Sabog# 9 (Edited)

19.3K 980 64
                                    

"Angel ano bang problema mo?" He didn't even bother to stare at me bagkus ay patuloy lang siya sa pag-a-ayos ng mga papeles dito sa office niya. "Una mong inayawan ang marriage na 'to if I'm not mistaken, bakit ngayon pinagsisiksikan mo ulit ang sarili mo?"

Nandito ako sa opisina ng dad ko. Masakit man sa loob aminin pero nagmamakaawa ako sa kanya na magpalit na lang kami ng posisyon ni Angelica.  Kapag kami ang ikakasal ni Cloud, pwede kaming mag-file ng divorce after several months at papalabasin namin na hindi kami nagkasundo.

Bumuntong hininga ako. "Dad bata pa si Angeli--"

"Mister Peterson wants Angelica for his son. Business is business Angel, wala kang magagawa doon." He stared at me with a blank expression.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at malakas na kinalampag ang lamesa. "Business? Ganoon ba ang tingin mo sa aming magkapatid dad, business? I-inform lang kita ha, baka kasi nakakalimutan mo na we are your daughters!" Kung kinakailangan kong ipamukha kay dad na hindi siya nagiging mabuting ama sa amin ay gagawin ko para lang matauhan siya... kung tao man siya.

"Watch your words, Angel. Hindi ko gusto ang talas ng dila mo." Sabi niya at tumayo siya sa kanyang kinauupuan at galit akong tinignan. He shouted at me AGAIN.

Habang nasa mainit kaming pagtatalo ay biglang pumasok ang sekretarya ni dad, "Ako man dad, hindi ko gusto ang talas ng baba ng secretary mo." I rolled my eyes.

"Sir, malapit na po magsimula ang meeting, kayo na lang po ang hinihintay ng mga board members sa taas." Sabi nung sekretarya ni Dad at masama akong tinignan.

"Hoy! Ang talas mong makatingin ah! Kasing talas ng baba mo." Binunggo ko ang kanyang balikat at naglakad palabas. Lumabas ako ng office ni dad pero hindi ko inaasahan na makikita ang kapatid ko dito sa labas.

Nasa gilid siya ng pinto ng office ni dad, nakatayo at nakatingin lang sa kanyang paa. Agaw atensyon sa mga kalalakihan ang palda niyang suot. Well, nakadagdag naman ito sa pa-anghel image ng kapatid ko.

Nung makita niya ako ay ngumiti siya sa akin, isang malungkot na ngiti. "Ate, narinig ko lahat."

"Shut up, okay? Ginusto ko 'to." Ayokong malaman ng kapatid ko na sobrang nag-a-alala ako para sa kanya.

"Ang saya ko ate na ikaw ang kapatid ko, I love the way you protect me on your own way. Kahit minsan mo lang ipakita ang sweet side mo, I still love you ate." Anyare?  Bakit bumabanat ng ganito ang kapatid ko? Anong nasinghot nito?

"Wala lang akong choice, duh?" Dapat ay aalis na ako pero naalala ko bigla ang usapan namin ni Cloud noong nakaraang araw. "Hinahanap ka nga pala ni Cloud, gusto ka raw niyang makausap.

***

ANGELICA

Hindi ko naman maiwasan na matuwa dahil sa patagong pagtatanggol na ginagawa sa akin ng kapatid ko. Alam ko naman na na-touch 'yan sa mga sinabi ko kanin pero hindi niya lang pinahalata.

I grabbed my phone, hinanap ko ang number ni Cloud at tinawagan ito. Hindi naman talaga na ayoko sa kanya, nung una oo, pero after ng ilang meetings ay naging magkaibigan kami. Nothing special feelings.

Nung sinagot niya ang tawag. "Gusto mo raw akong makausap?" Sabi ko.

"Yeah, may gusto lang sana akong pag-usapan. pwede ba tayong magkita.... Baka naman nakakaistorbo ako sa'yo? Pwede rin sa ibang araw na lang." 

"No, available naman ako ngayon at mukhang importante naman 'yang sasabihin mo. So, saan tayo magkikita?" Umupo muna ako sandali sa couch dito sa lobby ng company ni dad.

"Nasa Maxwell company ka ba?"

"Yes." 

"Magkita na lang tayo sa star bucks malapit diyan mamayang 1:00, okay?"

"Sure, see you." In-end call ko na ito at tumingin ako sa aking wrist watch, 12:30 na. Naisip ko na dumiretso na agad ako sa starbucks at doon na lang ako maghihintay. Wala din naman akong ibang gagawin.

"Aalis na po kayo ma'am Angelica? Ingat po kayo." Nakangiting sabi sa akin ng isang employee na nakasalubong ko palabas at nginitian ko ito.

Lahat ng employees siguro dito ay kilala ako, puwera na lang sa mga bago. Mas kilala naman nila ang ate ko. Kilala nila ako sa pagiging mabait at maayos makitungo samantalang kilala nila ang kapatid ko bilang isang buwisit at tinik sa mga buhay nila.

If my ate will try to change her attitude lang, paniguradong mamahalin din naman siya ng lahat. Hindi mahirap mahalin ang kapatid ko, alam ko 'yan.

Mabuti na lamang at a few blocks away lang star bucks dito kaya nilakad ko na lang. Wala rin naman akong kotse dahil ayaw akong turuan magmaneho ni ate, ang mga tulad ko daw ay dapat nagmamahinhin lang sa mga bahay.

It's almost 12:45 nung makarating ako sa Star bucks. Saglit akong um-order ng Java chips at naghanap ng mauupuan. Mabuti na lamang at hindi masyadong matao ngayon dito.

Matiyaga kong hinintay si Cloud, 1:32pm na siya nakarating sa meeting place namin. Humihingal siyang umupo sa tapat ko. "Kanina ka pa ba? Pasensya ka na ah, Hindi ko kasi alam na traffic ngayon sa bandang Quezon." He brushed his hair using his hand.

"Ayos lang naman, anong gusto mong pag-usapan?" Nakangiti kong sabi. Kahit ako ay hindi ko rin alam sa sairli ko kung bakit hindi ako sanay magalit o mainis man lang, ayoko kasing nakakakita ng ibang tao na nasasaktan, ayoko rin makapanakit ng damdamin ng iba.

Saglit muna siyang tumayo, "Wait lang, order lang ako. Do you like any desserts?" He ask.

"No, okay na ako dito."

Wala pang ilang minuto ay bumalik na siya bitbit-bitbit ang isang hotshot na kape. "Alam mo naman na hindi natin gusto ang isa't-isa. I mean, hindi mo ako gusto at hindi kita gusto as a lover right?" Sabi niya at saglit akong natigil. "Friendship lang talaga ang kaya natin ibigay sa isa't-isa right?" Tumango ako bilang pagsang-ayon.

Umupo si Cloud. "May sakit ka ba?" Tanong ko at kumunot ang kanyang noo to ask 'why'. "Napansin ko kasing ang dalas mong umubo."

"Baka. Dinalaw ko kasi yung masungit mong kapatid last time. Ang lamig sa labas nung mga oras na iyon, baka nagkaubo ako dahil doon." Napatawa kaming parehas sa kanyang sinabi.

Alam ko naman na gusto ni Cloud ang ate ko and to be honest, I'm not against with it. Natutuwa pa nga ako dahil may naglakas loob ng ligawan ang kapatid ko kahit sobrang maldita nito.

"Bakit hindi natin tulungan ang kapatid ko sa mga plano niya ng hindi natin pinapahalata?" Suhestiyon ko. Baka ito ang unang beses na gumawa ako ng kalokohan sa buhay ko.

"Ano naman ideya ang naiisip mo?" Umubo ulit si Cloud at kumuha siya ng ilang tissue para punasan ang kanyang labi.

"Kapag nasa harap tayo ng ating parents. Gagawin natin ang lahat para ma-turn off sila, so that, may chance na hindi tayo ikasal." May ngising kumurba sa labi ni Cloud. I will help my sister, ayokong pagmukhain na siyang masama sa pagkakataon na ito.

***

ANGEL

"Bobita! Bobita!" Malakas kong sigaw pagdating ko ng bahay. Ang hirap hanapin ng babaeng iyon ah! Kung saan-saan kasi nagsususuot yung tikbalang na 'yon eh!

Kung tatanungin ninyo kung magaling na sa sakit si Bobita, Oo magaling na ang gaga! Ang tulin ngang gumaling eh, may sanib yata.

"Ma'am bakit p-- Ay Ma'am! bakit naman po kayo may dalang floor wax?" Inosente niyang tanong. Napatingin siya sa nakangisi kong mukha. Napalagok siya ng kanyang laway na may ebola dahil mukhang nakukutuban na niya ang pinaplano ko.

"Oh!" Itinulak ko sa kanya ang isang plastik ng floor wax. "Floorwax-in mo yung bubong ng pamamahay ko." 

"Ma'am, tirik na tirik po ang araw eh." Pagrereklamo niya.

"Bakit? Gusto mo pa bang payungan kita? Ikaw na amo? Gawin mo na lang! Bubunutin mo pa 'yon pagkatapos mong floor wax-in." Iniwan ko na siyang nakatayo doon. Wala kang choice bobita! Si Inday? Ayon, pasara sa sofa. Ayokong kausapin baka mamatay ako sa kaka-english, magbabasa muna ako ng dictionary bago ko siya kalabanin. 

Hintayin niya lang.

Kontrabida LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon