Under the Moonlight

104 1 0
                                    

Lumabas ako ng bahay at tumambad sa'kin si Raven na nakatunghay sa mamahaling kotse nito. He looks so handsome.

Raven and I, had been in a relationship for 2 years and still counting. Ngayong araw niya pa lang ako ipapakilala sa mga magulang niya. Matagal niya nang gustong ipakilala ako pero lagi akong umaayaw dahil natatakot ako sa magiging posibleng reaksyon nila.

Isa lang akong simpleng babae na walang magulang habang si Raven, he's my complete opposite, buonh buhay nya ay tila isa syang prinsepe.

"You look really incredible with that dress, love." Aniya at hinapit ang bewang ko 'tsaka hinalikan ang labi ko.

It was just a peck but my heart was beating so fast, wildly.

"So as you, you look so handsome with that suit, love." Tumingkayad ako at ginawaran din siya ng halik sa labi.

"I'm always handsome," Saad nito na ikinairap ko pero agad ding napangisi.

"Palahi naman po," Sabi ko at inilapat ang kamay sa dibdib nito at dahan-dahang 'yong ginalaw pababa.

He groaned. "Don't tease me, love. Baka hindi matuloy 'to,"

Tinanggal niya ang kamay ko at hinila ako papunta ng passenger seat at binuksan ang pinto no'n.

"Tsk, weak ka naman pala eh." Wika ko at nakangising pumasok ng kotse niya.

Nang makarating kami sa Mansion nila ay nalula ako sa laki at ganda no'n. Pumasok kaming dalawa sa loob at tumambad sa'kin ang mga nakakasilaw ng palamuti at disenyo ng Mansion.

Isa ito sa mga bagay na nagpapahiwatig na magkaiba kami ng mundong ginagalawan ni Raven.

"Good evening, Mom and Dad." Napalingon ako sa mga magulang ni Raven na katayo sa harap ng dining table.

Hinalikan ni Raven ang mommy nito sa pisngi. Lumapit din ako para makipagbeso pero napatigil ako nang iangat ng mommy niya ang kamay nito para pahintuin ako.

"Uh, you don't have to." Aniya at ngumiti sa sobrang awkward na paraan.

Tipid akong ngumiti. Sigurado akong ayaw niya ako para sa anak niya.

Maayos at tahimik kaming nagsimulang kumain. Not until, his mom broke the silent.

"So, who is she?" Sumimsim siya sa wine nito bago tumingin sa'kin.

I know that look. Maraming tao ang tumingin sa'king sa gano'ng paraan. Tingin na hinuhusgahan ang pagkatao mo.

"She's Heaven, my girlfriend." Nakangiting anunsyo ni Raven sa kanila.

Tumahimik uli nang ilang segundo bago namin narinig ang pagtikhim ng daddy ni Hav.

"Don't forget that you're engaged with Ria," Wika nito.

"I'm not engaged with anyone, Dad. Si Heaven lang ang gusto kong pakasalan,"

"You're not going to break our promise to the Cy family. Kay Ria ka ikakasal," Pinal na sagot ng daddy ni Raven.

Grabe, sa harap ko pa talaga sinabi 'yon ha. Inilapag ko ang kutsara at tumayo.

"I respect you as parents of Raven. But, bumaba po ang respeto ko sa inyo dahil sa mga sinasabi niyo. You can't just decide who he should marry. Kasiyahan ng anak niyo ang hinahadlangan niyo. If you can't accept our relationship, just be happy for Raven." Wika ko.

Hindi ako makatingin kay Raven dahil naiilang akong gumalaw dahil sa titig ng mag-asawa sa'kin.

Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita. "Aalis na po ako. Magandang gabi,"

Mabilis akong naglakad palabas ng bahay na 'yon. Ayokong maabutan ako ni Raven. Tinanggal ko ang suot kong sandals at naglakad ng nakapaa.

Ilang minuto akong naglakad bago ko nakita sa unahan ang gate ng Silverio Mansion. Napapitlag ako ng biglang bumusina at huminto ang isang kotse sa harapan ko. Paniguradong si Raven 'to.

Nakumpirma kong siya nga nang bumaba ito ng kotse. "Why you didn't wait for me? Ang bilis mo namang maglakad,"

"Bakit umalis ka do'n? Nagdidinner kayo, diba?" Malumanay kong tanong sa kaniya.

Hindi ito nagsalita at nanatiling nakatitig sa'kin.

"About what you did earlier... "

"Sorry kung sinabi ko 'yon. Wala akong intensyong bastusi--" 'Di ko natuloy ang sinasabi ko dahil nagsalita siya.

"I know, love. I know," Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa labi niya. "I was amazed by it. You made me fall for you even more,"

Napapikit-pikit ako ng ilang beses. "A-Ano?"

Ngumiti siya sa'kin bago ito lumuhod at nilabas mula sa bulsa niya ang isang maliit na box na kulay blue velvet.

Nanlaki ang mata ko nang buksan niya 'yon at tumambad sa'kin ang isang singsing. Infinity ang design ng crystal na nasa gitna ng singsing.

"R-Rav..." Kinakabahan kong sambit sa pangalan niya.

"Heaven Solveiga, be my Mrs. Silverio. You're the only one I want to be with, love. Please, marry me,"

Unti-unting tumulo ang mga luha ko at tumango sa kaniya. "I'll marry you, Raven."

Isinuot niya sa'kin ang singsing bago ito tumayo at niyakap ako. "F*ck, I love you so much."

"I love you too," Saad ko.

That night, he proposed to me under the moonlight. Kahit pa ayaw sa'kin ng mga magulang niya ay pinili pa rin ako nito.

Wait for your someone who can choose you over and over again. Pipiliin ka kahit pa marami ng humahadlang.

Poetry and Story, written over coffeeWhere stories live. Discover now