KABANATA 11

12 2 0
                                    

Flashback....

"Jasper punyemas isa! hindi ka ba babangon malalate ka na!" . Sigaw ni mama.

"Hays". Pagbangon ko ay agad kong kinuha ang unipormeng susuotin.

"hangga't di talaga kayo sisigawan hindi kayo kikilos ano?" . Bungad saakin ni mama nang lumabas ako sa kwarto. "Hindi ka nanaman maliligo Jasper? Buti na lang hindi ka nahihiyang maamoy ng tao sa labas" dugtong niya.

" naligo naman ako bago matulog" . Sagot ko.

"Yuck parang hindi tumatakbo kalendaryo sayo ah, inumaga ka na bagong araw na kaya dapat maligo ka ulit". Saway niya.

" Edi mamayang gabi"

" Hays ewan ko sayo, O eto baon mo". Wika niya sabay abot saakin ng 100 at ng baunan.

"Salamat po, Asan nga pala si papa ma?" . Tanong ko.

" Ay hindi ka mahahatid ng tatay mo ngayon.. Nauna na siya sa trabaho niya kase kailangan siya ng maaga". Sagot ni mama.

" Ahh sige po, aalis na ko".

" Sige anak magiingat ka ha, mamaya pagdating mo galing eskwelahan maligo ka na agad". Wika niya kaya tumango na lang ako bilang sagot.

Nagiisa akong anak kaya medyo nakakalungkot ang bahay kapag wala si mama at papa. Si mama lagi siyang nananaway pero alam kong mahal na mahal niya ako, kami ni papa, kaya kahit mahirap ay dalawang trabaho ang kinuha niya para dalawa rin ang pumasok na income saamin. Si papa hindi kami malapit sa isat isa pero mabait din siya, mas madalas nga lang akong makatanggap ng pagmamalupit niya lalo na pag sinusuway ko ang bilin nila ni mama... kaya minsan ay lumalayo na rin ang loob ko sakanya.

Si mama lang ang alam kong may pakialam saakin, at mas madalas na nakakasama. Sinusundo niya ko sa eskwelahan namin pagtapos ng unang trabaho niya, uuwi kami sa bahay at sasabayan niya ako magmeryenda at tsaka siya aalis.

Hindi ko alam pero sa paglalakad pa lang at pagtuntong ko sa school namin iba na ang pakiramdam ko, mabigat ang loob ko at para bang may masamang mangyayari ngayon.

Dumaan ang oras at tapos na kami mananghalian, pagbalik ng klase namin sa room ay naghintay pa kami ng susunod na guro. Medyo sumasama na ang pakiramdam ko. Hindi sa magkakasakit ako pero lalong lumalala ang bigat na nararamdaman ko.

Pumasok si mam Jessica, Ap teacher namin. aaa eto nanaman ang pagsubok, pigilan makatulog sa klase niya..

Maya maya habang nakatitig sa kawalan at hindi nakikinig sa kanya dahil lalo lang talaga akong aantukin ay nagulat ako nang tawagin niya ang pangalan ko.

"Mr. Alicante nakatulala ka nanaman sa klase ko! Pumunta ka nga ng storage room kuhanan mo ako ng chalk para may magawa ka naman" saway niya.

tumayo ako at bumuntong hininga.. napabaling ang tingin ko sa nakasulat sa chalkboard namin. "December 30 1896 ang kamatayan ni R...." ewan ko at lalong lumakas ang kutob ko doon. Ano bang meron sa araw na to? Ano bang pake ko sa mga bagay ngayon at parang sa lahat na lang eh kinukutuban ako.

Binuksan ko ang pintuan ng storage room at dilim ang sumalubong sa akin. Kung hindi dahil sa liwanag mula sa maliit na bintana ng kwarto, wala akong makikita. Bigla akong nakasinghot ng alikabok at napabahing. Binuksan ko ang ilaw, at kumurap-kurap ito halatang malapit nang mapundi. Ang mga lumang libro ay maayos na nakatabi sa isang gilid, maalikabok rin ito katulad ng buong kwarto. May mga karton na nakakalat sa sahig, naglalaman ng mga gamit pampaaralan. Ang iba dito ay bago pa lamang, habang ang iba naman ay sira na.

Mukhang hanggang ngayon hindi pa rin nila 'to nalilinisan ng maayos.

"Nasaan kaya nakalagay ang mga chalk?" Bulong ko sa aking sarili.

Sinuri ko ang buong paligid, naghahanap ng pwedeng paglalagyan nito. Napatingin ako sa aking kanan, isang cabinet ang humugot ng aking paningin. Binuksan ko ito at sa swerte, nakita ko ang isang karton ng chalk, nakalagay lang sa gilid. Napabuntong-hininga ako, naginhawahan. Kinuha ko ang mga chalk at pinagpag ang alikabok nito. Palabas na sana ako ngunit biglang namatay ang ilaw ng silid, napatingin ako sa taas, mukhang tuluyan na itong napundi. Napabuntong-hininga ako at napagdesisyunan na lumabas na agad dahil ayaw ko na rin tumagal sa loob.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng mapansin ko na tila lumiwanag ang labas at umingay ang paligid, para bang madaming tao ang nasa labas. Sa pagbukas ko ng pinto ay hindi paaralan ang bumungad sa akin, hindi ang hallway na dinaanan ko kanina.

End of flashback....

__________

___________________

__________________________________

Isang taon ang nakalipas simula ng kami'y makabalik sa maynila. Nagdiwang ako ngayon ng pasko na wala si Ginoong Rizal.

Simula nang ako'y makabalik dito sa maynila ay bihira nalang ako makakita ulit ng kalendaryo. Ang huling tingin ko ay disyembre 17 ang araw noon. Taong 1896.

Sa pagkakaalala ko ay mangyayari sa taong ito. Sana nga lang ay hindi iyon patungkol kay Rizal.

Nandito ako ngayon sa aking kwarto sa bahay ni Tatay Pedro. Malaki laki na rin ang pinagbago nito dahil nagkaroon siya ng kakayahang ipaayos at gawing mas matibay ang ilang parte sa bahay niya.

Lumabas ako ng kwarto at nakita silang nakatambay lang sa labas ng bakuran at nagpapahangin.

Maya maya ay parang hindi ko makita si Tatay Pedro kaya nagtanong na rin ako kay Domeng.

"Napansin mo ba kung nasaan si tatay pedro?". Tanong ko.

"Ah umalis ang tatay maghahanap raw siya ng mabibilhan ng kalendaryo". Sagot nito habang nagpupunas ng lamesa. KALENDARYO?!

"Sa wakas!". Napasigaw ako. Tumingin ako sa paligid at naka tingin lang siya sa akin. "sa wakas may kalendaryo na tayo haha" ulit ko sa mahinang boses.

Nakita kong may pumasok sa pintuan " Tay" wika ko habang sinalubong siya.

Kinuha ko agad sa sa bitbit niya ang kalendaryo.

"Ayon sa babaeng binilhan ko, ayan daw ang petsa ngayon" Wika niya.

nakita ko ang petsang nakabilog December 28 1896.

____________________

tinuloy ni mam Jessica ang nais niyang isulat sa chalkboard.

izal...

december 30 1896 ang kamatayan ni rizal.

___________________

Nanlumo ang buong paa ko at napaupo ako sa sahig nang maalala ang mga katagang nakasulat sa board. napatakip ako sa aking labi at nagsimulang tumulo ang aking luha. Hindi ko alam kung saan magsisimula, at hindi ko rin alam kung kanino lalapit. Kusa na lang tumayo ang mga binti ko nang makuha ulit ang lakas at pumunta sa aking kwarto. Nagpalit ako ng damit at umalis upang hanapin si Ginoong Rizal at baguhin ang kasaysayan ng Pilipinas

Sa Pangalawang PagkakataonNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ