KABANATA 6

15 3 0
                                    

Sa wakas, matagal na rin ang nakalilipas simula noong nakatapak ako sa Pilipinas muli. Sumalubong sa amin ang matirik na araw ng Maynila pagbaba namin ng barko, binabati kami ng maligayang pagdating.

At katulad rin ng pagbati sa amin ng araw, sumalabong ang napakaraming guardiya civil. May mga karabinerong nagaantay sa tapat ng barko, isang tao ang nasa harap nilang lahat, sa tingin ko ay siya ang kapitan nila. Nakatingin sila sa amin, seryoso ang mga mukha. Bakit naman nag dami nila ata masyado?

Unti-unti kami lumapit na dala ang aming mga bagahe, kinakabahan ako sa kanilang presensya. Taas-baba kami tinitigan ng kapitan, "Síganos, (Follow us)" Tangi niyang sinabi. Ang pangit niya.

Sa tagal ko na nakasama si ginoong Rizal ay natuto na rin ako kahit papaano ng salitang Espanyol, kaya naintindihan ko na rin ang kanyang sinabi.

Sumunod kami nila ate Lucia at pumasok sa isang opisina dito lang sa pier, madami rin guardia civil ang nakabantay. Sa loob ay sinuri nila kami, sa buong proseso ay di ko maiwasan mapansin ang tingin ng mga guardia civil, mapanuri ito na mapanghusga.

Lumingon ako kay Jose Rizal kung napansin ba niya ito. Mula sa kanyang ekspresyon, hindi ko alam. Hindi ko gusto ang binibigay nilang atmospera, o baka naman guni-guni ko lang ang lahat. Sa kabila nito, nanahimik na lang ako.

Lumabas na kami ng opisina, "Hanggang sa muli nating pagkikita," pagpapaalam ni binibining Lucia sa amin. "Aking kapatid, Elias, lubos kayo na mag-iingat."

"Ikaw rin po ginang Lucia, magiingat po kayo." Pagpapaalam ko.

"Ingatan mo ang iyong sarili habang naglalakbay, kapatid." Tanging sabi lang din ni Rizal, bago tuluyang lumayo at sumakay sa isang kalesa si ate Lucia.

"Elias, maaari mo na puntahan ang iyong pamilya, alam kong nais mo na rin sila makapiling." Lumingon siya sakin, alam ko ang mukhang yan, pinapaalis niya ako. Kung ano man ang maaring mangyari, ayaw niyang madamay ako sa sitwasyon pa.

"Salamat po ginoong Rizal, kayo ay mag-ingat sa inyong pupuntahan..." Binitbit ko ang aking bagahe at naglakad na papalayo, pero hindi ko maiwasan ang mapatanong.

Bumalik ako muli at tinanong, "Ginoo, talaga po bang mapagkakatiwalaan niyo... Sila?" Alam niya kung sino ang aking mga tinutukoy, ang mga guardiya civil. Napansin ko ang saglit niyang paninigas sa kinatatayuan.

Seryoso ang kanyang mga matang nakatingin sa akin, "... Kung ito ay para sa ating bayan, kailangan ba pa natin ito tanungin." Tangi niyang sinabi.

"Elias!" Nakarinig ako ng pamilyar na boses ng isang matanda, lumingon ako sa likod at nandoon sila—ang pamilyang kumupkop sa akin sa panahong ito. Ang laki ng pinagbago nilang lahat.

"Ipinasabi ko kay tatay Pedro na ngayon ang dating natin sa Maynila. Mabuti pa't puntuhan mo na sila, mauuna na ako. Pakisabi na paumahin at hindi ko sila nabati." Bago pa ako nakapagsalita ay umalis na siya, kahit kailan talaga.

Narinig ko ang mga yapak nila papalapit sa akin. "Elias, mabuti at nakauwi kang ligtas at maayos." Napansin ko ang lubos na pagtanda ni tatay Pedro. Dumami lalo ang uban niya at mga kulubot sa mukha niya'y mas nahalata.

"Nagagalak po akong makasama kayong lahat muli," Isa-isa ko silang tinignan, nawawala si Domeng.

"Hindi namin isinama pa si Domeng sa pagsundo saiyo sapagkat mahihirapan siya sa paglalakbay." Banggit ni ate Rosita, nakita niya siguro na hinahanap ko siya.

Kahit sino ay makakaalam mula sa kasuotan ni ate Rosita na isa siyang madre. Tumanda na siya bilang isang ganap na babae, hindi nawala ang sopistikada niyang atmospera, nahaluan lang ito ng pagiging wais at magalang.

"Ayusin mo ang iyong sarili Elias, hindi ka nagmumukhang ginoo sa iyong ayos." Ah, hindi pa rin pala nawawala ang pagiging strikto niya.

"Kuya Elias, maligayang pagbabalik! Kwento po kayo pagbalik natin sa tahanan tungkol sa mga iyong mga nilakbay at natutunan." Nasasabik namang bati ni Ernesto, makulit pa rin siyang bata kahit kailan.

"Elias, natutuwa ako at nakabalik ka ng matiwasay. Gusto ko lang sabihin na ang laki na rin ng iyong pinagbago." Sambit ni Clarissa, sa kanilang lahat, masasabi kong siya ang pinakamabait at mukhang madaling lapitan.

"At masasabi kong walang nagbago sa inyo kundi ang pisikal niyong anyo. Tunay na napalaki kayong lahat ng mabuti ni tatay Pedro," tumingin ako kay sir Pedro, ngumiti siya sa akin pabalik.

Sumakay kaming lahat sa kalesa. Pagdating sa kinaroroonan ng aming bahay ay masasabi kong masarap ang mayroon kang mauwian na tahanan. Nagpaalam ako sa kanilang lahat na matutulog ako saglit dahil napagod ako sa byahe. Ipinikit ko ang aking mata at tuluyan na nakatulog.

Magdadalawang linggo na ang lumipas simula nung dumating ako sa Maynila, masasabi kong payapa ang buong linggo na nandito ako, hindi ka panipaniwala. Wala akong balita na natatanggap tungkol sa nangyayari kay Jose Rizal. Nasaan na ba ang bayani na yon at bigla na lang di nagparamdam.

Ayon sa kalendaryo, alam kong may mangyayari dapat sa linggong ito tungkol sa buhay niya, bakit ba kailangan ko pa makalimutan. Mas lalo napabilis ang pagtapik ng aking paa sa sahig, ito lang ang maririnig mong ingay sa aking kwarto.

Nabulabog ako sa sunod-sunod na katok sa aking pintuan. Napakamot na lang ako ng ulo, baka si Ernesto na naman ito.

Binuksan ko ang pintuan, "Ano iyon–" Hindi si Ernesto ang bumungad sa akin. Dalawang tao na may hawak na malalaking baril na pwede ako patayin kapag hindi ko sila sinunod.

Ano ang ginagawa ng mga guardia civil dito?

Nakita ko sa gilid si Ernesto, hinihingal at umiiyak na, si Clarissa naman ay ginagawa ang kanyang makakaya upang patahanin ang bata. Wala si Rosita at sir Pedro.

"Ano ang ginagawa niyo dito?" tapang kong tanong sa mga kastilang nasa harap ko.

Sa Pangalawang PagkakataonWhere stories live. Discover now