KABANATA 3

39 4 0
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na nasa ibang panahon ako. Kahit anong balik ko sa mga pangyayari kanina, kahit pa pagtagpiin at balik-baliktarin ang mga ito, hindi pa rin mawala sa isip ko na baka nga ito ang nangyari—hindi, yun talaga ang nangyayari ngayon, nasa ibang lugar at panahon ako. Malayo sa taon kung saan pinanganak at nabuhay ang aking mga kaibigan at pamilya.

Pero bakit? Anong dahilan at bakit ako napunta sa panahong ito? Masasakal ko na ang sarili ko kakaisip.

Inangat ko ang aking ulo at sa aking inaasahan, lahat sila nakatingin sa akin. Tila sinusuri at hinuhusgahan ang aking buong pagkatao. Ang iba naman ay may bahid sa mukha ng kuryosidad at mga katanungan na hindi nila masabi-sabi. Wala akong nagawa kundi tumingin sa aking plato at kumain, iniiwasan ang kanilang pasimpleng mga sulyap.

Mabigat at tahimik ang atmospera ng hapunan. Dapat pala ay nanatili na lang ako sa kwarto kanina, bakit ba ako pumayag na sumama sa hapunang ito. Kanina pa ako kinakabahan, nanlalamig ang aking mga kamay kaya hindi ako makakakain ng maayos. Paano kapag nahalata nila ang kakaiba kong mga kilos na hindi para sa panahon na ito, ayaw ko na malaman pa ang mangyayari, gusto ko na lang mabaon sa lupa ng buhay.

Aba’y iho, ang kaunti mo naman kumain, huwag ka mahiya at kumuha ka pa ng tinola.” Sambit ni sir Pedro.

Tinignan ko siya at siya lang sa lahat ng kanyang mga kamag-anak ang may ganang ngumiti. "Salamat po sa alok, pero oka–sapat na ang pagkain sa harap ko." Wag ka na masyadong magsalita mula ngayon Jasper, mapapahamak mo lang sarili mo.

Simula pagpasok ko kanina ng hapagkainan kasama si manang Salome ay alam kong sasama na ang timpla ng tyan ko mula sa mga kilos at paninitig nila sa akin. Lalo na ang isang babaeng maladonya ang suotin, halatang mayaman rin katulad ni ginoong Pedro. Kanina ko pa siya nahuhuling pasimpleng tumitingin, hindi ko alam kung nandidiri ba siya o ano.

Pagpasensyahan mo na kung ngayon ko lang ito tatanungin sayo, may pangalan ka ba?” wika ni sir Pedro, tila iniingatan ang kanyang mga sinasabi.

Napatigil ako sa aking pagkain. Nanigas ako sa aking kinauupuan, lalong lumala ang aking pagkataranta. Hindi pang panahon na ito ang pangalan ko, pero kailangan ko siya sagutin baka pagkamalan nila akong bastos na bata. "Ano po... Hindi ko po alam..." Hindi ko alam kung nadama ba nila ang kaba sa aking boses, pero sana hindi. Ramdam ko ang panginginig nito at hindi nakakatulong sa sitwasyon.

Natahimik siya saglit, naramdaman ko rin ang pagkagulat ng ibang kasama ko sa hapag-kainan. “Maari ba kitang matawag na Elias na lamang?” mungkahi ng matanda sa akin.

Tumango na lamang ako bilang hudyat na ayos lamang sa akin

Isa-isa kong matapang na tiningnan ng maigi ang mga mukha na mga nasa harapan ko. Mula sa kanilang mga tingin, parang alam na nila ang sunod na mangyayari.

"Pagkatapos ng hapunan, sumunod ka sa aking opisina, may nais sana akong pag-usapan nating dalawa." Sabi niya kaya pagkatapos namin kumain lahat, sumunod ako sa kanya.

Gumaan ang loob ko dahil nakawala na rin ako sa mga titig nilang lahat kanina. Pero ako ay kinakabahan sa mangyayari at paguusapan namin ni sir Pedro, paano kapag may masama siyang balak, paano kapag mamamatay tao pala siya. Lagot na.

Nakarating kami sa kanyang silid at puno ito ng mga nakakalat na libro, ang iba naman ay maayos na nakatago sa kanyang lalagyanan. May nag-iisang lamesa at upuan sa pinakadulo ng kwarto at sa likod nito ay may malaking bintana, nakabukas ito at mararamdaman mo ang malamig na simoy ng hangin, nakaramdam ako ng panginginig. Sa harap ng lamesa ay may magkabilaang mahabang upuan na kahoy.

"Maupo ka sa lugar kung saan mo man nais." Sinunod ko ito at umupo sa kaliwang mahabang upuan na harap ng lamesa.

Lumakad si sir Pedro papunta sa upuan na kasama ng lamesa. Hindi pa rin nawawala ang aking kaba, ano kaya ang gusto niya pagusapan.

Sa Pangalawang PagkakataonWo Geschichten leben. Entdecke jetzt