The Love that never was

273 3 4
                                    

There was a guy I met on the first day of school. His name is Gavin.

It was at the rooftop. Tumakas ako sa first sub dahil puro introducing lang naman ang gagawin. Nataka ako nang makita hindi nakalock ang padlock, binuksan ko ang pinto.

"What the hell?!"

Napapitlag ako sa gulat. Nilingon ko ang isang lalaking nakaupo sa gilid ng pinto ng rooftop. Nakasuot ito ng earphones habang hawak-hawak ang kamay niya.

"Naipit ka ba? Sorry, hindi ko naman alam na may-"

"Shut up," Tumayo ito at bahagyang binangga ang balikat ko 'tsaka umalis.

Sungit.

The next day, sa rooftop uli ako pumunta nang maglunch break.

"You're here again," Wika ng isang baritonong boses.

Nilingon ko ang gilid ng pinto, nakita ko na naman siyang nakaupo do'n pero may diatansya na sa pinto kaya hindi na ito naipit nang pumasok ako.

"Pwede naman siguro ako dito, diba?"

"Just don't get close to me," Aniya at isinuot ang earphones nito 'tsaka pumikit.

I shrugged my shoulders and walked towards him, umupo ako sa tabi nito.

Nagmulat siya. "Didn't I told you not to get close to me?" Saad nito sa naniningkit na mga mata.

"Bakit napakasungit mo?" Tanong ko sa kaniya at kumagat sa sandwich ko.

Bumuntong hininga lang ito at pumikit uli. Pero dahil makulit ako, hinila ko ang isang earphone nito at nilagay sa tenga ko.

"What-"

Kinindatan ko lang ito at nginisian. Narinig ko uli ang pagbuntong hininga nito.

"Oh, kathang isip! Favorite ko 'to," I exclaimed.

"'Di ba nga ito ang 'yong gusto... Oh, ito'y lilisan na ako..." Pagsabay ko sa kanta.

"You like this song?" He asked.

I nodded. "All of their songs,"

"Then, get your own phone and listen to it." Sabi niya at hinila sa tenga ko ang earphone niya 'tsaka tumayo para umalis.

Sungit talaga.

After that day, araw-araw ko na siyang kinukulit kaya naman araw-araw din siyang naiinis sa'kin. Ewan ko ba, gusto ko laging nakikita ang naiinis nitong mukha. Ang pogi.

Dumating ang araw ng huling sem, naging kakaiba ang naging kilos ni Gavin. Bibihira na lang din kaming magkita dahil palagi siyang uma-absent. Kapag pumupunta naman ako sa bahay nila ay palaging walang tao.

I sighed. Dating gawi, pumunta ako ng rooftop at binuksan ang pintuan no'n.

Natigilan ako nang makita ang isang pamilyar na bultong nakatayo malapit sa railings, hinahangin ang buhok nitong kulay itim at hangga' kilay ang haba.

He turned his gaze at me. And I was surprised and amazed when I saw him smiled widely at me. Iyon ang unang beses na nginitian niya ako ng gano'n.

"You're here..." I murmured.

"That was my line," Aniya at inilahad sa harapan ko ang earphones nito.

Nangingiti kong tinanggap 'yon.

"Bawat kilig na nadarama sa tuwing hawak ang 'yon kamay. Ito'y maling akala, isang malaking sablay..."

Sumandal ako sa balikat nito habang pinapakinggan ang kanta. He held my hand and intertwined it.

Napatingin ako sa kaniya, 'yon ang unang beses na ginawa niya 'yon sa'kin.

"Why are you doing this?" I asked, staring at his handsome face.

Napansin kong maputla ang balat niya at malamlam ang mga mata nito.

"I realized..." He stopped for a while and looked at me. Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko. "I realized that i don't have enough time to be with you,"

Kumabog ang dibdib ko nang sabihin niya 'yon.

"W-What do you mean by that, Gav?" Nagsimulang uminit ang gilid ng mga mata ko.

"I'm sorry i-if I didn't told you as soon as I knew about it, Hannah."

"About what?"

"Can we just not talk about it? I'm tired," Ngumiti ito.

"S-Sige," Pinigilan kong 'di maiyak nang sumandal siya sa'kin.

Nanginginig ang kamay kong hinaplos ang buhok niya habang pinapakinggan ang kanta.

"Hannah?"

"B-Bakit?"

"I love you," Nahinto ako sa paghaplos ng buhok nito nang hawakan niya ang kamay ko at dahil na rin sa sinabi nito.

"M-Mahal mo 'ko?"

"Always be happy, okay?" He planted a soft kiss on my
hand. "Even without me..."

"G-Gavin..." Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay
nito. "Mahal din kita,"

He smiled weakly, "Will you let me sleep on your shoulder?"

Sunod-sunod akong umiling sa kaniya habang tuluyang nang tumulo ang mga luha ko. "N-No,"

"I-I'm sorry..."

Sa kabila ng pagtutol ko ay wala rin akong nagawa nang ipinikit niya na ang mga mata nito.

He's tired. Hindi ko siya mapipigilan.

Tahimik akong umiiyak habang tinitigan ang maamong nitong mukha.

He fell asleep and never woke up. Iniwan niya ako.

-----

"ATE!"

Napahugot ako ng hininga at nilingon ang kapatid kong nag-aalala ang mukha. "Ayos ka lang?"

"Pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito. Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo..."

Nanggagaling ang kantang 'yon sa pinasukan naming convenience store. Naalala ko na naman.

"Ako na lang bibili. Bumalik ka na sa kotse,"

Tumango ako sa kapatid ko at naglakad palabas.

Hangga' ngayon iniisip ko pa rin. I have a Maladaptive Daydreaming Disorder. Kaya ngayon naguguluhan ako kung totoo ba si Gavin o bahagi lang siya ng sakit ko.

"'Di ba nga ito ang 'yong gusto? Oh, ito'y lilisan na ako..."

Humihina ang tugtog habang papalayo ako sa convenience store.

Nasasaktan ako sa isang tao na hindi ko naman alam kung totoo ba o kathang isip ko lang. Sobrang sakit, I hope it will end.

Poetry and Story, written over coffeeWhere stories live. Discover now