KABANATA 12

19 2 0
                                    


Disyembre 29 na ngayon, ano na ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saang lugar ako pupunta, natandaan ko na ang lugar kung saan siya pinatay. Sinasabing sa bagumbayan ito pero hindi ko alam kung saan mismo ang lokasyon.

Natulala lang ako sa hapagkainan habang kumakain ng umagahan. Hindi ko mabigyan pansin ang ibang bagay sa sobrang pagaalala ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

"Ginoong Pedro! Ginoong Elias! May balita na nakasulat sa dyaryo patungkol kay Ginoong Rizal!" Balita ni manang Salome sa amin.

Agad akong napatayo at tinignan ang hawak niyang dyaryo, nasa pangunahing pahina ang isyu tungkol kay Jose Rizal. Ipapapatay na siya bukas sa bagumbayan katulad ng aking natutunan. Nakalagay dito ang mga nilabag niyang nga batas at krimen na kanyang ginawa laban sa Espanya.

Narinig ko ang kanilang mga reaksyon. Ramdam ko ang kanilang mga tingin sa akin, tingin ng pag-aalala at awa. Lahat sila ay aking tinitigan,"Kailangan ko makita si ginoong Rizal bukas." Ang determinasyon ko ay umaapaw sa bawat salitang aking binitaw.

Kailangan kong mailigtas si Jose Rizal, hindi ko alam kung papaano pero gusto ko siya iligtas, at gagawin ko ito kahit ano pa man ang mangyari.

Nakalagay sa dyaryo na bukas ng umaga ay magsisimulang magmartsa sila papunta sa lugar kung saan siya papatayin, Luneta de Bagumbayan.

"Sasamahan na kita Elias, kayong lahat ay manatili lang dito sa pamamahay." Sabi ni tatay Pedro.

"Itay... Salamat po." Aking nasabi lamang.

Buong araw ay pinaghandaan ko ang aking sarili na makita ulit si Rizal, wala akong plano kung paano siya sasalbahin pa. Masyado na huli ang lahat, ngunit hindi pwede kailangan may maisip ako, gaano man ito katanga.

Dumating na ang araw na pinakahihintay ko, o baka naming lahat. Ang pagkakamatay ni Jose Rizal. Maaga kami lumuwas ni tatay Pedro patungo sa lugar na kung saan siya ipapapatay. Habang nasa kalesa ay ramdam ko ang aking kaba, buong magdamag ay hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip ng mangyayari ngayong araw.

Hindi maaari ito, bakit hindi ko naalala ng mas maaga. Nakagawa na sana ako ng mas matinong plano upang masalba si Jose Rizal. Napansin ko ang napakadaming sundalong kastila, umpukan din ng tao ang buong lugar. Nandito na kami.

Dumoble ang kaba ko, ang pagtibok ng aking puso ay mas bumilis. Kung gaano ito kalakas ay ganoon rin kalaki ang determinasyon kong maisalba si Jose Rizal.

Maya-maya ay nakita ko na ang papalapit na mga sundalong may mga baril, hawak nila si Jose Rizal. Nawala ang kanyang pagkamagalang, ang kanyang estado ay natulad noong nakita ko siya sa Fort Santiago na nakahiga at natutulog. Alam mo sa kanyang damit at kalagayan na isa na lamang siyang bilanggo.

Dahan-dahan ako lumapit, Narinig ko ang tawag ni tatay Pedro ngunit hindi ko ito pinansin. Paumanhin po, ngunit gusto kong makita pa si Jose Rizal.

Nakakasakit sa puso na makita ang taong naging guro at karamay mo sa buhay na bumaba sa ganyang estado. Mamamatay na siya at nandito pa rin ako, nakatayo at pinapanood lamang mangyari ito, nakakapanghina hindi ko alam ang gagawin ko na. Ang determinasyong meroon ako ay parang nawala noong nakita ko ang kalagayan ni Jose Rizal. Paano ko siya maisasalba?

Nakita kong bumuka ang kanyang bibig, pero hindi ko narinig at naintindihan ito. Ano ang kanyang sinabi? Peste.

Nakita kong naghahanda na sila, ang kanilang mga baril ay inaayos na, ang walong sundalo ay tinapat ang kanilang baril kay Jose Rizal.

Nung nakita ko ito ay lumaki ang aking mga mata, babarilin na nila siya. Mabilisan ako tumakbo papunta sa kanyang kinalalagyan, wala na akong pake kung may mabangga ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sa Pangalawang PagkakataonWhere stories live. Discover now