KABANATA 5

16 4 0
                                    


Pagka daong namin sa pier ay may lalaking kumaway sa amin, ayon kay ginoong Rizal siya ay si Jose Albert, isa siyang matalik na kaibigan din ni Ginoong Rizal.

“Bienvenue! Mon ami” Wika ni ginoong albert.
“Bonjour, ginoong albert” Pabalik na bati ni ginoong rizal.
“Aba’y sino naman itong binatilyong kasama mo?” Tanong ni ginoong albert.
“Ahh nais kong ipakilala sa iyo ang aking kasamang si Elias, siya ang tutulong sa atin at tuturuan ko na din” Pagpapakilala ni Ginoong rizal sa akin.

Kinawayan ako ni Ginoong albert at tanging ngiti lamang ang aking nasukli dahil sa kahihiyan at sa hindi makapaniwala na nasa Belgium ako. Dumiretso kami sa isang boarding house na pagmamay-ari ng magkapatid na Jaceby sisters, ito ay aking napag-aralan sa aming paaralan. Sa aking obserbasyon, parehas na parehas ang kwento na nasa libro at sa nangyayari ngayon. Binati kami ng magkapatid at bilib ako sa husay ng kanilang pananalita sa lenggwaheng tagalog.

“Elias, magpahinga ka na sa kabilang silid, bukas ay magsisimula tayo sa pagtuturo” Wika ni ginoong rizal.

Ngumiti ako at pumasok sa aking silid, inayos ko lahat ng kagamitan na ipinadala sa akin ni manong Pedro at nung kinagabihan ay naghapunan kami, puro mga karne at mabibigat ang pagkain dito. Hindi namin nakasabay si Rizal dahil sa may ginagawa siya sa kaniyang silid, nagpasiya ako na dalhan siya ng pagkain upang makakain din siya ng kaniyang hapunan, naabutan ko si ginoong Rizal na nagsusulat sa isang lames ana may lampara.

“Ginoong Jose, kumain na po kayo” Wika ko sabay abot ng pagkain.
“Napaka bait mo naman na bata, maraming salamat” Nakagiting wika ni ginoong rizal.
“Ano po ba ang inyong ginagawa?” Tanong ko.
“Sinusulat ko ang aking sunod na aklat” Wika niya habang patuloy siya na nagsusulat.
“Ano po ang pamagat ng libro na inyong sinususulat po?” Tanong ko muli.
“El Filibusterismo...” Sambit niya.

Napanganga ako at agad na pumunta at tiningnan ito, nakakamangha dahil sa hindi niya alam na ang kaniyang libro ay marangal at binabasa ng marami sa panahon ko.

“Iho, kahit anong mangyari huwag na huwag mo pagkakatiwalaan ang mga Espanyol” Seryosong sambit habang nagsusulat pa din.

Tumango ako at ngumiti ng malungkot, napaka buting tao ni ginoong Rizal nais niya lamang tulungan ang samabayanang Pilipino subalit ang kapalit nito ay ang kaniyang kamatayan.

Pagkabalik ko sa aking silid ay hindi agad ako nakatulog at nanatiling dilat ang aking mata, kung sana ay may maitutulong ako kay ginoong Rizal upang maligtas man lang siya ay gagawin ko. Kinaumagahan ay kaagad ako napabangon dahil sa tuturuan ako ni ginoong Rizal. Pagkababa ko ay nandoon si ginoong Rizal nag-aantay na bumaba ako.

“Pasensya na po ginoong Rizal, ako ay nakatulog ng mahimbing” Nahihiyang sambit ko.
“Umupo ka na rito at tayo ay magsisimula na” Seryosong wika ni Rizal.
“Ano po iyang sinusulat niyo sa papel?” Tanong ko.
“Natagpuan ko na imbis na gamitin natin ang turo ng Espanyol na C at O ay ipapalit natin sa K at W” Turo at seryosong wika ni Ginoong Rizal.

Tanging titig na lamang sa papel ang aking nagawa dahil sa mangha na siya pala ang naka-tagpo na maaring gamitin ng Filipino ang K at W sa Pilipinas. Pagkatapos non ay tinuruan niya ako ng lenggwahe ng Espanyol at Tagalog.

Pagkaraan ng 2 taon…

Sa masamang palad ay kinailangan iwan ako ni ginoong rizal sa Brussels. Dito ay tinulungan ko si Ginoong Jose albert at ganoon din siya sa akin, umuwi si Ginoong Rizal sa dahilang nagka problema ang pamilya niya sa Pilipinas.

Pagkalipas ng ilang buwan ay hinatid ako ni ginoong Jose albert sa Madrid kung saan ay nagkita kami ulit ni ginoong Rizal, tuwang tuwa si Ginoong Rizal nang marinig niya ako magsalita ng mahusay na sa Espanyol at makalumang tagalog, sa madrid ay puro kamalasan ang nangyayari pagdating sa kaniyang pamilya, pagkatapos ng problemang ito ay pumunta naman kami sa Biarritz kung saan ay may nakilala siyang babaeng muling nagpatibok ng puso niya, si nellie bousted subalit hindi din sila nagtagal at naghiwalay din sila, sa  Biarritz ay natapos niya na ang kaniyang sinusulat na akda na El filibusterismo.

Sunod ay pumunta kami ng Ghent upang iprint ang kaniyang sinulat na libro, subalit sa muli ay wala siyang pera kaya buti na lamang ay may tumulong sa kaniya at natagumpay na nailabas ang El filibusterismo.

Sa ngayon ay nasa Hong kong kami, nag aaral si ginoong Rizal ng Ophthalmology at ganoon din ako panay aral lamang ang ginagawa minsan napapaisip kung ilang buwan o taon na kaya ang lumipas sa aking panahon.

“Iho, kumain ka pa” Wika ng nanay ni Ginoong Rizal.

Kasalukuyan kaming nasa isang restaurant ng sikat dito sa Hong kong kasama namin ang magulang at iilan sa kapatid ni ginoong Rizal.

Pagkatapos naming mag tanghalian ay dumiretso kami ni ginoong rizal sa silid-aklatan at pinagpatuloy ang pangatlong nobela niya na hindi naman din niya matatapos.

“Elias, sa tingin mo madami kaya ang magbabasa sa nobelang sinusulat ko?” Nagtatanong na wika ni ginoong Rizal.

Binasa ko ang pamagat ng sinusulat niya.

“Makamisa? Panigurado madami ang masasabik at matutuwa sa iyong nobela po” Wika ko kahit sa totoo ay hindi niya ito matatapos.

“Elias, dumalo ka bukas, tayo ay magdidiwang ng pasko, kahit huwag ka na magbigay ng regalo” Masayang sambit ni Ginoong rizal.

Tumango ako at lumabas ng silid-aklatan, nakakahiya at wala man lang ako mabigay na regalo, bigla ako nakaramdam ng lungkot dahil sa hindi ito nadidiwang ng aking pamilya.

“Elias, pasensya na at ito lamang ang mabibigay ko” Nahihiyang wika ni ginoong Rizal.

Napatingin ako sa pluma na binigay ni ginoong rizal, nahihiya ko itong kinuha kahit wala akong regalo ay binigyan niya pa din ako.

“Gracias, magagamit ko po ito sa aking pag-aaral” Nakangiting banggit ko.

Masaya kaming nagdiwang ng pasko, pagkalipas ng dalawang araw ay umalis na ang pamilya ni ginoong rizal tanging si Lucia lamang ang natira, tinawag ako ni ginoong rizal sa kaniyang silid.

“Ano po ang iyong sinusulat?” Tanong ko.
“Sulat para kay Dr. Marques” Wika niya habang nagsusulat

Binasa ko ito at ang translation nito ay “to be opened after my death”

“Tingin mo, elias bakit kaya hindi pa sumasagot at wala akong balita na nakuha kay Ginoong Despujol, malinaw at klaro ang pagkasabi ko na ibalik niya ang sulat na matatanggap niya” Nagtatakang wika ni ginoong Rizal.
“Tungkol saan po ba ang binigay niyong sulat?” Tanong ko.

Humarap sa akin si Ginoong rizal at ngumiti.

“Babalik tayo ng maynila kasama ang aking kapatid” nakangiting wika niya.




Pov ni Governor Despujol

Paulit-ulit kong tinatapik ang lamesa, naghihintay ng balita. Umayos ako ng pagkakaupo nang narinig ko bumukas ang pintuan ng aking opisina.

Agad-agad na pumasok ang punong konsul na may hawak na isang maliit na sobre, may ngiting nakaukit sa kanyang mukha. "Gobernador Desbujol, la víctima ha caído en la trampa (Gobernador Desbujol, ang biktima ay nahulog sa bitag)." Napangiti ako sa kanyang sinabi.

Ibinigay niya sa akin ang sulat. Binasa ko ito at humalakhak, uuwi si ginoong Rizal sa Maynila. "Ahora todo está cayendo en los lugares correctos y pronto el plan tendrá éxito (Ang lahat ay nahuhulog na ngayon sa tamang lugar at sa lalong madaling panahon ang plano ay magiging matagumpay na rin)." Mukhang magiging maganda ang aming pagkikita.

Envía esta carta a los oficiales de los españoles, di que la entrego (Ipadala mo itong sulat na ito sa mga opisyales ng mga kastila, sabihin mo na ipinapabigay ko ito)," Inabot ko ang sulat. "Pakitawag na rin si Dela Torre, ang aking sekretarya, maaari ka na umalis." Utos ko.

Rizal, malapit ka na mapasakamay sa akin. Ika'y maghintay lamang.

Sa Pangalawang PagkakataonWhere stories live. Discover now