KABANATA 8

14 2 0
                                    

Biyernes ngayon at nakaatasan ako na sunduin ang nanay ni ginoong rizal. Hindi makasundo si ginoong Rizal sapagkat siya at si Binibini Josephine ay abala sa kanilang plano na silang dalawa ang magkakasal na lamang dahil sa hindi din sila makasal sa katolikong simbahan, hindi sila pinagbigyan ni Friar Antonio dahil sa magkaiba ng relihiyon si Ginoong Rizal at binibini Josephine.

Dumiretso ako sa daungan ng barko at hinintay ang kaniyang nanay at kapatid. Kailangan gamutin ang mata ng kaniyang ina sa dahilang lumalala ito. Maya-maya pa ay nakita ko na ang kapatid niyang si ginang Trinidad na kumakaway sa akin kasama nito ang anak niyang si Angelica.

"Elias, kamusta ka? Nasaan na ang aking kapatid?" Tanong ni Ginang trinidad
"Kasama niya po si Binibining Josephine" Sambit ko.
"Ay ganoon ba? Halina't gusto ko na makita ang aking kapatid" Tila masayang wika ni ginang trinidad
"Kamusta elias?" Nakangiting bati ng ina ni ginoong rizal.
"Mabuti naman po ginang Teodora" Magalang na sambit ko.

Sumakay kami sa isang kalesa papunta sa clinic sa kung saan nagtratrabaho si ginoong rizal.

Sa aming pagdating, nakita namin ang kasama na nars ni ginoong rizal.

"Magandang umaga po ginoong alberto, nasaan po si ginoong rizal?" Tanong ko riti.
" Maganda umaga din elias nandoon siya kasama ni Josephine sa may lawa malapit sa kanilang tahanan" Nakangiting wika ni ginoong alberto.

Pumunta ako sa kung saan ang sinabing lugar si Binibining Josephine at ginoong rizal para masabi na andito na ang kaniyang nanay.

Sa aking pagpunta kabi-kabilaan ang mga bati ng mga tao.

Pagdating ko doon nakita ko na magkatapat na magkahawak kamay si binibining josephine at ginoong rizal.

"Saksi ang mga tao at ang lugar na ito na ang ating pagmamahalan ay tunay at walang makakapigil sa atin, kahit pumuti pa ang iyong buhok kahit ilang sakit o problema ang dumaan pangako mamahalin kita hanggang sa mamatay ako, gagabayan kita sa araw-araw" puno ng pagmamahal ang bawat salita na ibinitaw ni ginoong rizal

" Ganoon din ako mahal, dumaan man ang ilang siglo ng panahon, mananatiling ikaw pa din ang laman ng aking puso mahal na mahal kita.." puno ng pagmamahal ang bawat salita na ibinitaw ni ginoong rizal

Sa kanilang paghalik ramdam ko ang lungkot at saya na nadama ko sa aking puso.

Sa dahilang alam ko na malapit na ang sumpa at ang kamatayan ni ginoong rizal. Kailangan ko siya maligtas sa peligro.

Sa aking pagbalik, lumapit sa akin si ginang Trinidad at inabutan ng tinapay.

"Iho kumain ka" Sabay abot na wika ni ginang trinidad.
"Maraming salamat po" Pasasalamat ko.
"Napaka husay ng aking kapatid hindi ba? Nagawa niyang operahan ang kaliwang mata ni nanay" Manghang wika niya.
"Opo mismong ako ay napahanga sa kaniyang galing ngunit tatanggalin ang katarata sa kanang mata niya hindi ba?" Tanong ko.
"Oo subalit ako'y natatakot sa kung ano man mangyari" Kinakabahang sambit ni ginang trinidad.

Napatahimik ako at nanatiling nakatingin na lamang sa isang obra na nakasabit dito sa hospital.

Hindi nagtagal ay bumalik din si ginoong rizal at sinimulan icheck-up ang kanang mata ng kaniyang ina.

"Pwede na natin siyang operahan sa ang araw pagkatapos ng bukas, sa ngayon ay takpan muna natin ang kaniyang kanang mata muna" Wika ni ginoong Rizal.

Pagkatapos, lagyan ng tela ang mata ng kaniyang ina ay hinatid ni ginoong rizal ang kaniyang kapatid at ang kaniyang ina sa bahay. Habang si ginoong rizal ay uuwi sa bahay nila ni binibining Josephine.

Dumiretso ako sa bahay na tinitirhan ko at nag bihis, muli akong napaisip kung gaano kabait at parang kuya ang turing ko sa kaniya. Napabuntong-hininga ako at biglang nalungkot dahil namiss ang aruga ni tatay pedro.

Sa Pangalawang PagkakataonWhere stories live. Discover now