hu ang hirap talaga kapag may red tide! Lahat ng bagay nakakaasar, daig ko pa ang buntis sa sobrang selan we'll anong magagawa nila dahil talagang na-aalibadbaran ako.

"Angel jusko kang bata ka? Bakit ang aga mo ngayon?" Tanong sakin ni Aline Martha pagdating ko. Aba pakielam niya ba

"Aling Martha wag ka ngang hihinga! Naalibadbaran ako sa hininga mo, amoy bagoong" Naiirita kong sabi then rolled my eyes

"Bastos ka talagang bata ka. Kumain ako ng Mangga kanina kaya ganto ang hininga ko"

"Pansin ko nga, Ang asim din ng kili- kili mo. Ligo ligo din pag may time aling Martha" Sabi ko sa kanya before siya iwanan.

Nagdire-diretso na lang ako sa room ko at dali daling nagbihis, hirap ng may red alert!.... Nasabi ko na ba na kapag may red alert ako ay I prefer na matulog? Ano?!? Hindi pa, well wala namana kong pakielam sa inyo.

Ayokong humiga sa kama ko at matulog dahil nga masyadong tahimik sa lugar at baka tuluyan akong bumait. Dun na lang ako sa may sala para maimbyerna ko si Aling Martha sa bawat kagagahan na gagawin niya sa buhay. Tsaka naman para hindi ko mamiss masyado si bobita!

Hello... Requirements kaya para sa mga kontrabida na kailangan meron laging inaapi, kung wala kang inaapi, then don't proclaimed yourself as a kontrabida dahil isa ka lang assumera! Feelingera! Social climber! Isa kang ipis na trying hard na maging isang paru-paro.

Humiga ako sa mahabang sofa and put my earphone on my ears, actually hindi naman ako nagpapatugtog, echos ko lang yung earphone para matahimik ang magulo kong buhay. Mag-iipon muna ko ng chakra para sa Maldita radar ko.

Naisip ko nga parang bumabait ako dito sa Baguio, wala kasi lahat ng taong gusto kong makasama. Yung mga taong nagbibigay sakin ng mga little happiness

Kamusta na kaya ang bait-baitan kong sister? Simula ng umalis siya wala na kong balita sa kanya dahil wala itong text.

Ang bestfriend ko kaya na si makating Cathy? Sana naman tigilan niya na ang popost niya ng Cleavage niya samantalang cap-B lang ang dede niya. Napakatrying hard lang.

My Dad? Hindi pa din niya ba ko pababalikin?... Promise! Isang sabi lang ni Dad na umuwi ako, uuwi talaga ko!

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at dali-dali akong nagtulug-tulugan. Base sa mga naririnig kong yabag ay galing ito sa lalaki. It's either na si tito na kagagaling lang sa work o si Damon-yo na bullshit.

Ibinaba nito ang bag niya sa kabilang couch... So si Damon-yo nga talaga ito. Amoy na amoy ko kasi yung pabango niya eh, Katulad niya nakakademonyo din sa sakit ng ilong.

Hindi ako gumalaw at nakarinig naman ako ng mga yabag ng paa, lumalakas ito sa aking pandinig kaya naman nafeel ko na papalapit siya sakin.

Kahit imbyerna ako sa kanya at gusto ko talaga siyang sampalin ng napkin eh wag muna, wala akong energy dahil masakit ang puson ko.

"I'm sorry." Sabi niya, 2 words lang ang sinabi niya pero parang milyon milyon ang meaning. Naagsosorry ba siya sa pang iiwan niya sakin kanina o in general na nagsosorry siya dahil sa lahat lahat.

Inayos niya lang ang ilang hibla ng aking buhok na nakaharang sa mukha ko and inipit niya ito sa tenga ko. After that ay naglakad na siya paalis, I want to ask 'para san ang sorry?' pero wag na lang, marunong din naman pala siyang magsorry eh, kala ko pa naman reincarnation na talaga siya ni Lucifer.

Nangiti ako at parang nagpaflashback sa utak ko ang salitang sorry niya, I know it's hard para sa mga lalaki ang magsorry dahil malalaki ang ego nila at matataas ang pride. Once they say that, they really mean it.

Kontrabida LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon